Chapter 7: Brother's Love

687 78 61
                                    

Rain's POV

Nakahiga sa kama si Lola Selya habang pinupunasan ko siya ng tuwalya na may mainit na tubig.

"A-Apo, pasensya ka na at inaasikaso mo pa ako."

"Wala 'yun lola. Alam mo naman na love na love ka namin ni Sinag."

Napangiti si Lola Selya kahit na nanghihina na siya. Nakita ko na maluha-luha ang mga mata niya.

"Nasaan ang kapatid mo, Rain? Nasaan si Sinag?"

"Namalengke lang po. Dadating na rin po siya maya-maya. 'Wag niyo po muna hanapin at nandito naman ang pinaka-gwapo mong apo!"

Napatawa ng mahina si Lola...

"Ay nako! Mabuti na lang at gwapo ka talaga dahil kung hindi, kukurutin kita sa singit kahit 'di na ako makagalaw."

Natawa na lang ako sa sinabi ni lola. Gusto ko lang naman pagaanin ang nararamdaman niya.

Matanda na kasi talaga si Lola Selya. Ang sabi niya, nagdalawang-isip daw kasi siya kung mag-aasawa pa siya o hindi na kaya ayan tuloy! May sakit na tuloy siya!

"R-Rain apo... Kunin mo sa baul ang buntot pagi ko."

Sumunod na lang ako sa utos niya at kinuha ko ang baul kung saan nakalagay ang latigo.

Hinawakan niya ang kamay ko at nakangiti lang siya sa akin.

"S-Sayo ko 'yan pinapamana. Sa'yo na ang buntot pagi ko, apo."

"Talaga po lola? Thank you po! Sana po balang araw, maging kasing galing mo rin ako!"

"Espesyal ka apo... Naniniwala ako na balang araw, mahihigitan mo pa ang kapangyarihan ko."

"Naku lola! 'Wag mo ako bolahin! Matanda ka na, mahilig ka pa mambola hahahahah!"

"Nagsasabi ako ng totoo, Rain. Ingatan mo ang latigo. Banal na sandata 'yan. Handog sa akin ng diwatang si Dalikamata."

"P-Po? Diwata ang nagbigay sa inyo ng latigo na 'to? Bakit hindi niyo po kaagad sinabi sa amin?"

Ngumiti lang siya...

"Darating ang panahon at malalaman niyo rin ang lahat. Hindi ito ang tamang panahon at hindi ako ang tamang tao para magsabi sa inyo."

Napaisip na lang ako sa sinabi ni lola, malapit na siya mamatay pero nakuha niya pang pag-isipin ako ng malala. Buti na lang love na love ko to si lola.

"Sana talaga mapantayan ko rin ang galing mo lola balang araw. Alam mo naman na ikaw ang idol ko!"

"Oo naman apo... Gamitin mo 'yan para protektahan ang kapatid mo ha?"

"Opo lola... Magpapalakas po ako para kay Sinag kasi sobrang iyakin po niya hahahahhah."

Natawa tuloy siya...

Sa totoo lang, nasasaktan ako na makitang ganito si Lola Selya. Alam ko naman kasi na hindi na siya magtatagal.

Sinusubukan ko lang ngumiti at magbiro dahil ayoko ng iyakan. Ayoko na magpaalam siya sa amin ng malungkot.

Hindi ko rin hinahayaan si Sinag na asikasuhin si lola at alam kong mag-iiyakan lang silang dalawa! Sobrang iyakin kasi ni Sinag! Masyadong malambot ang puso niya.

"Lola! Nandito na po ako! Lulutuan po kita mamaya ng sopas tapos susubuan pa kita!"

Napatingin na lang ako sa pinto at nandito na pala si Sinag. Napatitig siya sa lagay ni lola at mukhang naluluha na ang mga mata ni Sinag.

BabaylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon