Kabanata 7
tumingin ako kay Charles.
"sa tingin ko..mali na lumabas tayo nang gabi. sa tingin ko mas mahina sila sa umaga. sa tanghali, kung kailan mataas ang sikat ng araw. do'n tayo lumabas."
doon tayo kumilos.
"hindi ko ma intindihan, ano?" tanong ni jerra.
"bakit hindi pa tayo ngayon lumabas?" bumaling ako sa kaniya.
"buong itim ang mata nila, sa tingin ko..mahina ang mata nila sa maliwanag. malakas naman silang makakita sa dilim."
dahan-dahan siyang tumango. tila na intindihan na ang ibig kong sabihin. alam ko ang sinasabi ko dahil nakita ko mismo iyon, ng dalawa kong mata. sa harap ko at sigurado ako na hindi ako nagkakamali.
"malakas din 'yung pan' dinig nila. konting pag hinga lang natin, naririnig na agad nila..kaya mas delikado." saad ni Benedict sa akin.
"sa tingin ko, tama ka nga." tumingin ako kay Benedict. tumango siya sa akin. hindi ako nakapag salita.
"ano..ba talaga 'yung mga 'yon? ano ba ang...nangyayari?" tumingin kaming lahat kay ma'am. dahan-dahan s'yang umupo sa sahig. tulala at parang na wala sa sarili.
noong gabi ko pa s'ya napapansin na gano'n. kumilos at nagsasalita kahit wala talaga sa sarili.
"kung gano'n..wala din po kayong alam sa mga nangyayari?" tanong ni Benedict. bumaling sa akin si ma'am.
"ano ba sa tingin n'yo ha?" inis na tanong ni sir.
"wala din kaming alam sa mga 'to, 'yung mga walang kwentang sundalong 'yon..ang sabi nila.."
"po?"
lumapit ako kay sir. tumingin kami kay ma'am.
"ano pong mga sundalo? kung gano'n, may tutulong po satin? kailan po sila darating?"
hindi niya siguro napansin ang mga sinasabi niya. agad siyang nag iwas ng tingin sa akin.
"ano pong...sinasabi niyo?" tanong ni Charles. tumingin naman siya kay ma'am at tila sa unang beses wala din s'yang alam sa mga sinasabi nila.
nag intay kami ng sagot. nag iintay kami.
"hindi namin alam ang nangyayari pero... pakiramdam namin may mali talaga.."
"ano nga pong sinasabi n'yo?" nag sisimula na akong ma inis, bakit kailangan niya pang patagalin ang mga sinasabi niya? tumingin ulit si ma'am sa akin.
"...lahat ng teacher dito sa school...ilang linggo na rin namin napapansin na pa ikot-ikot ang mga sundalo dito sa lugar natin nung wala pang face-to face, pero hindi talaga namin alam ang nangyayari. naisip lang namin na siguro, may practice silang ginagawa..."
"...pero kahapon lang... pumunta sila ng madaling araw. ang sabi nila sa'min...hindi dapat buksan ang school. hindi na nangyari 'yon dahil sa pag tutol ng principal, sumama s'ya sa kanila. ang sabi kasi nila kailangan nilang kunin ang school dahil malaking lugar ito para sa isang evacuation na magaganap..."
"...naka pasok ang lahat ng mga mag-aaral at hindi na nangyari iyon.. masyado na daw huli ang lahat at wala na daw silang magagawa pa, nawala na daw sa control... kasalanan daw naming lahat ang mga mangyayari. pagkatapos no'n, umalis na lang sila.."
"ang mga walang kwentang 'yon. sana sumama ako sa kanila.." tumingin kaming lahat kay sir, ng nagsalita s'ya.
wala kaming nasabi sa mga narinig. ni hindi ko alam kung na intindihan ko ba ng maayos ang sinabi ni ma'am. ang alam ko lang ngayon..wala kaming magagawa.
BINABASA MO ANG
ESCAPE [COMPLETED]
Mystery / Thriller-A high school becomes dangerous zone because of a zombie outbreak. trapped students must fight their way out--or turn into one rapid infected. this is the first story of the ZOMBIE SERIES ESCAPE, THE CRISIS. See you again, don't say goodbye... Stat...