*Chapter 12: The Playboy's Story

59 3 0
                                    


Patricia's POV

Yun nga.. nakita namin silang apat sa bleachers at agad namin silang nilapitan..

"Hai Patricia!!" Bati sa akin ni Angie at Bianca

"Hello!" Bati ko din sa kanila..

"Yow.. brad!" Bati naman ni JR kay Eiron.. sabay apir..

Napansin kong parang malungkot si Clifford.. nakakapanibago..

"Uy.. brad.." agaw-pansin ni Eiron kay Clifford..

"Ha?? Ah.. low brad.." matamlay niyang sagot..

"Bakit parang malungkot ka?" Tanong ni JR sa kanya..

"Ah.. wala.. may naalala lang ako.." sabi niya sabay iwas ng tingin..

"Halika na.. punta na tayong classroom.. pagyayaya ko sa kanila..

"Kaya nga.. halika na.. "pagsang-ayon ni Bianca..

Sabay-sabay silang tumayo maliban sa amin ni Eiron na kadadating lang.. hindi na kami umupo eh.. hehe.. naglalakad na kaming papuntang classroom..

Parang may kakaiba talaga kay Clifford.. hindi ako sanay na ganyan yang 'baog' na yan.. hehe.. pizz..

Seryoso.. hindi ako sanay sa tahimik at parang may malalim na iniisip na Clifford..

Nakakapagtaka talaga..

•••••••••••••

Clifford's POV

Haysstt... ano ba 'tong nararamdaman ko.. bakit ba naalala ko pa yung babaeng yun?? potek!! Akala ko ba naka-move on na ako.. halos 1 year na yun nakalipas pero it still haunts me.. damn..!!

Bakit mo ba kasi nagawa yon Girlie??..

*FLASHBACK*

Hindi na ako makapaghintay.. grabe.. excited na ako para sa surpresa ko sa kanya..

Narito ako sa town para bumili ng mga surpresa ko kay bhaby ko..

Hindi ko inaasahan na aabot kami ng 1 year na magkasintahan.. nakaranas kami ng hirap pero sabay namin iyong nalalagpasan..

Masayang masaya ako sa kanya... Malaking pagpapasalamat ko kasi nakilala ko siya.. hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya kasama.. she's a dream that come true..

Hmmm... bakit kaya hindi siya bumati sa akin?? Nakakapagtaka naman..

Ah.. baka busy lang siya..

Pumunta ako sa loob ng cake shop at bumili ng paborito niyang Cake na mocha flavor.. pumunta rin ako sa flower shop at bumili ng boquet of white roses.. paborito niya kasi itong flower na ganito..

Kung pwede nga lang mag-propose.. gagawin ko na eh.. kaya lang.. masyado pa kaming bata at nag-aaral pa kami.. hehe..

Pagkatapos kong mamili na mga dapat bilhin.. umuwi muna ako sa bahay para ayusin ang sarili ko..

Hindi pa rin siya nag-tetext ah.. nakalimutan kaya niya?? ...

Think positive na lang ako..

Pagkatapos nun ay dumiretso ako sa bahay nila..kahit na hindi na siya nag-text..

hindi na lang rin ako nag-text.. gusto ko kasi siya i-surprise..

May sarili akong susi ng bahay nila.. kasi pinagkakatiwalaan naman daw nila ako at saka hiningi ko iyon para kapag may surpresa ako sa kanya ay magagamit ko iyon.. ngayon na ang tamang panahon para gamitin yon..

Ms. Bitter's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon