A LETTER
JUST like Shio's underground house, there were stairs pointing down and leading them to the facility. Masikip ang daanan at ang ilaw ay hindi kasing liwanag sa bahay ni Shio. Walang maririnig na ingay kundi ang kanilang mga yabag lang, ngunit habang papalapit sila sa kanilang destinasyon, may naaamoy siyang masangsang.
Napatakip siya sa kaniyang ilong.
"Ba't ang baho?" komento ni Violet habang ginawang pamaypay ang kamay.
Ganoon din ang ginawa ni Shio bago sumagot. "Basta po. Malalaman niyo rin."
Their voices echoed across the narrow tunnel. When they reached a certain distance, three more tunnels had appeared. Lis flinched when he heard shouting voices on the right. It sounded like they were begging.
Hindi niya namalayan na naglakad na pala siya patungo roon.
"Teka lang po. Sa huli ko na dapat ipapakita 'to sa inyo, e." Napakamot si Shio sa kaniyang buhok habang sumusunod sa kaniya.
Habang papalapit siya, ang masangsang na amoy ay mas lalong sumusuot sa kailaliman ng kaniyang ilong. Sumalubong sa kaniya ang isang pinto na parang rehas. Binuksan niya kaagad ito upang makita ang nasa loob at kamuntikan nang mahulog ang kaniyang puso.
Isa itong kulungan. Isang napakalaking kulungan ng mga tao na nasa iba't ibang edad. Ngunit kahit malaki, masikip itong tingnan sa dami ng nakakulong. Lahat ng mga nasa loob ay buto't balat ang mga katawan, sira-sira ang mga damit at pagod ang mga mukha.
Umusbong ang kaniyang galit at mabilis na nilingon si Shio. Hinila niya ang kuwelyo nito at salubong ang mga kilay na tiningnan ang lalaki.
"What is the meaning of this? Ikaw ba ang may gawa nito?"
"Whoa! Teka lang po, Kuya Lis. Hindi ako ang may gawa niyan. The council did," mabilis nitong depensa.
Inalis niya naman ang pagkakahawak ngunit 'di pa rin nawawala ang tingin.
"The H-district is supervised by the council itself kaya lahat ng kagustuhan nito ay nagagawa nito rito." Tinuro nito ang mga kulungan. "These people, most of them committed a crime. Those who are judged in life sentence are thrown inside these cells. Pero hindi lang mga criminal ang nandito." Tumahimik muna ito ng isang saglit at umiwas ng tingin. Tumikhim ito bago siya nilingon, pilit ipinapakita ang masigla nitong mukha. "The elderly who had been abandoned by their children are also here. Those who are deemed useless, nilalagay rin dito. And even those kids na dapat ay nasa mga orphanage ay nandito. Kung tinatanong niyo kung bakit?" Naglakad ito papalapit sa isang rehas na may mga maliliit na bata. "It's slavery and human experimentation." May kinuha siya sa kaniyang bulsa at inabot sa bata.
"Wow! Candy. Thank you po." Mabilis iyong inabot ng isang batang umitim na sa dumi ang damit.
Hindi niya kayang tingnan ang mga taong nakakulong. Ang masangsang na amoy ay nanggaling sa kanila, ngunit hindi niya magawang takpan ang kaniyang ilong dahil mas nanguna ang sakit sa kaniyang puso.
"H-how could you do this to your people?"
Nilingon siya ni Shio. "Do you think I wanted this? Wala pa ako, may nangyayari nang ganito. Even if I wanted change, I can't do it alone. Alam kong alam mo 'yon, Lis."
"Tulong! Hijo, tulungan mo ako makalabas rito." Napunta ang kaniyang tingin sa baba nang may humawak sa kaniyang kamay.
Isang matandang babae na luhaan ang mga mata.
"Iyong anak ko, kailangan pa ako ng anak ko," pagmamakaawa nito habang mahigpit ang hawak sa kaniyang kamay.
"She's Aling Yett, ang anak niyang nag-doctor ang naglagay sa kaniya rito pero tingnan mo naniniwala pa rin siyang kailangan siya ng walang kuwenta niyang anak."
BINABASA MO ANG
The Dissolving Flower
AdventureLisianthus Hibius Crimson, a S-gene, wishes to abolish the treaty that prevents them from communicating with other creatures living in the same country. It's on the day of his coronation that he almost achieve the first step of his dream, but it com...