Chapter 9

11 3 0
                                        

Chapter 9

Hinatid ni Lockey si Shanteai sa bahay nila dahil tila puno pa rin ng takot at kaba ang dibdib nito. Habang ang isipan naman ni Lockey ay lumilipas sa nangyari kanina. Hindi niya alam kung paano nangyari 'yon. Bagamat naguguluhan siya, hindi niya ipinakita kay Shanteai ang pangamba sa kanyang mukha.

Nang marating nila ang bahay ng dalaga, kahit papaano ay napanatag na ito.

"Will you be okay?" Lockey asked.

Dahan-dahan namang tumango si Shanteai. "I still don't know what happened earlier... but I was so glad that I was with you and if you didn't push that man away from us, things could go worse..."

"I believe so," Lockey said, nodding his head. "Maybe we're in the wrong place at the wrong time, but we're also at a perfect moment na walang nangyaring masama sa ating dalawa. I guess that's what matters to what happened earlier."

"True..." she muttered.

"I think I should go now, Shan."

"Be safe, Lockey," babala nito bago tuluyang umalis ang kaibigan.

Nang talikuran ang kaibigan at umalis, puno pa rin ng pagtataka ang isipan ni Lockey. Hindi niya sigurado kung anong nangyari kanina dahil ikinagulat niya talagang gano'n na lamang ang nangyari sa lalaki.

Nang marinig niya iyong report ng mga opisyal do'n na nanginginig ito dahil sa pagkakakuryente, isa lamang ang pumasok din sa kanya isipan na siyang patuloy na gumagambala sa isipan niya.

Sinubukan niyang hawakan ang kanyang sarili. Pumikit pa ito ng mata upang pakiramdam kung may mangyayari bang kakaiba pero wala. Wala siyang naramdamang kakaiba. Siguro nga nagkataon lang iyon. Baka may faulty wires lamang ang shop na iyon at dahil sa lakas ng pagkakasalpok nilang dalawa sa pader ay naapektuhan iyon.

Dumiretsyo ng uwi si Lockey. Mabuti na lamang ay wala siyang nadatnang kung anong magiging problema. Pagkarating niya sa bahay, naabutan niya ang boyfriend ng tita niya—si Gage. Nakaupo ito sa sofa, may hawak na isang balot ng chips habang nanonood ng TV.

"Lockey!" tawag nito sa kanya. "Saan ka galing?" tanong nito.

"Sa school?" sagot nito kay Gage.

"Mabuti naman," komento pa nito. "May nabasa kasi ako kanina na nagkaroon daw ng robbery sa isang shop. Nabalitaan mo ba 'yon?"

Sa isip-isip ni Lockey na ang bilis kumalat ng balita ngunit iling naman ang itinugon nito. "Hindi, e."

"Ah, sige. Ang tita mo pala ay pumunta lang ng market para bumili ng lulutuin mamaya sa dinner," anito.

"Siya lang mag-isa?" tanong ni Lockey. Tumango naman si Gage. "Kung nabalitaan mo iyong nangyaring nakawan. Bakit hindi mo sinamahan si tita sa market?"

Natawa si Gage sa sinabi nito. "Sinabi ko rin 'yan sa kanya pero nagmatigas at siya na lang daw ang pupunta. Mabilis lang naman daw siyakaya hinayaan ko na lang din. I know she will be safe, 'wag kang mag-alala."

"Oh...okay... sige. Aakyat na muna ako sa kwarto ko."

Naglakad na si Lockey palabas ng salas at nalagpasan na niya si Gage nang muli siyang tawagin nito.

"May gagawin ka ba bukas?" tanong nito.

Napailing si Lockey. "Wala naman. Bakit?"

"Samahan mo sana ako sa pagawaan ng sasakyan bukas, ayos lang ba? May mairerekomenda ka ba?"

Napakamot naman ng ulo si Lockey. "Wala, e. Hindi ako maalam sa mga ganyan."

"Sige... pero kung wala ka pa ring gagawin bukas, pwede mo ba akong samahan?"

Capes 1: ChargeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon