Kabanata 15
Hinawakan ni angeline ang kamay ko pagkababa n'ya ng bubong. nakababa na kami lahat. nakayuko. tumingin ako kay charles ng sumunod s'ya sa amin.
bumaling ako sa simbahan na bukas, ang pader ay salamin. nasa harap kami kaya nakikita namin ang loob nito.
makalat ang loob. maraming dugo. kumulog, pero walang kidlat.
"b-bumalik na lang kaya tayo?"
hinampas ni Angeline si niel sa balikat. bumaling ako kay carmelo. kinakabahan din s'ya at natatakot.
malakas ang uulanin, pero nandito na rin naman kami. kahit ako ay nagdadalawang isip na rin dahil sa panahon at dahil sa takot. pero kung babalik kami, hindi rin magiging maayos ang isip ko dahil dito.
lahat kami ay nagdadalawang isip na. napalunok ako.
"tutuloy tayo" saad ko.
tumingin silang lahat sa akin. hindi nagsalita. nagpatuloy kami. sa paglalakad. nakayuko. mahigpit ang hawak ng kaibigan sa akin, pero mas mahigpit ang hawak ko sa kaniya.
nakatingin at alerto kami sa paligid. masyadong tahimik. mula sa kinatatayuan ay nakita ko ulit ang tarangkahan na bumagsak. tanaw ko ang labas na sobrang tahimik din.
ang hagdan ng karunungan ay sobrang dumi. nagkalat ang damit at dugo sa buong paligid. napaatras ako ng isang hakbang. magkakatabi kami at nakatingin doon.
ang guard na nakita ko, nando'n pa rin s'ya. nakahiga sa sahig, nababalot ng itim na dugo. nilalangaw. namatay s'ya, hindi naging katulad nila.
dahil hiwalay na ang ulo n'ya sa katawan.
malayo kami, nakikita pa rin namin at naamoy ang mabaho na katawan nito. walang dumating, nando'n pa rin s'ya. patay na.
"do'n muna tayo." si Charles.
hindi namin kinaya ang nakita. hinila ako ni Charles papasok ng clinic. pagpasok ng hagdan ng karunungan, sa taas noon ay makikita ang isang establishmento. isang maliit na clinic at shop sa gilid ng hagdan.
mabilis kong sinara ang salamin na pintuan. sinara ang kurtina. lahat sila ay nakatayo pa rin at tulala sa nakita, lalo na si Carmelo na parang nakita ang reyalidad sa unang beses.
umupo si Angeline sa kama. nanginginig ang kamay ko. hindi na ulit nakapag salita. hinabol ko ang hininga, kahit hindi naman hinihingal.
alam kong kailangan na naming kumilos ng mabilis, pero inaalala ko din sila, ang sarili din.
ang totoo, nang nakita ko ang gate na bukas. gusto ko na lang tumakbo doon at lumabas agad. gusto ko ng pumunta kay mama. may luha ako sa mata, pero hindi iyon tumulo. hindi ako naiyak.
nanginginig ang kamay, sumilip ako sa labas. sobrang tahimik. sa sobrang tahimik, nakakakilabot. tinakpan ko bibig at pumikit ng mariin. nasusuka ako, lumunok ako.
gusto ko na talagang umalis dito. gusto kong tumakbo sa gate na parang tapos na ang klase at uwian na.
"a-ano 'yon?" tanong ni carmelo.
tumingin s'ya sa akin, sa aming lahat na parang inosente at hindi pa rin naiintindihan ang nangyayari. hindi iyon mannequin!
" 'yung guard." mabilis, tulala na sagot ni angeline.
"h-ha?"
"tangina! gusto ko nang umuwi!" naglakad ng paikot si niel sa kinatatayuan. humahagulgol.
mabilis naming s'yang hinila pa upo. tinakpan ang bibig n'ya. patuloy s'ya sa pagiyak. habang si Carmelo naman ay umiiyak ng tahimik.
BINABASA MO ANG
ESCAPE [COMPLETED]
Mystery / Thriller-A high school becomes dangerous zone because of a zombie outbreak. trapped students must fight their way out--or turn into one rapid infected. this is the first story of the ZOMBIE SERIES ESCAPE, THE CRISIS. See you again, don't say goodbye... Stat...