Chapter 24

9 2 0
                                        

"You're not going anywhere, Flicker

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"You're not going anywhere, Flicker. . . This is the end of your run."

Lockey watched his father get attacked by multiple men using a high-tech weapon aiming to weaken a person. As soon as they targeted him continuously emitted a strong energy coming from the weapon, and then he found him on his knees, weak, but never showing any trace of giving up on his face.

He tried to shout his name many times, but his father would never look his way. He cried, but couldn't even hear his own weeping. He wanted to come running into his arms and save him from the bad guys, but the seven-year-old Lachlan couldn't do anything, but watch how t all unfold.

The bad guys captured his father and dragged him into a military vehicle. Soon after, it drove away, and the mess of what they did to their father was left marked to his life.

"That's alright, bud. . ." the little one felt a hand tapping on his shoulder and as he lifted his eyes up to see who it was, the unknown man punched him in the face.

Mabilis na napabalikwas sa pagkahihiga si Lockey at hinahabol ang hininga. Nilingon nito ang paligid at ito'y nababalot ng dilim at sinag lamang muna na nanggagaling sa bintana ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa silid. Tinanaw nito si Klein na mahimbing na natutulog sa kanyang parte ng higaan.

Inilapat nito ang kamay sa kanyang dibdib at ramdam nito ang mabilis na pagtibok ng puso. Hindi niya alam kung bakit gano'n senaryo ang napaginipan niya. Hindi niya natunghayan ang naganap pero pareho iyon sa nangyari no'ng kaarawan niya. It was supposed to be a day for them to celebrate their son's specila day, but it all went wrong when a rouge abomination came crashing down their special occassion. It was still a blur for Lockey to remember how it all went that day, but he never forgot how every day in the news he saw his father being reported dead and they don't know how it all happened.

He was an abomination.

That's all the news in Summit City could justify, in accordance with the law, abomination should vanish. He knew his father was killed and all the same to the people who went through the hands of the government.

Locked tried to wash the thoughts from his head and lay back down on the back. He tried to close his eyes, but he couldn't fall back to sleep. Inalis nito ang pagkatataklob ng kumot sa katawan. Iniba pa nito ang pwesto nang pagkahihiga pero hindi pa rin siya makuntento at muling napabangon.

Sinilip niya ang orasan mula sa kanyang phone at pasado alas y dos na ng madaling araw. Sa mga oras na ito ay wala nang gising at karamihan ay nasa himbing ng kanilang mga pagtulog. Tumayo si Lockey at tutungo sana sa banyo ng kanilang kwarto nang may mapansing kakaibang liwanag na nanggagaling sa labas. Dahil sa kanyang kuryusidad ay sinilip niya mula sa bintana ang natatanging liwanag.

He noticed that it was the same swirling yellow cloud that appeared out of nowhere during the event when Arthur's club presidency was announced. Muli niyang tinitigan ito at mistulang napapansin niya ang ilang matatalim na daloy ng kuryente. Hindi niya mawari kung kuryente nga ba ang mga iyon o imahinasyon lamang niya.

Ipinagbalewang bahala ito ni Lockey at saka tumuloy sa loob ng banyo. Matapos ang ilang minuto ay lumabas ito at muling sinilip ang kakaibang enerhiya sa labas na nakaabang pa rin do'n.

Nagdadalawang isip si Lockey dahil hindi niya sigurado kung anong mangyayari kung lalapitan niya ito. Ang hinuha lamang niya ay hindi siya nagkakamali na parehong-pareho iyon sa biglang lumabas sa auditorium. Sa pagkakataong iyon ay pinili niyang lumabas ng silid. Tahimik at patakas lamang itong umalis upang hindi makaabala sa pagtulog ni Klein. Kanyang itinahak ang pasilyo patungo sa ibaba. Maingat pa nitong sinuri ang bawat dulo ng hallway kung may mga taong nakaantabay at nagiikot.

Nang tuluyang makalabas si Lockey at sinundan ang daan kung saan nanggagaling ang liwanag. Nang matunton niya ito ay napahinto siya sa kanyang kinatatayuan at tinitigan ito. Noong huli niyang makita ang naturang enerhiya ay ilang beses na may kumawalang kuryente mula roon dahilan upang matamaan ang ilang estudyante at madala sa pagamutan upang maobserbahan. Wala namang lumala ang kondisyon ngunit hindi nila inaasahan na aabot sa gano'ng aksidente.

He thought of what it could possibly do to him once he got closer to the wormhole. Dahan-dahan naman siyang naglakad at ilang metro na lang din ang layo niya mula roon. Naramdaman nito ang pagtaas ang kanyang mga balahibo sa katawan. Malakas ang enerhiyang nanggagaling mula sa wormhole na iyon. Tila ba'y may lakas itong higupin ka papasok sa loob kaya minabuti ni Lockey na magbigay ng distansya mula sa naturang wormhole.

Kanya itong sinuri nang mariin nguni hindi nito alam kung paano sisimulan. Nang kumbinsihin ang sarili na abutin ang wormhole ay unti-unting naglakad palapit habang binabalanse ang katawan upang hindi mahigop ng malakas na enerhiya. Dahan-dahan nitong iniangat ang braso at aabutin ang wormhole gamit ang kamay ngunit sa pagkakataon na mahawakan niya ito ay tuluyang naglaho ang wormhole at bumalik sa normal ang enerhiya at temperatura sa paligid.

Naramdaman nito ang unti-unting pagpatak ng ulan mula sa itaas at nangintab ang kalangitan mula sa pasundot-sundot na matatalim na kidlat. Tila dumadaloy ang mga ito sa mga ulap na pakiramdam niya'y hindi imposible na tumama ito sa lupa.

He waited outside, at the same spot hoping the wormhole would appear again, pero iba ang natunghayan ni Lockey. Sunod-sunod na kalabog ng kulog at matatalim na kidlat ang nangibabaw sa kalangitan. Nang minabuti nitong bumalik na sa loob ay huli na nang kanyang gawin iyon.

Napatingala si Lockey habang isang kidlat ang dire-diretsyong tumama sa kanya dahilan upang maramdaman niyang dumaloy ang bawat enerhiya sa kanyang mga ugat. All Lockey could was the electricity gravitating inside of him because later on, he fell on the ground unconcious and not breathing.

***

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Capes 1: ChargeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon