Chapter 11

12 3 0
                                        

Chapter 11

"Nauna ba silang dumating sa akin?" tanong ni Lockey patukoy kay Klein.

Tumango naman si Simon. "Kanina pa. Ikaw na lang talaga ang hinihintay naming lahat. Sa tingin ko nga may kasama pa dapat kayo, pero hindi siguro na tumuloy. Sayang ang opportunity." Tinapik naman ni Simon ang balikat nito. "But you're here now, and you should be grateful because not many has the privileged of being a part of us."

Napahugot naman nang malalim na hininga si Lockey.

"I know I believe I'm doing the right thing," he said. "Alam mo ba? Kanina nabanggit ng headmaster na kilala niya ang papa ko. Pa'no nangyari 'yon? Hindi naman niya sinabi sa akin. May alam ka ba?"

Bahagya namang natawa si Simon at muling tinapik-tapik ang balikat nito. "Marami ka talagang malalaman kapag nanatili ka rito. Ngayon, nalaman mo 'yan, pero mas marami ka pang malalaman. I'm telling you, choosing to be with us was the right thing you did. Pero wala akong masyadong alam patungkol sa tatay mo. Pwede nating tanungin si Malcolm dahil may mga data siyang hawak, pero alam kong confidential iyon. Hintayin mo na lang na ikwento sa 'yo ni headmaster 'yon... at malalaman mo rin kung bakit."

Naningkit ang mata ni Lockey. Walang ideya kung bakit.

Saglit lang ay lumabas na si Klein ng banyo at napansin nito sina Simon at Lockey na nag-uusap. Wala si Malcolm dahil may panandalian itong pinuntahan matapos ihatid si Lockey.

"Klein, anong super ability mo?" kuryusadong tanong ni Simon.

Napatingin na lamang si Lockey sa kanila dahil alam na naman nito kung anong abilidad ni Klein.

"All the things I touched dies," malamig nitong tugon.

"Oh..." Simon uttered, seems surprised and a little scared about it.

Hindi na naman kumibo si Klein. Tumango na lang din naman ito at humiga sa kanyang kama. Hindi na lang din naman ito pinansin ng dalawa at pinagtuunan nila ng pansin ang magiging stay ni Lockey sa academy.

"'Wag mo siyang hahawakan," pabulong na babala ni Simon sa kaibigan.

Napangisi naman ito sa sinabi niya. "Pwede naman siguro? Basta 'wag lang ata siya ang hahawak sa akin?" Napakibit balikat na lang din naman ito.

"'Di bale, mas marami ka pang malalaman at kung mag-stay man longer than the weekend—"

Agad naman siyang siningitan ni Lockey roon. "I don't think I'll stay next week. Ang napagkasunduan lang ay ngayong weekend saka ako babalik sa bahay namin. I cannot stay here lalo na't kasama ko sa bahay si tita. Nando'n din ang boyfriend niya kaya magtataka sila kung wala ako ro'n."

"Remember when we said na kami ang bahala sa kanila?" tanong ni Simon sa kanya,

Naningkit naman nang bahagya ng mata nito saka dahan-dahan itong tumango. "Oo... ata? Okay, anong mangyayari ngayon?"

"Bukas malalaman mo 'yon." Tinapik ni Simon ang balikat nito. "Sa ngayon, magpahinga ka na. Huwag kang mamamahay. Feel at home. Bukas, magsisimula ang isa sa mga napakarami niyong activity."

"I hope that includes finding my own ability," ani Lockey.

"Chill ka lang," ani Simon. "Darating din tayo sa puntong 'yan. Kaya ka nga nandito sa CAPES para tuklasan ang abilidad mo at guaranteed na matutulungan ka talaga namin. You'll be meeting your teachers tomorrow so be attentive."

"Isa ka ba sa magiging teacher namin?" tanong ni Lockey.

Kinindatan lamang nito at bahagyang natawa. "Malalaman mo 'yan bukas." Tumayo naman ito. "Well, you should go to sleep and charge yourself with a lot of energy. You'll be needing them tomorrow, alright?" Lockey nodded at what he said. "Good! See you tomorrow. Good night!"

Capes 1: ChargeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon