Chapter 12

22 2 0
                                    

Chapter 12

Maagang nagising si Lockey. Sinilip niya ang roommate na mahimbing pang natutulog. He remembered their conversation last night and he was hoping he would get close to him, but he wasn't sure if Klein would like that. He would just do his best to connect with the others and make this place his second home like what Malcolm and Simon mentioned to him.

As he prepared early, later on Klein woke up uninterestingly. He showed only a timid smile and walked straight to the bathroom as his getaway. Hindi na naman inintindi iyon ni Lockey. He would get closer to him as the days goes by, pero hindi nga siya magtatagal dito sa CAPES at kailangan niyang bumalik sa bahay nila kung hindi ay malalagot siya sa tita niya.

Habang naghahanda sa kanyang sarili ay may kumatok sa pinto. Hindi na naman hinintay na pagbuksan sila ng pinto kung hindi ay sila na mismo ang pumasok. Simon and Malcolm entered the room like they own the place.

"How was your sleep?" tanong ni Simon.

"All good naman," sagot ni Lockey. "Good thing, hindi ako nahirapan masyado makatulog. Minsan kasi kapag wala ako sa sariling bahay, hindi kasi agada ko makatulog."

"Ah, may pinainom kasi kami sa 'yo kagabi hindi mo lang alam," ani Malcolm.

"Huh?" natangang usal ni Lockey. "Totoo ba?"

Natawa ang dalawa. "Loko! Hindi!" ani Simon. "Naniniwala ka riyan kay Malcolm? Di bale, sabay-sabay na tayo mag-breakfast."

"Narinig naming kanina na pinaghahanda kayo ng maaga para sa training?" tanong ni Malcolm.

Napakibit balikat naman ito at saka naningkit ang mata. "Ahm... hindi ko nabalitaan 'yan, basta ang alam ko lang ay ngayon naming gagawin ang training o kung ano man ang gagawin naming. I don't have any abilities to show and participate with whatever they can do. Parang ako nga lang ang normal dito, e."

Tumaas ang kilay ng dalawa sa binanggit nito.

"Sa tingin mo ba abnormal kami?" takang tanong ni Simon. "Siguro... ganyan nga talaga ang tingin ng mga taga-Summit City sa mga taong katulad natin. Lagi na lang may panghuhusga kaya 'wag na 'wag kang gagaya sa kanila. Ang mag katulad natin ay hindi isang abominasyon. Mas higit pa tayo ro'n. We exist not because we'll live to be the evil of their story. Hindi naman tayo gano'n, e. Gano'n ka ba?"

Umiling si Lockey. "Hindi..."

Pinatong ni Malcolm ang kamay nito sa balikat ng matanda. "Kaya hindi ka normal lang. You might not know what you are capable right now, pero baka mamaya malaman mo na kung ano talagang kakayahan ang meron ka."

"Tingnan natin..." aniya. "Alis na ba tayo?"

"Pwede naman na. Nasaan na si Klein? Nauna na ba?"

Umiling ito. "Hindi. Nasa banyo pa siya. Kakapasok lang niya. Ewan ko kung gusto niya makasabay tayo kaya siguro mauna na lang tayo."

The three of them left the room and headed downstairs where they went straight ahead to the dining hall and meet everyone there. Nakita niya sina Sana at Nadiya ro'n na niyaya siya na makatabi ang mga ito, pero hindi siya natuloy dahil hinatak siya nina Malcolm at Simon na maupo sa table nila.

"Ayaw niyo bang makasama at makilala ko 'yong mga taong makakasama ko sa training?" takang tanong ni Lockey.

"Gusto namin," sagot ni Simon. "Magkakaroon ka naman ng maraming oras na makakasama mo sila. Maraming pagkakataon na sila ang makakasama mo sa breakfast, lunch, at pati na rin sa dinner. You will have to be with them twenty-four-seven. Nagsisimula pa lang kayo—I mean, hindi pa nga talaga kayo nagsisimula kaya sulitin mo na ang mga araw na nagagawa mo pa ang mga bagay na dapat mong gawin."

Capes 1: ChargeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon