simula."lakasan mo nga 'yang TV!" sigaw ni mama.
"opo..!"
tumayo ako at kinuha ang remote na naka patong sa maliit na lamesa. nilakasan ko ang volume at muling umupo.
"...hindi pa inalalabas ang sanhi ng pag kamatay ng presidente. sa susunod na balita...."
"Kumain ka na ba?" tanong ni mama. pagkalabas ng kusina.
nilipat ko ang tingin kay mama "opo." sagot ko habang sinusuot ang puting medyas.
"....dahil sa dami ng naitatalang 'hindi matukoy na aksidente' sa metro manila, nag desisyon ang pamahalaan na isasailalim ang lungsod at ang mga kalapit pa nito sa martial law..."
"wag ka na lang kayang munang pumasok." sabi ni mama habang pinag mamasdan ako.
"sumama ka na lang sa'kin. pupunta ako sa lola mo mamayang nine.
"pupunta ka ulit do'n?
"matatandaang huling ipinatupad ang martial law noong September, 1972. sa pumumuno ni presidenteng marcos kung saan isinailalim n'ya ang buong bansa sa..."
"pero firstday ngayon, kaya hindi pede." saad ko at tumayo na.
"....dahil dito nangangamba ang maraming tao."
"...hinihinalang may kinalaman ang GoldenstoneCorp at GoldenPharmaceuticals sa US sa maraming nangyayari sa ibat-ibang bansa. mas na dagdagan ang pagdududa, dahil sa biglaan na paguwi ng maraming..."
"anong firstday? fourth quarter na ha? dapat nga tinuloy na lang 'yang Online class ,e.
ngumiti ako kay mama at inilahad ang kamay, ayaw ng makipag talo. na ka uniform na ko ,e.
"ano 'yan?" tanong niya. nilapit ko ang kamay at lumapad ang ngiti.
"papasok ka na agad? maaga pa ha... wala pa nga 'yung van."
"paki sabi na lang po na umalis na 'ko. magkikita kami ng kaibigan ko sa harap ng school." saad ko.
dumukot si mama ng pera sa bulsa n'ya at inabot sa akin. tinitigan ko sa palad ang papel na pera.
"bakit 50 lang?" tanong ko at mabilis s'yang sinundan sa kusina. hindi n'ya ako sinagot at umiwas sa akin. ngayon ay pinagigitnaan kami ng lamesa.
baka mamaya ay may kailangan akong bilhin. katulad ng...turon? sinabi ko iyon kay mama, maliban na lang sa pag kain na naisip.
"hindi pede, umuwi ka agad. walang tao sa bahay." aniya.
mag re reklamo pa sana ako pero ng hinawakan ni mama ang ulo dahil siguro sa sakit ay natigil ako. mabilis ko s'yang nilapitan. sa ka ko lang din napansin ang benda sa kanyang braso.
"napano 'yan ma?" tanong ko.
wala lang, sabi n'ya. mabilis s'yang pumasok sa banyo. akala ko ay papasukin din n'ya ako pero nagulat ako ng biglaan nyang isinara ang pinto.
"napano nga 'yan?!" ulit ko, hindi n'ya sinagot iyon.
"aalis ka na ba? wag kang dumaan d'yan sa tindahan. sa kabila ka dumaan." sabi n'ya. pag iiba ng usapan.
BINABASA MO ANG
ESCAPE [COMPLETED]
Mystery / Thriller-A high school becomes dangerous zone because of a zombie outbreak. trapped students must fight their way out--or turn into one rapid infected. this is the first story of the ZOMBIE SERIES ESCAPE, THE CRISIS. See you again, don't say goodbye... Stat...