Kabanata 35

113 9 3
                                    

CONFUSION

ISANG araw na siyang nakatunganga sa kaniyang kuwarto habang iniisip pa rin ang sulat ng kaniyang ama. Hawak-hawak niya pa rin ito sa kamay at muling pinagmasdan na animo'y ilalabas nito ang mga hinahanap na sagot ng kaniyang isipan.

"Bakit, Pa? Anong ibig mong sabihin? Bakit ayaw mong kunin ko?" he asked many times already as if the letter would answer him. Kaunti na lang, mapupunit na ang sulat sa higpit ng kaniyang pagkakahawak.

Madami na nga siyang iniisip, dumagdag pa ito.

Kinuha niya ang unan sa tabi at itatapon na sana nang may panibago na namang tanong na pumasok sa kaniyang isipan.

"How did you know that my Dragon Stone is not with me?" Binitiwan niya ang unan at ang sulat ang binagsak sa kama. "Why did you know about it, huh? Why? Why? Why?" Dinuro niya ito.

Mabilis siyang napatakip sa kaniyang bibig nang may napagtanto.

"Don't tell me . . ."

Naalala niya ang sinabi ni Aryl tungkol sa lalaking nagbigay sa kaniyang Dragon Stone at ang tatlong paraan kung paano makukuha ang Dragon Stone sa isang dragon. Una, ang ceremonial blessing. Pangalawa, ang spell mula sa kaniyang bloodline. At pangatlo, ang spell ng isang magician.

'The spell from my bloodline . . .'

Dahan-dahan niyang binalik ang tingin sa sulat at 'di makapaniwalang tinitigan.

That night when he got drunk, there were no commotions, at kahit si Sephtis ay walang natunugan, ibig sabihin nakuha ng salarin ang kaniyang Dragon Stone nang walang kahirap-hirap. And to add up, maybe he agreed as well. Maybe he didn't do anything because it was his father.

Siguro no'ng gabing iyon nakilala niya ang lalaki.

"Argh!" Napasigaw siya habang mariing kinamot ang ulo. Bakit kasi wala siyang maalala.

But it made sense.

'Pero kung si Papa nga ang kumuha sa Dragon Stone ko, anong rason niya at bakit nito kinuha at binigay pa sa isang magician?'

"At isa pa!" gigil na gigil niyang sabi habang nakatingin pa rin sa sulat. "Kung si Papa nga ang kumuha, bakit sinabi ni Yeyi na isang black magician ang nagnakaw, ha? Bakit? Bakit? Are you saying that he lied to me, huh? Tell me!"

Napatigil siya sa ginagawa nang makarinig ng kalabog na nagmumula sa kaniyang pinto. Ilang sandali pa, bumukas ito at iniluwa roon si Violet.

"Hibi!" May napansin siyang kakaiba sa babae.

Hindi ito makalakad nang matuwid habang papunta sa kaniya. Umakyat ito sa kaniyang kama at nang makalapit ay niyakap siya nang mahigpit.

Doon niya lang naamoy ang alak na nagmumula sa babae.

"Why are you drunk?"

Sinubukan niyang itulak ito palayo upang tingnan ang mukha ngunit mahigpit itong nakayakap sa kaniya. Nakasubsob ang mukha sa leeg kaya naman damang-dama niya ang mga hininga nito.

Nakasandal siya sa headboard ng kama. Hindi siya makagalaw dahil nasa ibabaw niya ang babae. Hinayaan niya na lang muna ito at hinaplos ang mga buhok upang makatulog.

"Lis."

"Hmm?"

"Bakit hindi mo 'ko gusto?"

Napatigil siya sa paghaplos. Ni minsan hindi pumasok sa isip niya kung gusto niya ba ang babae o hindi dahil siya rin mismo, hindi alam ang sagot.

He enjoyed her company. Everytime she was around, the tranquillity always washed his entire being as if she was his home. He wanted her to stay close. But there was something that he couldn't understand.

The Dissolving FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon