UNFOLDING
NAIWAN si Lis sa loob ng opisina. Pagkatapos lumabas ni Croissant, mabilis na sumunod si Aster. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya habang napapaisip sa huling sinabi ng Phoenix.
What did he mean by that? Ano bang iniiwisan nitong malaman niya?
Tumayo na lang siya at inayos ang posisyon ng hood ng kaniyang balabal at sumunod na palabas.
"Anong puwede kong gawin para pumayag ka lang? Please, Pahima, kailangan ko talaga ang tulong mo."
Napasingkit ang tingin ni Lis sa ingay na nagmumula sa labas. Nag-uusap sina Aryl at ang brown magician, ngunit hindi niya masiyadong marinig ang usapan ng dalawa. Pinanood niya na lang na makarating si Cross sa labas kung saan naroroon ang dalawang babae.
"Ayoko sabi!" Kaagad na tumayo ang brown magician at tumakbo paalis.
"Pahima!" Pinandilatan naman ni Cross si Aryl at mabilis na sumunod sa brown magician.
Napailing na lang si Lis. Hindi pa nga siya tapos pero umalis na ang loko.
Sumunod naman si Aster at saktong paglingon ni Aryl sa pintuan ang pagbungad din ni Aster.
Napatigil siya sa paglalakad at pinagmasdan ang dalawa.
"Excuse me," Aster said.
May naisip naman siyang kalokohan. Nakangisi siyang naglakad papunta sa direksyon ng dalawa. Pagbukas niya sa pinto, sinadya niyang banggain si Aster dahilan para mas mapalapit pa ang dalawa. Napalakas yata ang pagkabangga niya dahil pati si Aryl ay muntik nang matumba, mabuti na lang at mabilis ang kaibigan at nahapit nito ang baywang.
'Nice!'
Nagdidiwang ang sistema niya sa tuwa dahil sa ginawa. Perfection! Kung puwede lang sumigaw at tapikin nang paulit-ulit sa likuran ang kaibigan niya, ginawa na niya dahil sa saya.
"I'm sorry. Are you okay?" rinig niyang sabi ni Aster. Siya naman ay nakatalikod sa dalawa at nagpanggap na hinahanap kung nasaan na ang Phoenix at ang brown magician ngunit ang kaniyang tainga ay nakapokus lang sa kanila.
"I'm . . . I'm . . ."
Pigil na pigil siya ang pagtawa dahil sa 'di matapos-tapos na salita ni Aryl. They were sailing. And it was all because of the great flower, he, the pretty Lisianthus.
Abala siyang pigilan ang tawa nang mapansing natahimik ang dalawa. Lumingon siya para tingnan ang situwasyon pero hindi na ito kagaya ng kanina. Nakatayo na nang maayos ang dalawa at halatang iniiwisan ang tingin ng isa't isa.
Tinabihan niya si Aster. "Uy, Aster, may pangarap ka na." Bahagya niyang sinundot ito sa tagiliran na kaagad niya ring pinagsisihan dahil sa dilim ng mga tingin nito. Hindi lang si Aster kundi pati na si Aryl.
Napangisi siya.
"So sa akin niyo itutuon ang tingin niyo dahil 'di kayo makatingin sa isa't isa?" Pinagkrus niya ang dalawang braso at umiling.
"Master, what were you thinking?" Aster asked while using the calmest voice he had. Halatang nagpipigil na sigawan siya sa inis.
Hindi niya ito pinansin at humalakhak lang bilang sumagot. Ilang mura na kaya ang sinaulo nito sa isipan dahil sa kaniya? At ilang kamatis na rin kaya ang nilunok ni Aryl dahil sa pula ng mukha nito? Napahawak siya sa kaniyang tiyan dahil sa sakit. Ilang minuto rin siyang tumatawa habang ang dalawa ay mariin lang na nakatingin sa kaniya.
"Oh, please, I'm very flattered. Tunaw na tunaw na ako sa mga tingin niyo," he wheezed, removing some tears on each sides of his eyes.
Umirap naman si Aryl at aalis na sana pero hinawakan niya ang braso nito.
BINABASA MO ANG
The Dissolving Flower
AdventureLisianthus Hibius Crimson, a S-gene, wishes to abolish the treaty that prevents them from communicating with other creatures living in the same country. It's on the day of his coronation that he almost achieve the first step of his dream, but it com...