Angelika's POV
Grabe.. napaaga ang gising ko.. makapag-ayos na nga.. hindi na ako makatulog eyy.. tss..
naligo na ako, nagbihis and nag-brush.. pagkatapos nun..
Bumaba na ako for breakfast...
Pagkatapos ko naman kumain.. Nagpaalam na ako kay Daddy..
"Dad.. pasok na po ako.."sabi ko sa kanya..
"Okey.. Ingat ka anak..oh wait.. kailangan mo ba ng tulong.??. ipahatid na kita kay Kuya Jun.." tanong niya sa akin with worried eyes..
"Ah.. okey lang ako dad.. I can handle this" sagot ko sa kaniya..
"Are you sure?.." Paninigurado niya sa akin..
"Opo.. sige po.. pasok na ako.." Pagtatapos ko ng usapan namin..
Haysstt.. andami kong dala.. ayoko naman kasi na maabala pa si dad.. kaya hindi na ako pumayag na magpahatid..
Cartolina, illustration board,, folder.. etc..
Tss.. bakit kasi ako nanaman leader sa grupo namin.. ako nanaman lahat ang nagdala ng materials namin..
Halos hindi ko na makita yung dinadaanan ko sa sobrang dami nitong dala ko..
"Ay.. sh*t.." napamura ako kasi may nabangga ako..
"Ay sorry miss.. okey ka lang ba??" Tanong niya.. hindi pa rin ako tumingin sa kanya kasi.. pinupulot ko yung mga gamit kong nahulog..
"Ah.. oo.. okey lang ako.." sagot ko at tumulong na din siya sa pagpulot..
Nang tiningnan ko siya.. nagulat ako...
Q_Q.."JR??." Pagkuha kong atensyon niya..
Tumingin siya sa akin na halatang nagulat din..
"Angelika??.. oo.. ako 'to si JR.".. sagot niya
"Yung.. kaaway namin na naging friends na namin?? Yung sinipa namin yu--" Hindi na niya ako pinatapos..
"Saglit.. oo ako ito... yung muntik mo nang binasagan ng itlog.." sabi niya sa akin..
"Ayyy...hehe... so.. paano ka napadpad dito..??" Tanong ko sa kaniya..
"Dito daw kasi nakatira yung bago kong Ka-team sa basketball.. kukunin ko sana yung mga uniform namin.. syempre bilang captain.. dapat ginagampanan ko mga responsibilidad ko..." sabi niya na halatang nagmamalaki..
"Psh... yabang.." bulong ko..
"Ano yun??" Tanong niya..
"Ahh.. wala.. gwapo ka sana kaya lang bingi ka.." sagot ko... pero ang ewww ah.. gwapo?? Tsss..
"Whatever...." sabi niya.. aba.. maka-whatever naman 'tong baog na 'to..
Nilabas niya yung phone niya at may tinawagan siya..
"Hello! Jesther.. pumunta ka nga dito sa bahay ng bagong ka-team natin.. dito sa San Roque street.. oo.. sige.. kita na lang tayo mamaya sa gym.. bye!" Sabay baba niya ng phone niya..
"Oh.. bakit hindi na lang ikaw ang kumuha?? Akala ko ba responsable kang captain??" Tanong ko sabay pout..
"Aww.. ang cute mo.." sabay pisil sa pisngi ko.. at kinuha niya yung mga iba kong dala..
"Responsable naman talaga ako.. pero mas matulungin ako.." sabi niya sabay talikod at nagsimula nang maglakad..
"Hoy!! Hintayin mo ako JR.." sigaw ko sabay habol sa kanya..
"Bilisan mo kasi maglakad.." sabi niya sabay tingin sakin..
"Ang bigat nga nung dala ko.." sabi ko sabay pout.. haha.. sensya.. mahilig talaga ako mag-pout eyyy... ̄ε  ̄
"Akin na nga.. " sabi niya sa akin.. pero bago siya timalikod.. lumapit siya sa akin..
"Wag kang gumanyan .. I mean mag-pout.. nakakatukso..." sabi niya sabay wink at naglakad na siya...
●︿●
Nakatayo lang ako.. parang hindi ako makagalaw.. parag uminit yung maganda kong mukha..
Lumingon siya sa akin nung napansin niyang hindi ako sumusunod.
"Hoy.. bakit nakatulala ka diyan?? " sigaw niya sa akin..
"Ahh.. wala.." sabi ko sabay lakad..
Nung nakalapit na ako.. nakatitig siya sa akin tapos bigla siyang nag-smirk.
"O.. bakit?" Tanong ko..
"Wala.. namumula ka kasi eh.. kinikilig ka noh??" Tanong niya sa akin na halatang nang-iinis..
"Hindi noh.. naiinitan lang ako..At bakit naman ako kikiligin sayo?? Aber??." Balik-tanong ko sa kanya..
"Malay mo.. secret admirer kita.." sabi niya..
"Wow ha??! Ang kapal mo rin eh noh.." sagot ko..
"Aminin mo na kasi kinikilig ka noh?" Tanong ulit niya.. tss.. sapakin ko to eh.. pasalamat siya.. madami akong dala.. kung hindi.. bugbog na yan sa akin..
"Halika na nga at malalate na tayo.." pagyaya ko sa kanya..
"Okey.." sagot niya.. madali lang naman pala 'to kausap eh..
Nang medyo malapit na kami sa school.. nagsimula nanaman si JR..
"Uyyy.. kinikilig siya kanina.. nag-blush siya.." panimula niya..
"Che!! Tumahimik ka nga... tss"
"Nag-blush" pangungulit niya..
"Hindi.." sagot ko..
Hanggang sa makapasok kami ng classroom.. yun pa rin ang pinagtatalunan namin.. pero alam kong nagbibiruan lang kami..
"Halika.. hintayin natin yung mga kaibigan natin sa bleachers" sabi niya sabay hawak sa kamay ko..
"Okey.." sagot ko.. hinayaan ko na lang na hawakan niya yung kamay ko.. wala namang malisya eh..
We're just friends..
°°°°°°°°°°°°
Hai po..!! Tinamad po ako mag-UD kanina.. pero para po sa inyo kaya eto na..Labyu guys!!!♥♥
BINABASA MO ANG
Ms. Bitter's Love
Teen FictionMarami sa mga tao ngayon ang so called "Bitter"... ....At isa si Patricia Dela Fuerte sa kanila... May mga iba't ibang dahilan kung bakit bitter ang isang tao: 1. Iniwan o niloko siya ng taong mahal niya. 2. Conservative ang parents niya. 3. Ipinagl...