Third Person's POV
Masaya si Patricia kasi sa ibang section napabilang sila Monique, Girlie at Agatha.. kasi magkaka-gyera talaga kapag nagkakasama-sama sila sa iisang room..
*kkkkrrrrriiiiiinnnnnggggg
"Yes" mahinang sabi ni Patricia.. halatang masaya siya dahil uwian na..
Lumapit ang mga boys sa kanila..
"Girls.. pasyal tayo.." sabi ni JR kila Bianca, Angie at Patricia..
"Uhm.. kayo na lang guys.. may pupuntahan pa ako eh..may pinapakuha kasi si kuya sa akin.." sabi ni Patricia sa kanila..
"Ah.. sige.." sabi naman ni Angie..
"Ah nga pala.. si Eiron??" Tanong ni Patricia sa kanila..
"Nag-CR siya saglit.." sagot ni Clifford sa kanya..
"Pakisabi na lang na nauna na ako.." sabi ni Patricia..
"Okey.. sasabihin na lang namin.." sagot ni JR..
"Cge.. thank you... bye!!" Paalam ni Patricia sa kanila..
"Goodbye!!" Halos sabay sabay nilang sagot sa kanya..
Naglakad na papalayo si Patricia.. Nang nakarating na siya sa patahian ay agad din siyang umalis..
••••••••••••••••••••
Patricia's POV
Nakuha ko na yung damit sa patahian.. pauwi na ako ngayon.. hinahanap ko yung phone ko sa bag ko nang bigla akong may nabangga..
"Ouch.." react ko...
"Ay.. sorry mi-- Patricia??.." tiningnan ko kung sino yung nagsalita..tssss... siya nanaman..?? Bigla akong nabadtrip..
"Baby Patti.. kanina pa kita hinihintay.. talagang pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana.. meant to be tayo" sabi niya habang namumula pa.. tss.. lalaki na nag-bublush.. eww..
"Alam mo??.. ang corny mo...!" Sigaw ko sa kanya.....
"At wag mo nga akong matawag-tawag na baby.. Patti o kung ano ano pa mang corny names na yan!!" Pahabol ko sa kanya.. hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na sumigaw..
"Mahal kita Patricia... sagutin mo na ako... pls..."pagmamakaawa niya.. ano ba siya??.. namimilit naman..
"Jeremy.. alam mo naman na wala ka nang pag---"
"Gagawin ko naman ang lahat para sayo.. mahal kita..." pagputol niya sa sasabihin ko..
"Sorry Jeremy.. but I can't love you.." sabi ko tumalikod ako at maglalakad na sana ako palayo nang bigla niyang hilahin yung braso ko..
"Ano ba Jeremy!!!! Bitawan mo nga ako!!!!" Sigaw ko sa kanya habang nagpupumiglas ako pero mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak niya sa braso ko..
"Akin ka lang Patti.. sa akin ka lang!!!" Sigaw niya sa akin.. masakit na ang braso ko dahil sa higpit ng paghawak niya dito... pero hindi ko yon pinahalata....
"Masyado ka nang obssess sa akin Jeremy.. hindi na pagmamahal yang pinapakita mo eh!!! Pamimilit na.!! Pwede ba??!! Lubayan mo na ako.. wala ka nang pag-asa sa akin.!!" Sigaw ko sa kanya hababg nagpupumiglas pa rin ako sa pagkakahawak niya..
Hindi siya nagsalita at bigla na lang niya akong hinila..
"Hoy Jeremy!!! Bitawan mo nga ako!! Saan mo ako dadalhin??!!!" Sigaw ko sa kanya..
Hindi siya nagsalita at patuloy pa rin siya sa pagkaladkad Sa akin.. oo.. kaladkad na ang ginagawa niya sa akin... may narinig akong huminto na motor sa likod ko..
BINABASA MO ANG
Ms. Bitter's Love
Novela JuvenilMarami sa mga tao ngayon ang so called "Bitter"... ....At isa si Patricia Dela Fuerte sa kanila... May mga iba't ibang dahilan kung bakit bitter ang isang tao: 1. Iniwan o niloko siya ng taong mahal niya. 2. Conservative ang parents niya. 3. Ipinagl...