Napakaswerte ko sa kanya...
Napakaswerte ko sana kay Sir Sid kung ako si Libulan. Kaso hindi ahhahahahah. Kamukha ko lang siya pero hindi naman ako diwata.
Kung ako siguro si Libulan, baka sobrang saya ni Sir Sir at hindi na siya malulungkot. Ang kaso, malabong mangyari 'yun.
Kumatok na lang ako sa kwarto ni Leona at dala ko na ang maja na request niya sa akin.
"Leona! Ito na ang maja mo!"
"Sandali lang! Naliligo pa ako!"
Naghintay na lang ako dito sa labas ng kwarto ni Leona habang hawak ko ang tupperware ng maja niya.
Maya-maya ay nakarinig ako ng sigawan sa baba. Parang may nagkakagulo! Nasa second floor kasi ang kwarto ni Leona at may nagsisigawan sa first floor.
Ngayon lang umingay dito sa templo. Natanaw ko na may pumasok na tatlong lalake! Gwapo silang tatlo, pare-parehas silang naka-itim.
Hindi sila babaylan...
Kakaiba ang amoy nila! Napakunot na lang ang noo ko. Kahit na nandito ako sa second floor ay alam ko na kung ano sila.
Mga aswang!
Bumaba na kaagad ako sa first floor at nakita ko si Samira na tinututukan ng itak ang tatlong lalake!
Pati ang mga babaylan na nagsasanay ay tinutukan din sila ng itak. 'Yun kasi ang sandata ng mga babaylan na hindi kasama sa mga Hinirang.
Nakasabit lang ang latigo sa bewang ko. Hindi naman sila makakalabas ng buhay dito.
"Hoy! Chillax lang kayo!"
"Oo nga! Ang iinit naman ng ulo!"
"Ang gwapo namin para tutukan niyo ng itak ha!"
Napakunot ang noo ko. Oo nga, gwapo silang tatlo pero mga aswang sila. Mukhang hindi sila natatakot sa mga babaylan.
Tinitigan ko sila sa mata at nakabaliktad ang reflection ko.
Kailangan kong kumalma. May mga aswang kagaya nila Aling Magda na hindi nambibiktima.
"Magpakilala kayo... Anong ginagawa ng tatlong aswang dito?" Tanong ko.
Napatingin silang tatlo sa akin...
"Uy! Mabuti pa itong cute na 'to, mabait! Ako nga pala si Luis!"
Hahawakan na sana niya ang pisngi ko para pisilin pero nagsalita na ako.
"Subukan mong hawakan ako, puputulan kita ng kamay."
Nakangiti lang ako kahit na nagbabanta. Napangiti na lang din siya sa akin at kinabahan.
"Pagpasensyahan mo na si Luis. Totoo naman kasi na cute ka! Ako nga pala si Lucas!"
"Ako naman si Lucio! Pumunta lang kami dito para sunduin si ate!"
Ano raw?
Luis, Lucas at Lucio...
Nagulat ako dahil bigla na lang nakuha ni Luis ang tupperware ng maja na dala ko! Nanlaki tuloy bigla ang mga mata ko!
"H-Hoy teka!" Sigaw ko na lang.
Biglang kinain ni Luis ang maja!
"Ang sarap nito ah! Ikaw ba ang nagluto nito cutie? Grabe ang sarap!" Masayang sabi ni Luis.
"Hindi para sa'yo 'yan!"
Bubunot na sana ako ng latigo pero biglang may pumigil sa kamay ko. Napalingon na lang ako at nakita ko si Leona.
BINABASA MO ANG
Babaylan
FantasíaThe group of Babaylan turned from mystical healers to merciless warriors in order to fight the flesh eating monsters in modern era.