Kabanata 27
Natigil ang lahat sa sinabi ko. Gusto kong umatras sa sariling sinabi. pero ng lumabas ang mga salitang 'yon sa bibig ko, may kung anong mabigat na pakiramdam ang nawala sa loob ko.
Natigil ang lahat, pero sapat ang sinabi ko para matalim akong tignan ni charles. Tumalikod s'ya sa akin, mariin ang hawak sa upuan. Parang gusto n'yang i-hagis 'yon, pero binalik n'ya lang sa'kin ang tingin na matalim.
Pigil n'ya ang sarili, na sumigaw o gumawa ng kahit anong ingay. Gano'n din ako, pati rin ang mga kaibigan. Bumigat ang paghinga ko, gano'n din s'ya.
Hindi ko alam ang susunod na sasabihin, pagkatapos kong sabihin sa kanila na kailangan naming lumabas. Kailangan ko talagang makita mismo ang bus na sa-sakyan.
"Kailangan ba talaga?" Tanong ni charles, sa mahinahon na boses. Gumagalaw ang panga n'ya, at pula na ang mata.
Kino-kontrol n'ya lang ang sarili n'ya. Pati ang mga kaibigan ko. Lumapit ang lahat sa'kin, pati sila michaela.
"Alam mo ang sagot d'yan." Sabi ko, walang boses ang lumabas sa bibig.
Dahan-dahan s'yang tumango at napalunok.
Hindi ko alam, pero parang binigyan n'ya ako ng rason para mabuhay.
Hindi ko masundan ang usapan, ng umingay sila. Hinawakan ako ni angeline ng mahigpit sa kamay, tumingin s'ya ng mariin sa akin at tuloy-tuloy na umiling. Hindi din gusto ni Alexandra na lumabas ako. Pero, alam pa rin nilang hindi nila 'ko mapipigilan kahit anong sabihin nila.
"Bahala ka d'yan..." Si angeline, may kasamang mura ang sinabi n'ya, pero nilapit n'ya ang bibig sa tainga ko para lang ibulong 'yon.
May luha ang mata n'ya, ng inilayo n'ya na ang sarili sa akin. Umiling s'ya, pero may ngiti na ang labi. Tulala sa akin si Michaela. Mahigpit akong niyakap ni Alexandra.
Umiiyak na ulit s'ya. Para tuloy, nagpapaalam na 'ko. Inalu ko s'ya, na palagi ko namang ginagawa. Hindi n'ya naman ako marinig, dahil tuloy-tuloy lang pagsasabi n'ya na 'wag na 'kong lumabas.
Hindi ko s'ya masagot, dahil hindi ko alam ang sasabihin. Bumaling ako kay Michaela, na hindi pa rin nagsasalita. Ang tingin n'ya, may galit at lungkot. Ilang sandali na lang, malapit na s'yang umiyak. Parang iniisip n'yang bida-bida ako ha. Tumalikod s'ya sa akin, sa tingin ko do'n na s'ya na iyak.
"Isusumbong kita kay tita." 'yon lang ang sinabi n'ya, bago suminghot at umalis. Pumunta s'ya sa dulo ng room, kung na saan ang ginawa nilang bahay-bahayan. Padabog s'yang pumasok, kaya sandali akong hindi nakahinga.
Kumalma ang lahat, lumayo sila sa akin. Hindi na nagsalita pa. Hindi na sila na galit o nag reklamo. Hindi na nila kami pinag hinalaan na iiwan sila, kaya kami lalabas. Ngayon na nakita na nila kung ano talaga kung ano ang mga 'yon.
Sa tingin ko, ang takot ng lahat pwede rin magamit bilang lakas. Hinarangan nila ang kahit anong butas na makita nila. Tahimik sila, hindi gustong makagawa pa ng kahit anong ingay at kahit ang ilaw natatakot na sila kung bubuksan. May nga gumawa na ng mga armas. Sinira nila ang mga upuan, para gawing sandata. Buhay pa rin ang mga eagle seniors, nagtatago lang sila katulad namin.
Walang ng ibang gustong lumabas. May mga nagtiwala, pero may mga pagkadisgusto pa rin naman ang iba sa ideya ko.
Naniniwala ako sa desisyon ko na 'to. Wala akong pagsisisihan. Ang lumabas. Ang humarap. Ang humakbang.
Kaya namin makatakas.
Kaya ko 'to.
Sinabi ko 'yon kahit hindi ko naman kontrolado ang emosyon sa mga pwedeng mangyari.
BINABASA MO ANG
ESCAPE [COMPLETED]
Mystery / Thriller-A high school becomes dangerous zone because of a zombie outbreak. trapped students must fight their way out--or turn into one rapid infected. this is the first story of the ZOMBIE SERIES ESCAPE, THE CRISIS. See you again, don't say goodbye... Stat...