Kabanata 50: Wakas

531 25 6
                                    

100 years later

After the flower withered

"IRAYIS! Bumalik ka sabi rito!"

Isang mahinang tawa ang lumabas sa bibig ni Violet nang makita ang isang bata na tumatakbo papalapit sa kanIya. A child who had the eyes of his father and the hair of her mother.

"Tita Violet!"

Kinarga niya ang tatlong taon na batang babae, si Irayis, ang pang-lima at bunso na anak nina Sephtis at Aryl.

"Hello there." Hinalikan niya ang pisngi nitong maumbok. May nginunguya ang bata at halatang pinapakain pa ito ni Aryl dahil sa kaning nakadikit sa pisngi.

Nakarating si Aryl sa kanila. Nasa salas sila ng mansiyon ng Royal Dragon Lineage, ang tahanan ng kaniyang mahal at minamahal.

"Ang aga pa, Aryl, pero mukhang stress ka na," biro niya habang nakatingin sa namumuong pawis sa noo nito.

"Sino ba naman kasing hindi mas-stress, kay aga-aga nalibot na namin ang buong mansiyon kakatakbo ni Irayis." May dala itong pagkain sa plato na hawak-hawak. "Bibisita ka na naman ba?"

Tumango siya at binigay ang bata kay Aryl.

"Hindi ka ba napapagod? Dito ka na lang kaya manatili, total araw-araw ka namang pumupunta rito."

"Hindi na. Mag-aalburoto na naman 'yon si Dad," sagot niya habang iniisip ang kaniyang ama na nasa A-district. Gusto niya nga ring manatili na lang dito pero ayaw siya nitong payagan.

Nagpaalam na siya kay Aryl at saka umakyat sa hagdanan. Nasa panglimang palapag ang destinasyon niya. Puwede naman siyang lumipad pero mas pinili niyang maglakad dahil ayaw niyang magmadali. Kahit gusto niya itong makita araw-araw, ayaw niyang maabutan muli ang lalaki na wala na namang malay.

Maybe, if she would walk slower, she might catch him waking up.

One hundred years had passed since the event happened. Isang daang taon na rin ang lumipas nang mawala si Lis sa kaniya. At isang daang taon na rin ang lumipas matapos niyang malaman mula kay Shio ang lahat ng ginawa ni Lis at kung ilang beses itong bumalik sa nakaraan para lang mailigtas siya at ang iba pa nitong mga kasamahan.

Nakita na niya ang pinto na napapalibutan ng mga halamang gumagapang. Isang malaking pinto na may simbolo ng Eteria. Pinihit niya pabukas ang busol, nagbabakasaling isang nakangiting mukha ng lalaki ang sasalubong sa kaniya ngunit hindi.

He was still asleep.

He had slept for too long that the plant had longed for him, surrounding the entire room, even his bed, and waiting for him to wake up. Despite the many kinds, the plant that bloomed the most was the Lisianthus flower.

The appearance of Lisianthus flowers resembled the beauty of the man sleeping in the bed. The roofless room allowed the sunlight's rays to shine, glowing and making his face the center of attraction.

Umupo si Violet sa kama at tipid na ngumiti. She touched some strands of his long, color-filled hair. Leaning in, she buried a kiss on his forehead.

"Hanggang kailan ka ba matutulog?" she whispered. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Ilang saglit pa ay pinisil niya mga pisngi ng lalaki. "Ang ganda mo talaga, Hibi."

Kahit papaano, nagpapasalamat siya dahil hindi tuluyang nawala si Lis sa kaniya.

One hundred years ago, when Lisianthus almost turned into sparkles of dust, Shio came. Habol-habol nito ang hininga habang dali-daling binuksan ang isang bag. Hinawakan nito ang kamay ni Lis upang ito ang magbukas ng kahon.

The Dissolving FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon