Chapter 8

12 5 0
                                    

After what happened last night, Lockey was still unsure about what to do. Hindi niya sigurado kung paniniwalaan niya ba iyong mga sinabi nila Simon at Malcolm. Sa totoo lang, kung hindi siya idinala ro'n ni Simon ay hindi naman niya ito pauunlakan ng atensyon. Gayong namulat siya sa buhay na meron ang mga abomination sa labas ng Summit City, para sa kanya, ano nga bang kahalagahan nito?

The next day, he just went back to school like nothing happened. Ngunit hindi rin naman maaalis sa isipan niya iyong nangyari kagabi.

Pero iniisip niyang inaaksaya lamang nila ang oras nila sa kanya dahil wala nga siyang abilidad na katulad nila. Hindi naman niya iyon maitatanong sa kanyang Tita Amora dahil wala rin naman itong ideya. Ni hindi nga niya rin alam kung nasaan ang nanay nito.

"May pupuntahan ka after class, Lockey?" tanong ni Shanteai sa bintana.

Dahan-dahan naman itong napailing. "Wala naman. Bakit mo naitanong?"

"Gusto ko sanang magpasama."

Napakunot naman ng noo si Lockey. "Ah... okay. Pero bakit ako? Iyong mga kaibigan mo ba? Hindi sila makasasama sa 'yo?"

Umiling si Shanteia. "Hindi, e. May gagawin sila. Mabilis lang naman 'yon. Hindi naman tayo malayo rin. Okay lang ba sa 'yo?"

The last time when someone invited him to go out, hindi naging maganda ang kinalabasan. Iyon ang paganyaya ni Keith sa kanya na pumunta sa arcade noon at sa hindi inaasahang pagkakataon, nasawi ang kaibigan nito. Ayaw naman niyang mangyari iyon kay Shanteai, pero ayaw rin nitong pabayaan kaya napag-isip-isip din ito.

Tumango naman ito. "Ayos lang sa 'kin, Shan. Text mo na lang ako mamaya."

Agad namang napayakap si Shanteia sa kanya. Bahagyang napangiti si Lockey saka ito umalis sa pagkayayakap nito.

"Thank you, Lockey! See you later."

Shanteai left his table and then Lockey continued eating his lunch. Lumingon naman ito sa kanyang paligid at napahugot na lamang siya nang malalim na hininga.

Tinitigan ni Lockey ang kanyang kamay at sinubukan nitong mag-concentrate upang palabasin ang natuturang abilidad na tinutukoy ng mga taong nakilala niya sa CAPES. They believe in him so much they were wasting their time on him.

But it's been taking him some time and never did anything to it.

"Mister Chapmann," mabilis na itinangala nito ang ulo nang marinig ang pagtawag sa kanya. Nakita niya ang kanyang guro na si Sir Gregory.

"Sir?"

"After your class today. Would you mind stopping by my office? I think we need to talk."

"Oh... yes, sir. Pero tungkol po ba saan?"

"You'll know it later. Maasahan ba kita?"

Tumango na lamang si Lockey. "Yes, sir. Pupunta po ako sa office niyo mamaya."

"Alright. See you later."

Sinundan niya ng tingin paalis si Sir Gregory. Napaisip naman ito sa kung anong pag-uusapan nila mamaya. Sa tingin niya, hindi naman iyon tungkol sa grades niya. He's not even failing—though he missed one when his best friend was gone. He wasn't able to make up for it, but he's so sure it's nothing about his grade. Maybe it could be some other stuff.

When he finished his lunch and headed back to his homeroom, upon entering, touching the doorknob of the door immediately brought a static spark on the tips of his fingers that's he hastily reacted out of it. Nang tiningnan naman niya ang ibang pumapasok na napapahawak doon sa door knob ay wala namang nangyayari.

Capes 1: ChargeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon