THE MOMENT SHE REALIZED
NAGISING si Lis sa ingay na humahagulgol sa kaniyang tabi. Tiningnan niya si Violet na nakayuko at nakapatong ang ulo sa kaniyang braso. Nasa loob sila ng isang maliit na kuwarto. Kagaya pa rin ang istruktura nito sa mga bahay na nakita niya kanina ngunit may kalakihan ito.
"Violet."
Mabilis na umangat ang tingin nito at nang makita siyang gising, sinalubong siya nang mahigpit nitong yakap.
"Lis!" Tuloy pa rin ito sa pag-iyak. Ramdam niya ang mga luha nitong tumutulo sa kaniyang leeg.
"Wait. Calm down." Nasasakal siya sa higpit ng yakap ng babae. Masakit ang buo niyang katawan at dumagdag pa ang bigat nito. Hinaplos niya ang buhok upang patahanin ito. "Violet, hindi ako makahinga."
Humiwalay naman ito. Namumula ang gilid ng mata halatang kanina pa umiiyak.
"Ilang araw akong tulog?"
"Limang araw." She sobbed. "Akala ko mawawala ka sa 'kin. Ano 'yon? Ba't bigla kang nag-iba? Ano ka ba, Lis?" sunod-sunod nitong tanong. Habol-habol nito ang paghinga habang nagsasalita, ngunit mabilis na nagbago ang tono nito sa huling tanong. "At bakit ka ikakasal kay Aryl, ha?"
Napakamot siya sa kaniyang ulo bago inabot ang mukha ni Violet, sinubukang alisin ang bawat luhang lumalabas sa mga mata nito. "I'm not an A-gene, Violet. I am a dragon and the future chief of S-district."
Napalaki ang mga mata nito matapos niya iyong sabihin, ngunit mabilis din namang napasimangot. Hinawakan nito ang kaniyang kamay. "Hindi mo sinagot ang huli kong tanong!"
"It's because of a deal." Pinaliwanag ni Lis ang tungkol sa deal at kung bakit sila papunta sa H-district. Pati ang tungkol sa kaniyang Dragon Stone at ang nangyari sa kaniya no'ng nakaraan. "I'm not planning on marrying her. Like I said, I don't want to get bounded by marriage."
Nanatili namang tahimik si Violet. Tumahan na ito at hindi pa rin siya binibitawan kaya marahan niyang pinisil ang palad nito. Ngayon niya lang napansin ang iilang daliri nito sa kamay na nangingitim.
Mabilis siyang napabangon. Hindi niya pinansin ang sakit sa kaniyang katawan at tiningnan nang buong pag-aalala ang mga daliri ng babae. Ang pangingitim ng daliri nito ay dahil kay Witheria. Naapektuhan si Violet dahil lumapit ito sa kaniya.
"I'm sorry." She must have been enduring it for five days. He casted a Reverse Spell to get the life that had been absorbed by his dragon back and showered it to Violet's hand. "I'm really sorry. I didn't mean to hurt you." Hindi siya makatingin nang diretso sa babae.
"You turned it back?" namamangha nitong sabi nang sipsipin ng berdeng liwanag mula sa kamay niya ang pangingitim sa mga daliri ni Violet. Hindi niya kayang salubungin ang tingin nito. Bibitiw na sana siya pero hinawakan nito ang kaniyang kamay. "Okay ka na ba?"
"I almost killed you, why would you still be concerned about me?"
"Do I look like I'm dying?"
He looked at her. Nagtama ang tingin nila sa isa't isa. Kahit namamaga ang mga mata nito, nandoon pa rin ang payapang nararamdaman niya sa tuwing malapit ang babae sa kaniya.
Ano kaya ang tingin ni Violet sa kaniya matapos nitong makita ang kasuklam-suklam niyang anyo?
"Aren't you afraid of me?"
"Nope. Galit ako sa 'yo kasi hindi mo sinabi sa 'kin ang totoo!" Binitiwan nito ang kaniyang kamay at pinagkrus ang mga braso. "Pero okay lang. Mahal naman kita kaya pinapatawad na kita."
"You still love me?"
"Of course."
Sa 'di maipaliwanag na dahilan, natuwa siya sa sinabi nito. Nakahinga siya nang maluwag. Lumapit siya rito at tinapon ang sarili sa babae. Hinayaan niyang makaramdam ng kapayapaan ang kaniyang puso nang yakapin din siya nito pabalik. Inalis niya muna sa isipan ang kung ano mang mga tanong at isinubsob ang mukha sa mahalimuyak nitong leeg.
BINABASA MO ANG
The Dissolving Flower
PertualanganLisianthus Hibius Crimson, a S-gene, wishes to abolish the treaty that prevents them from communicating with other creatures living in the same country. It's on the day of his coronation that he almost achieve the first step of his dream, but it com...