THE SHADOWS
LIS woke up with a heavy head. Late na ng umaga siya nagising kaya naman lutang siyang nakinig kanina sa mga direksyon ni Cortez. Direksyon kung paano sila magtratrabaho sa flower shop. Malapit lang sa town square—kung saan sila naglaban ni Aryl kagabi— ang flower shop ni Cortez. At ngayo'y nakaupo siya sa isa sa mga upuang nakabalandara sa labas ng tindahan habang pinaglalaruan sa kamay ang bagong pitas na rosas. Kasama nila si Aryl na magtratrabaho at ito ang tumulong sa kanila kung paano ang mga galawan sa tindahan. Ito rin ang nagpaalala sa medium na gagamitin nila Aryl at ang tangkay ng rosas ang kaniyang napili.
Last night was a little careless. Buti na lang tulog na ang lahat at walang nakakita sa kanilang iba. Kung mayroon man, paniguradong dinadakip na siya ng mga magician na dumadaan sa kalsada ngayon imbes na tingnan nang may pagtataka ang sira-sirang lupa ng town square.
Hanggang ngayon nalilito pa rin talaga si Lis sa mga materyales na ginamit sa pagbuo ng mga gusali. Kagaya na lang ng tindahan ni Cortez, hindi ito kagaya ng mga gusaling nakita niya. The insides were visible. Kita niya si Aryl na abalang mag-arrange ng bulaklak sa counter. Si Aster naman ay may kinakausap na customer habang tinuturo ang mga nakahilarang bulaklak sa loob. Siya? Nakatunganga lang sa labas. Hindi naman sa ayaw niyang tumulong pero si Cortez ang nagdesisyon na ilagay siya sa labas upang makakuha raw ng customer.
"Bagay ang mukha mo sa flower shop-ka. Siguradong marami kang mahihilang customer kahit na umupo ka lang at walang gawin-ka." Iyan ang sinabi ni Cortez kanina at mukhang epektibo nga ito.
Napapatingin ang lahat ng mga magician na dumadaan kaya naman binabati niya rin ito. Kagaya ng sinabi ni Zeby sa kaniya, palaging ilagay sa likuran ang kamay sa tuwing babatiin ang mga magician. Wala naman siyang reklamo sa itinalaga sa kaniya. Sa katunayan ay natuwa pa siya dahil nagagawa niyang makausap ang ibang mga magician. Sa tulong na rin ng suot na ginawa ni Cortez sa kanila, para na rin siyang isang red magician.
"Good afternoon-ka," Lis greeted the green magician walking on his direction. Ginaya niya rin kung paano magsalita si Cortez.
"Good afternoon-kaki!" masiglang bati nito. Napatingin si Lis sa dala-dala nitong walis. She was familiar. Ito ang babae sa gusali na tinalunan niya. "Ngayon lang yata kita nakita rito. Bago ka ba-kaki?"
He nodded. "Yes."
"Wow! Ang ganda mo-kaki! You look like a flower!" puri nito habang nakatingin sa buhok niyang ipininta sa kulay ng rosas at ube.
"Thank you," he replied, smiling. He gestured his hand on the yellow Tulip beside him. "This flower will likely fit your pretty green eyes, miss."
Bahagya pang natigilan si Lis dahil nakalimutan niyang magdagdag ng "ka" sa hulihan ng kaniyang mga salita. Pinagmasdan niya ang babae pero mukhang hindi naman nito napansin dahil nakapokus na ang tingin nito sa Tulip na tinuro niya.
May iba pang nakahilirang bulaklak sa labas na nakalagay sa malalaki at maliit na paso. They sale flowers in single, bouquet, and in pots.
"As if!" Nagsalita ang yellow Tulip na tinuro niya kanina. Hindi naman niya iyon pinansin nang ngumiti ang babae at naglakad papalapit sa transparent na pinto, bahagyang unahan niya lang. Mukhang nahikayat niya naman ang babae kaya tumayo siya at pinagbuksan ito.
"It's my birthday today at naghahanap ako ngayon ng bulaklak na ireregalo ko sarili ko-kaki. So, I guess I'll heed your suggestion," the girl said before entering.
"Oh." Muli siyang napangiti. "Then I guess it's your lucky day today, miss." Itinaas ni Lis ang kaliwang kamay niya na may hawak na rosas. Hawak niya ang tangkay, habang ang bulaklak naman nito ay tinutok niya sa ibabaw ng ulo ng babae.
BINABASA MO ANG
The Dissolving Flower
AvventuraLisianthus Hibius Crimson, a S-gene, wishes to abolish the treaty that prevents them from communicating with other creatures living in the same country. It's on the day of his coronation that he almost achieve the first step of his dream, but it com...