kabanata 23

34 3 0
                                    

Kabanata 23

Ayos lang, kung hindi...

Hindi ngayon, baka sa ibang pagkakataon.

Binilisan namin ang takbo. habol ang hininga, ng lumingon ako sa kan'ya.

Nasa likod na lang namin ang mga zombie. Tumatakbo din, hinahabol kami.

Mahigpit n'yang hinawakan ang kamay ko at sinubukan na tumakbo pa ng mabilis.

Tuloy-tuloy ang tulo ng luha, Lumabas kami sa lugar na 'yon. nandito na kami. Nakalabas kami sa makipot na daanan. Ang maliwanag na langit, ang una kong nakita.

Malawak ang lugar at ang mga matayog na gusali ang nagsisilbing bakod. Ang mga gusali na hindi naman kalayuan, parang sobrang lapit na sa amin.

Malakas ang tibok ng puso ko at sigurado ako na para sa aming dalawa 'yon. Kailangan naming mabuhay dito. Ang pag takbo, ang nagiisa naming solusyon.

Parang isang movie, na kami ang bida. Magkahawak ang kamay namin, tumatakbo. Pero tumatakbo kami, na iniisip ang buhay sa bawat hakbang.

Nakakatakot. Bangungot. Marami sila, at naiisip ko na hindi na kami mabubuhay.

Ang buhay namin ang una kong naisip, hindi ang naiwan namin. Dahil do'n, tumutulo ang luha ko ngayon. Masakit. Muli, hiniling ko na sana bangungot lang ang lahat ng 'to.

Pumasok kami sa isang room. Hindi ko na napansin, pero mabilis kaming nakarating sa building ng pled three. Dahil dito, kaya nahirapan kami.

Hindi ko na maaalala, pero sinubukan namin ang lahat para iwasan lang ang building na 'to. Tumakbo kami ng tumakbo. Bumaba sa hagdan. Nagtago. Lumabas at pumasok sa mga bintana. Ginawa ko, ang mga bagay na hindi ko na gustong alalahanin mula ngayon.

Ginawa namin ang lahat, para hindi makagat. Pinatay namin sila at tumatakbo na pag hindi na kaya.

May mga sitwasyon, na alam ko ng hindi ko na maiiwasan. Bumagsak ako sa sahig, sinubukan alisin ni charles ang zombie sa harap ko.

Paulit-ulit kong sinaksak ng matulis na kahoy ang mata ng zombie, dahilan kung bakit ang mga dugo ay tumulo sa mukha ko.

Tuyo na ang luha, ng tumayo ako. May mga sitwasyon, na iniisip ko na wala ng darating. May mga sitwasyon naman na hinihiling ko na sana may dumating na isang tao. Kahit sino, pero ang sitwasyon na 'to...

Nakapalibot na ang mga zombie. nasa loob pa rin kami ng room na pinasukan. Marami sila at pakiramdam ko nayayanig na ang paningin ko.

Pero, mabilis ang nangyari. Bumagsak ang zombie na kaharap namin at dahil sa isang ingay, naglabasan ang lahat. Nakatingin sa'min, pero sabay-sabay silang lumingon sa pintuan at nagmamadali na tumakbo palabas.

"Dito." Saad ng isang lalaki.

Tulala ako sa kan'ya. Gusto kong bumagsak. Gusto kong umiyak. Gusto kong magalit. Pero lahat ng 'yon, hindi ko magawa ngayon.

Tumingin kaming dalawa ni charles sa kan'ya, may talim ang mga mata.

S'ya ang mapayat na lalaki kanina. Kasama s'ya ng mga 'yon...

Nauna s'yang tumakbo. Sumilip sa labas, at bumaling sa amin. Tahimik na ang room, dahil sa isang malakas na musika mula sa labas. Wala na ang mga zombie...

Hinawakan ni charles ang kamay ko. Sinubukan n'yang tumakbo, pero natigil dahil hindi ako gumalaw. Bumaling s'ya sa'kin. Pero sa lalaking 'yon lang ako nakatingin. Hindi ko maalis ang matalim na mata sa kan'ya, ng tumingin din ang lalaking 'yon sa'kin

Ang galit ko, ang pumipigil sa'kin na gumalaw ngayon. Ang galit na 'to, pakiramdam ko, hindi ko mahahawakan. Gusto kong umiyak pero ang dugong nasa pisngi ang pumipigil sa akin.

ESCAPE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon