Lockey was surprised at what he saw with his reflection in the mirror and the sudden blacked out somehow confirmed it. Nabato lamang ito sa kanyang kinatatayuan. Madilim ang loob ng kwarto. Nakababa ang kurtina dahilan upang walang tumagos na liwanag mula sa labas. Saglit lang din ay narinig niya ang ilang sunod-sunod na hakbang sa labas.
Ilang segundo lamang ay kasunod noon ang pagkatok sa pinto ng kanilang kwarto.
"Lockey? Klein?" tawag ng isa nilang kasamahan sa academy. Bumukas ang pinto at sinilip kung may tao ba sa loob. Nasilayan naman nito si Lockey na mag-isang nakatayo sa dilim. "Lockey? Ayos ka lang? Pinapababa tayo lahat..."
"Ah, sige..." tugon nito at saka sumunod palabas ng kanyang kwarto.
Napansin niyang nagsilabasan nga ang mga estudyante sa kani-kanilang mg kwarto. Sumunod sa agos ng tao si Lockey. Kahit na may ideya siya kung anong nangyari sa biglaang pagkawala ng kuryente ay hindi niya muna ipinaalam sa iba at hinayaang makarating kung saan nagtipon-tipon ang lahat. Nang makita siya nina Malcolm at Simon ay tinabihan nila si Lockey at napansin na parang malalim ang iniisip nito.
"Anong iniisip mo?" tanong ni Malcolm sa kanya.
"Siguro si Lockey may pakana ng pagka-black out," pabirong tugon ni Simon. Nang bitawan niya iyon ay saka niya lang na-realize na baka konektado iyon sa nangyari kagabi sa nangyaring dinner kagabi sa resto. Nagkatitigan sina Simon at Malcolm at tila'y nag-usap ang dalawa sa pamamagitan ng tingin. "Lockey... hindi nga?"
"Lockey?" ani Malcolm saka nito hinawakan sa balikat pero bigla niyang binawi ang kamay dahil tila may dumaloy na kuryente nang hawak niya ito.
"Anong nangyari?" takang tanong ni Simon at kinuha ang kamay ng kaibigan upang tingnan. "Bakit?"
"Nakuryente ako..." pabulong nitong sagot sa kaibigan.
Napaangat na lamang ang kilay ni Lockey sa pinagsasabi ng dalawa dahil kanilang inaakala na baka konektado nga ang lahat. Na si Lockey ang dahilan kung bakit nawalan ng kuryente sa buong academy.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Aurea sa paglapit nito sa mga kaibigang lalaki. "Ang seseryoso niyo naman? Lumapit lang ako at nagtanong. Para naman akong ibang tao?"
"Wala naman," sagot ni Simon. "Napasa kasi 'tong si Malcolm kanina no'ng sinusubukan niyang gamitin iyong donut maker na patakas niyang kinuha niya sa kusina. Nasira na ata kasabay no'ng mag black out."
"Ang weird nga, e," komento ng dalaga. "This never happened before and may back-up namang generator ang building in case magkaroon ng nationwide blackout, but this is the first time it happened since I came here..."
Napakibit balikat na lang din ang dalawa sa naging komento ni Aurea at nang mapatingin siya kay Lockey ay tinanguan na lang ito ng binata.
Mayamaya lamang ay unti-unting bumalik ang kuryente at muling lumiwanag ang buong pasilidad. Saglit lang din ay narinig nila ang pagdating ng ilang mga academy staff at isa na ro'n ay si Sir Gregory. Kanilang inanusyo na maaari nang bumalik ang mga estudyante sa kani-kanilang mga kwarto. Hindi pa man nila alam kung anong nangyari sa pagkawala ng kuryente ay kanila pa ring aalamin iyon.
BINABASA MO ANG
Capes 1: Charge
FantasíaCapes Series 1 In a world where mankind was born with superhuman abilities, in Summit City, they were called an abomination-the people who don't belong to live as normal as they can be. So, here's Lockey, who was about to change the course of everyt...