Kabanata 36

101 7 4
                                    

RISING CHAOS

HIS head felt like it wasn't in place. The heavy breath Lis poured out of his mouth were enough for him to feel a little—no—he was more than just sick.

Mabigat ang mga yabag niyang naglakad papuntang pinto. Tulog na ang mga kasama niya at napagpasyahan niyang lumabas. Sumalubong sa kaniya ang maingay na busina ng mga sasakyan at ang nakasisilaw na mga liwanag.

Marami pang tao ang abala sa ilalim ng madilim at malamig na gabi. Kahit gaano kaingay ang ibabaw, hindi niya marinig ang mga ito sa underground. Minsan napapaisip siya, paano kaya nagawa lahat iyon ni Shio? He was still nineteen, yet he had already done a lot of things.

He held the anti-detection device as he walked to where the direction of Eteria. Napaangat ang kaniyang tingin sa higanteng tarangkahan na nagtatakip sa wala nang buhay na puno. Hindi niya makita ang loob ngunit lumalabas sa kaniyang isipan ang imahe nito. Sumabay rin ang mga memoryang hindi niya kayang maipaliwanag, kung ito ba ay sa kaniya o gawa-gawa lang ng isipan niya.

Bakit pakiramdam niya'y may ginagawa siyang mali? Parang may hindi tama. Parang may nakaligtaan siya.

"What's missing?" Muli niyang nasapo ang noo habang naalala ang mukha ni Violet sa kaniyang memorya. Why was she crying? She said something to him, but he couldn't recall what it was, including Shio's.

Tumalikod na siya at napagpasyahang bumalik. Inalon ng hangin ang kaniyang maputlang rosas na may halong ubeng buhok. Handa na siyang maglakad paalis ngunit napatigil din.

Bumibigat ang kaniyang puso. Masakit. Naninikip. Sasabog ba ito o mapipiga?

Muli niyang pinagmasdan ang tarangkahan dahil pakiramdam niya'y tinatawag siya ng Eteria. It was as if asking him to make it alive again, but why would he do that?

He ought to steal life, not give it to them.

"Aw!" Napababa ang tingin ni Lis nang may bumangga sa kamay niya. Nabitiwan niya ang anti-detection device.

"Are you okay?" Lumuhod siya upang pantayan ang batang bumangga sa kaniya.

Puno ng pagkamanghang tiningnan siya ng bata. "Wow! Anghel! May pakpak po ba kayo?"

Natawa naman siya. Ginulo niya ang buhok ng batang lalaki at pinisil ang matabang mga pisngi. "Oo, mayroon."

"May powers din po kayo?"

Tumango siya.

"Wah! Talaga po? Puwede po ba ako humingi ng pabor?"

"Ano 'yon?"

"Kaya niyo po ba ilabas si Lolo sa loob?"

Natigilan siya nang ituro nito ang tarangkahan.

Ang ibig ba nitong sabihin ay isa ang pamilya nito sa nakakulong sa loob?

Napalunok siya at pilit na ngumiti. "Yup! Pero secret lang natin to, ha?"

Tumango naman ang bata na may matingkad na ngiti. Nagtaka siya dahil bigla nitong inangat ang hinliliit.

"What's that?" Turo niya.

"Pinky swear!" Ginalaw-galaw nito ang daliri na para bang sinesenyasan siyang gayahin ang ginawa nito. "Promise hindi ko sasabihin. Promise mo rin po sa 'kin, Kuya, na mailalabas mo si Lolo."

Ilang segundo niya pang pinagmasdan ang kamay nito bago ginaya ang ginawa ng bata. Nagulat siya nang idinugtong nito ang hinliliit sa kaniya.

He couldn't help but form a genuine smile while looking at their hands. The tiny finger holding him allowed him to breath and forget for a moment the conflicted feeling he was carrying.

The Dissolving FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon