*Chapter 32: Sleepover 2

32 3 0
                                    


*Sleepover 2: Memory Of Our Bestfriend


Patricia's POV

Tss. Yun na nga, nangyari yung MOST EMBARASSING MOMENT IN MY LIFE... shocks!!! Pero move-on na tayo dun.

Nung nakakuha na kami ng milk ay bumalik agad kami dito sa kwarto ni Bianca. Chickahan moment na.. naupo kami sa sahig ng kwarto ni Bianca, malinis naman eh. Nakapaikot kami.

"Uy Bianca, kayo na ba ni Clifford, ha?!" Deretsahang tanong ni Angie kay Bianca. Yan pa, eh straight to the point ang babaeng yan. May pagka-prangka ba.

"Kami?! No, there was nothing on us. Haha" sagot niya sabay inom ng gatas. Taray ha?! Maka 'there was nothing on us' naman to.

"How would you explain this." Sabi ko sabay pakita ng phone ko. Pinakita ko yung picture nila ni Clifford na nagsusubuan nung nandun kami sa Entertainment Room. Mukhang nagulat naman si Bianca nung makita niya yun.

Inagaw naman iyon ni Angie at nanlaki ang mata niya. Kinuha ko naman ito pagkatapos niyang makita.

"Yeah, Bianca. How would you explain that.??" Sabi niya sabay turo sa phone ko.

Bumuntong hininga si Bianca at seryosong tumingin sa amin. "Paano pa nga ba ako makakatakas sa mga tanong niyo? Hayst.. nanlili--"

"NANLILIGAW?!!!" Sigaw ni Angie kaya hindi natuloy yung sasabihin ni Bianca.

"Hinaan mo boses mo Angie." Sabi naman ni Bianca habang naka-'quiet' sign.

"Sorry." Sabi ni Angie sabay peace sign.

"Tuloy mo na." Sabi ko kay Bianca.

"Yun nga, nanligaw siya tapos----"

"SINAGOT MO?????!!!!!!" Sigaw nanaman ni Angie kaya hindi nanaman naituloy ni Bianca yung sasabihin niya. Tiningnan namin ng masama si Angie. "Ah.. he-he*nervous chuckle* sige Bianca, ituloy mo na."

"Hayst. Kagabi kasi hinatid ako-bla ba bla.. " basta.. kinwento ni Bianca yung nangyari kagabi. Yung hinalikan siya ni Clifford etc.
.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"AYYYIIIEEEEE.!!!!!!! KILIG MATS BES!!!!!!" sigaw ni Angie habang sinusundot yung tagiliran ni Bianca.

"Ang lakas ng boses mo, Bes. Pakihinaan nga.." sabi naman ni Angie.

"Geh" yun na lang nasabi ni Angie..

"Sa totoo lang guys, may gusto na rin ako kay Clifford eh.. medyo pakipot effect lang ako." Sabi ni Bianca.

"Bianca, wag ka munang magtiwala ha?. Wag mong sasagutin yan." Babala ko kay Bianca.

"Ang bitter naman neto. Masaya naman ako kung maging kami ni Clifford eh. Tsaka nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya ka-sincere nung sinabi niyang.. mahal niya ako.. malay mo, ako ang magpabago sa kanya. Na-touch nga ako nung sinabi niyang mahal niya ako at hindi daw siya tumingin sa ibang babae simula nung makilala niya ako.." sabi ni Bianca habang naka-dreamy eyes pa.. tss..

Hayst.. may point siya. Tsaka gaya nga ng sabi ko kanina. Isasantabi ko ang pagiging bitter ko kung kaibigan ko ang pinag-uusapan at kung sasaya siya  kay Clifford, sino naman ako para pigilan sila di'ba?.

Ms. Bitter's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon