Kabanata 40

98 6 0
                                    

RETRIEVAL

NABATO si Lis at hindi maikurap ang mga mata. Nanginginig ang kamay niyang napapalibutan ng dugo. Ano ito? Ba't may dugo sa mga kamay niya? At bakit may babae siyang hawak-hawak sa mga braso?

"Violet?" Napaluhod siya. Inabot niya ang mukha nito. He could barely see her face because of the darkness.

"Violet, wake up." Marahan niyang tinapik ang pisngi ng babae ngunit hindi ito nagising. Nabalot ng yelo sa lamig ang balat nito. Ramdam din niya ang bigat ng katawan sa kaniyang mga braso.

Sunod-sunod ang pagtulo ng kaniyang pawis sa noo habang pilit pa ring pinagtagpi-tagpi ang pangyayari.

Wala siyang maintindihan. Hindi niya maintindihan ang ingay sa paligid niya. Hindi niya maintindihan ang lugar na tinatapakan niya na nagmukhang buhangin, pati na ang paligid niyang mas lalo pang dumidilim.

Hindi siya makahinga. Nasasakal siya.

"Violet, please, open your eyes." Mas dumoble ang bigat na nararamdaman niya dahil hindi sumasagot ang babae.

Magsasalita na sana siya ulit ngunit nakaramdam siya ng malagkit na likido, tumutulo mula sa likuran ng babae at inuulan ang kaniyang braso.

Natigilan siya.

"Violet?" Hindi niya napansin ang tumakas na luha sa kaniyang mga mata. A loud, screeching sound echoed inside his ears, causing him to slip Violet from his arms. Kasabay ng kaniyang pagbitiw ang pagkawala rin ng babae sa harapan niya. Napasabunot siya at pilit na inaalis sa isipan ang mga imaheng sunod-sunod na nagpakita sa kaniya.

'Stop. Stop. Stop. Stop.'

He didn't like it. He didn't like the frustration he felt as the strange images flashed inside his head, making him feel nauseous.

The tone of familiar laughs. The ambience. The people. He knew all of them yet the thing he didn't understood was the place. It was unpleasantly dark and deafening. Explosions were bombing his ears. Everything was slowly being destroyed.

Ano ba itong nais ipakita sa kaniya?

Tumayo siya at natatarantang kinapa ang paligid, nagbabakasaling may mahawakan. Walang tigil sa pagtulo ang kaniyang mga luha pati na ang malalaking butil niya ng pawis.

May boses na biglang nagsalita. "Lis, hurry!"

"Hurry for what?!" he screamed. Throat a little dry, he tried to ease his frustration. Akala niya'y gagaan ang loob niya pero lalo lang pala itong lumala.

What was happening to him? Is it because of the aftereffects?

Sumagi naman sa isip niya si Luries.

"This must be his doing," habol-hininga niyang sabi. "Right, that must be it," he said, repeating the words countless times just so he could convince himself.

"Hibi!"

Muli siyang napaluhod nang marinig ang boses ni Violet. Parang sinuntok ang puso niya sa sakit. Hindi niya mapigil ang mga luha at mas lalong hindi niya alam kung bakit siya lumuluha.

Masakit. Nasasaktan siya. Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Parang pinagpipiraso ang puso niya. Hindi siya makahinga. Nanghihina siya.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry," paulit-ulit niyang sabi ngunit hindi niya mawari ang paghingi ng tawad at kung para kanino.

Nanginginig ang kaniyang mga labi habang paulit-ulit na sinasabi ang mga katagang iyon. Nagsalin na ang kaniyang pawis at luha dahil sa walang tigil nitong pagbuhos. Kaunti na lang at mahihigit na niya ang buhok sa higpit ng kaniyang pagkakahawak.

The Dissolving FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon