Kabanata 9
hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ang lahat ng 'to pagkatapos ng mga nangyari. hindi ko pa naiintindihan ng maigi ang mga nangyayari sa paligid ko at kumilos na lang ako ng hindi nagiisip.
gusto kong saktan ang sarili ngayon. pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.
labag man sa loob ni ma'am, galit man s'ya pero wala ng nagawa pa. hindi s'ya lumingon sa amin ng lumabas kami sa pinto at umapak sa malamig na sahig.
muli akong lumabas...sa nakakatakot na lugar na 'to. hindi ko talaga alam ang ginagawa ko. ilang beses man kaming sigawan ni ma'am, wala pa rin s'yang magagawa.
nilingon ko sila Benedict at Jerra bago tuluyang sumara ang pintong namamagitan sa aming nasa labas.
hindi sila sumama...ako lang ang lumabas. hindi makatingin sa akin si Benedict, nagsara na lang ang pinto pero hindi s'ya lumingon, hindi katulad ni jerra na may malamig na titig sa akin.
tumingin ako sa aking tabi. nasa gilid ko si Charles. hindi n'ya rin siguro alam ang ginagawa. may takot s'ya pero lumabas pa rin s'ya at sumama sa akin.
ilang beses gumalaw ang panga niya bago ako tignan pabalik. huminga s'ya ng malalim. hinawakan n'ya ang kamay ko.
hindi ko alam pero... komportable ako sa hawak na iyon. sabay naming tinignan ang buong paligid. malapit ng lumubog ang araw. hindi na kami makakaabot pa bukas kung magaantay pa kami.
hindi na kailangan kung kaylan kami lalabas. wala ng tanghali o hapon. huminga rin ako ng malalim katulad n'ya. natatakot at gusto talagang saktan ang sarili sa mga ginagawa at kinikilos.
wala akong ibang nasa isip, si mama lang. gusto ko na s'yang makita. lumingon ako sa aking likod.
nagtatago si Niel sa likod naming dalawa ni ni Charles, natatakot. hindi ko alam kung bakit pa s'ya sumama, hindi ko sinabing sumama s'ya pero bigla na lang s'yang tumayo at nagsabi.
hindi ko gusto at hindi rin iyon nagustuhan ni Michaela. umiyak na s'ya at mas lalo lang pinaiyak ni niel. kahit ayaw ko s'yang sumama, wala akong ginawa. alam ko din kasing.. para kay Michaela din 'yon.
iniisip ni niel si Michaela at ang tangi n'ya lang magagawa ay ang lumabas at isipin na baka may magawa s'ya.
sinabi ko rin kay trace na sumama s'ya. takot at galit sa akin. pero sumama pa rin. hindi ko alam pero sumama pa rin talaga s'ya. mas okay 'yon dahil matapang s'ya at malaking tao din. katulad ni kurt at sanjose.
sinabi kong sasama sila at wala silang naging reklamo, hindi katulad ni trace. sumama din si Syrah na malakas ang kapit kay sanjose at si Cristian din na nasa gilid ko.
hindi ko alam kung bakit talaga sila sumama pero pakiramdam ko, sumama lang sila dahil sa curiosity. gusto nilang makita ang totoong nangyayari sa labas. kahit takot man.
bago kami umalis doon. walang nagsalita. kumuha lang kami ng kan'y-kaniyang mga panghampas.
walis tambo ang kinuha ko at ang kay Charles naman ay ang bakal dustpan. kan'ya kaniyang kuha rin sila niel ng pangsalag. ang iba naman, sila trace. christian at syrah. kasama na din si sanjose ay binalot ang sarili ng mga carton.
iyon din ang ginawa ko. naglagay ako ng carton sa magkabilang braso. binalot ko din ang binti ko no'n. hindi komportable pero nakakagalaw naman ako ng maayos at sigurado akong makakatakbo ako ng mabilis.
hindi din komportable si Charles sa paglalagay no'n pero nagsuot pa din s'ya.
tuluyang sumara ang pinto at bumalot ulit ang takot sa aming lahat. hindi pa man tuluyang lumulubog ang araw pero sobrang dilim sa miniforest.
BINABASA MO ANG
ESCAPE [COMPLETED]
Mystère / Thriller-A high school becomes dangerous zone because of a zombie outbreak. trapped students must fight their way out--or turn into one rapid infected. this is the first story of the ZOMBIE SERIES ESCAPE, THE CRISIS. See you again, don't say goodbye... Stat...