Chapter 29: Maria Makiling

579 63 18
                                    

Samira's POV

Nakarating na kami dito sa tuktok ng Maria Makiling. Sinalubong kaagad ako ng tribo namin at mukhang masaya naman sila.

Napansin ko na may malalaking ugat ng puno na puro tinik ang nakaharang sa daanan namin. Hindi makakadaan ang mga tao at kahit aswang ay matutusok sa sobrang talim ng mga tinik.

"Samira! Nandito ka na pala anak! Bakit yata napaaga ang uwi mo? Wala ka bang misyon?" Salubong ni inay.

Niyakap ko siya kaagad...

"May ibang dahilan kaya ako umuwi."

Tumalim ang titig ng mga ka-tribo ko kay Lucas at Lucio. Expected ko rin naman ahahhaha. Tinutukan nila ng sibat ang dalawa.

"Bakit may mga aswang na nakasunod sa iyo, Samira?"

"Papatayin namin sila!"

"Hoy relax! Yari ako kay Sinag kapag sinaktan niyo ang dalawang 'yan. Huwag kayo mag-alala dahil kakampi natin sila."

"Anong kakampi? Wala tayong kakampi na mga aswang!"

Ay ewan! Ang hirap ipagtanggol ng dalawang ito dahil pati naman ako ay kumukulo ang dugo sa kanila.

"Samira, help? Medyo natutusok na ako ng sibat sa leeg," sabi ni Lucas.

"Aba, wala naman kaming ginagawa na masama!" Sabi ni Lucio.

"Pakiusap, huwag niyo na pansinin ang mga kasama kong aswang. Gaya nga ng sabi ko, tumutulong sila sa mga babaylan."

Nagkatinginan lang ang mga tao dito. Halatang wala talaga silang tiwala sa mga aswang dahil takot sila.

"Tara na Samira! Pumasok na tayo sa loob. Pababayaan namin ang mga aswang na 'yan pero huwag mo na ipilit na papasukin 'yan sa loob!"

Napatingin ako sa dalawang aswang...

"O-Ok lang kami dito," sabi ni Lucas.

"Oo nga... Hihintayin na lang namin si crush. For sure babalikan niya kami," sabi ni Lucio.

Naglakad na ako papasok sa loob at nagulat ako dahil bigla na lang gumalaw ang mga ugat ng puno na may matatalim na tinik.

Para bang pinapadaan kami...

Namamangha ako sa mga nakikita ko. Hindi ko alam kung paano nangyari ito dahil wala namang ganito dati.

"Biyaya ni Maria Makiling itong mga matatalas na tinik upang protektahan ang tribo natin," sabi ni inay.

Napakunot na lang ang noo ko. Paano naging biyaya ni Maria Makiling? Ang diwata ng kabundukan na mismo ang humingi ng tulong sa akin.

Pakiramdam ko ay may mali...

Pumasok na lang ako sa loob at kumain na. Gutom na gutom na ako dahil malayo ang nilakbay namin.

Naalala ko tuloy si Lucas at Lucio. Hindi naman sila nakakalipad. Paniguradong gutom na rin 'yung dalawa.

Kaasar...

Inaalala ko pa tuloy sila imbis na naiirita ako. Nagbalot na lang ako ng mga pagkain at lumabas ulit ako.

Napansin ko sila na nakatulog sa ilalim ng puno habang naghihintay.

"Ehem! Wake up!"

Napadilat sila at mukhang pagod na pagod din sa paglalakbay. Haysss! Bakit ba ako naaawa eh aswang naman sila?

Nilapag ko na lang ang basket at marami akong dinala na pagkain.

"Ay wow! Thank you!" Sabi ni Lucas.

"Gutom na talaga kami, kanina pa!" Sabi ni Lucio.

BabaylanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon