Chapter 10
Pinindot niya ang pulang buton sa letter, pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa ring nangyayari. He knows that doing this might affect something else. Something that he wouldn't even imagine. But he thought it could be also his way to find some answers he was looking for the past years and joining this academy could help him out.
A moment later, his auntie checked on him up.
"Matutulog ka na ba?" tanong nito sa pamangkin.
Tumango naman si Lockey. "Magpapahinga na rin po," aniya.
"Okay... pero aalis ka ba bukas?"
Umiling ito. "Wala naman akong pupuntahan... sa tingin ko. Aalis ka po ba bukas?"
Napakibit balikat naman ito. "Hindi ko alam kung tutuloy kami bukas ni Gage, pero kung nandito ka lang din naman. Maganda 'yon. Basta, kung magbago man isip no'n, bahala na bukas, alright?"
Tumango-tango na lamang ito. "Sige po... sabihan niyo na lang ako."
"Alright! Magpahinga ka na," aniya. And she was about to turn off the lights pero pinigilan naman ito ni Lockey kaya sinira na lamang ng tita niya ang pinto.
He read the letter once again and he's not sure what would happen then, but he saw how everything works there at the academy so he knows they're not lying about what they can do.
While he's laying down, saka may biglaang sumulpot sa loob ng kwarto niya. Nagulat na lamang siya nang makita niya ulit si Simon at kasama na nito si Melinda na siyang naglalaho na lamang nang bigla-bigla.
Napabalikwas siya sa kanyang pagkahihiga at bumango at hinarap ang dalawang taong walang pahintulot man lang na pumasok sa kwarto niya.
Kahit gulong-gulo ang mukha ni Lockey, alam na naman niya kung anong ibigsabihin nang pagparito nila. Tahimik na kinuha ni Melinda iyong letter sa kama ni Locket at saka nito hinarap ang binata.
"Good decision," utas nito.
Walang imik si Lockey.
"Good decision nga, Lockey," dagdag ni Simon.
"Prepare some of your things," utos ni Melinda. "You'll be coming with us over the weekend at the academy."
Nanlaki naman ang mata nito. "Buong weekend?! Teka! Paano?! Nandito—"
"I'll stop you right there," ani Melinda. "Don't worry, we'll handle it. Wala ka dapat ipag-aalala ro'n. We'll handle everything there. So, for now, you just have to go get some of your stuff and we'll be going... maybe in five minutes."
"Huh?"
"Dali-dali, Lockey!" pagmamadali naman ni Simon sa kanya.
Hindi alam ni Lockey kung anong una niyang gagawin. Natataranta siya at sinunod na lamang kung anong mga sinasabi sa kanya ni Simon. Hindi pa rin siya sigurado kung anong mangyayari pagktapos nito lalo na't mawawala siya sa buong weekend at walang ideya ang tita niya ro'n. Iyon lamang ang ikipinapangamba niya.
Hindi naman niya kasi inaasahan na biglaan palang mangyayari ang lahat. Hindi man lang binigyan ng kaunting time para i-process ang lahat ng desisyon niya, pero sa tingin ng capes ay hindi na nila kailangan pa ito patagalin.
Nang matapos ayusin ni Locke yang mga damit at pinagkasya sa isang duffel bag, hinawakan lamang siya ni Simon sa balikat at saglit lang ay nag-iba na ang kinaroroonan nila at na-realize na lamang niyang nasa tapat na sila ng building ng CAPES Academy.
Napahugot na lamang nang malalim na buntonghininga ito.
"Ready ka na ba?" tanong ni Simon na may kasamang malaking ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
Capes 1: Charge
FantasíaCapes Series 1 In a world where mankind was born with superhuman abilities, in Summit City, they were called an abomination-the people who don't belong to live as normal as they can be. So, here's Lockey, who was about to change the course of everyt...
