Rain's POV
"Sssshhh... Rain..."
Naalimpungatan ako dahil may naririnig akong tumatawag sa pangalan ko. Pagdilat ko ay wala naman ibang tao.
Wala akong maamoy na aswang sa paligid. Tumingin ako sa mga kasama ko dito sa kulungan at tulog naman silang lahat.
Wala naman may lakas ng loob na pagtripan ako dahil takot sa akin ang mga kasama ko.
"Ssssss..."
Ano 'yun?
Hindi ko makita kung saan dahil madilim ang paligid.
"Sino ka? Magpakita ka sa akin!"
"Rain..."
Malinaw na sa pandinig ko...
Tama, higishis nga ng ahas ang naririnig ko! Pagtingin ko sa rehas ay may nakapulupot na cobra!
Sisigaw na sana ako para humingi ng tulong sa mga pulis pero para bang naririnig ko ang ahas.
Nakatingin lang sa akin ang cobra...
Bakit?
Parang may dalang mensahe ang cobra at hindi ako nakakaramdam ng takot o panganib sa ahas na ito.
"Sino ka? Alam ko na kinakausap mo ako. Hindi pa naman ako nababaliw."
"Kaibigan..."
Ano? Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya eh kasi tunog ahas pero parang kaibigan ang sinabi niya.
Nagulat ako dahil bigla na lang akong tinuklaw ng cobra sa kamay!
Nahilo ako...
Bigla na lang nagbago ang paligid. Puro dugo ang kalsada na parang ilog. Napakaraming patay!
Nasa gitna ako ng digmaan!
Tama, naglalaban ang mga aswang at babaylan. Nagpapatayan ang mga tao sa paligid ko pero para bang hindi nila ako nakikita.
Mga babaylan...
Sinag! Nasaan ka?
Tumakbo ako sa paligid at nakita ko si Sinag na nakahandusay sa taas ng gusali. Puro dugo siya at naghihingalo!
"S-Sinag! Sinag!"
Para bang hindi niya ako naririnig at nakikita! Sinubukan ko siyang yakapin pero bigla siyang naglaho!
Pagkurap ko ay bumalik na sa dati ang lahat. Nasa kulungan pa rin ako. Napatingin ako sa ahas at gumapang na ito palayo.
Tinuklaw niya ako para ipakita sa akin ang mangyayari.
Nasa panganib si Sinag!
•••
Leona's POV
Ramdam na ramdam ko ang pagyanig ng lupa na parang sinasabi sa akin ang parating na panganib.
Napatingin ako sa mga kapatid ko at parang kinakabahan sila. Pati si Sinag ay ramdam na ramdam ang parating na delubyo.
Naaamoy ko sa hangin ang malakas na uri ng aswang na palapit sa amin.
Ako lang ang nag-iisang Hinirang dito dahil hindi pa kinukuha ni Sinag ang huling pagsubok. May hawak siyang banal na sandata pero kulang pa ang kapangyarihan niya.
Ako lang ang aasahan nila...
Tuluyan nang lumubog ang araw at natanaw namin sa malayo ang hukbo ng mga aswang! Ramdam ko na umiinit ang palakol ko kahit nakasabit pa ito sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Babaylan
FantasiaThe group of Babaylan turned from mystical healers to merciless warriors in order to fight the flesh eating monsters in modern era.