Kabanata 10

61 4 0
                                    

Kabanata 10

"trace." tawag ko sa kaniya ng hindi nakatingin. hindi ko maalis ang mata kay Charles. sinara nila kurt ang lahat nang kurtina at pintuan.

"o-oh?"

"kunin mo ang lahat ng madadala mo." saad ko at mabilis na kumilos.

nang naisara nila kurt ang pintuan, naharang ang mga kurtina, agad akong lumapit kay charles. sa akin lang s'ya nakatingin habang lumalapit ako. habang ako naman, ay umiikot ang mata sa buong madilim na paligid.

"b-buti na lang wala." sabi n'ya pagkalapit ko at binaba ang hawak na lata ng dahan-dahan.

tama s'ya, buti nga ay wala. malaki ang cafeteria. ang naisip ko kanina ay baka maraming zombie ang nasa loob. nagpapasalamat ako. binigay ko sa kaniya ang bag na hawak.

bago kami lumabas, nagdala kami ng maraming bag. tinanggal namin ang mga laman noon at nagdala ng bilang na kaya. kukunin namin ang lahat nang kaya naming dalhin.

kumilos kami ng mabilis, pero tahimik. madilim at takot ang bawat paggalaw. pagkaabot ko ng isang bag sa kaniya akala ko ay pupunta s'ya sa kabilang dulo pero sa akin s'ya sumama. sumunod s'ya sa akin.

"ano?" bulong ko pero hindi s'ya sumagot.

binuksan ko ang flashlight na dala at itinutok lang iyon sa sahig. tumingin ako sa kanilang lahat, binigay ko sa kanila ang ibang bag na dala. pero wala man lang naglalagay kahit isa doon. pumikit ako ng mariin ng nakitang namimili pa si trace.

"anong ginagawa n'yo? bilis na!" mariin kong sinabi. pabulong.

kinuha ko ang bag na hawak ni Charles at hinulog doon ang lahat nang nakuha ko.

"pero ayos lang ba na kunin natin lahat 'to?" tanong ni kurt bumaling ako sa kaniya.

kinuha ko ang dalang pera, sandali ko iyong tinitigan bago nilapag sa lamesa. sa tingin ko, hindi pa masyadong naiintindihan ni kurt ang mga nangyayari. hindi pa s'ya nakakalabas at nakita ang mga nakita ko.

hindi n'ya pa alam kung gaano kabigat ang mga susunod na mangyayari. kung gaano nakakatakot. ilang araw, sa tingin ko pa kami magtatagal. kailangan naming kumuha ng lahat ng kailangan namin. dalhin ang lahat ng kaya. pinagpatuloy ni Charles ang ginawa ko.

"isipin n'yo na lang na bigay na nila 'to, okay?" saad ko sa kaniya.

sandali silang tumitig sa akin. naglabas ng pera at ginaya ang ginawa ko. hinakot nila ang lahat ng kaya. napuno ang limang bag. marami pa kaming madadala. kahit bulsa ng damit ay hindi ko pinalagpas, ganoon din sila.

may tatlo pang bag. sinubukan kong kunin ang lahat ng pagkain. lahat ng biscuits at tinapay na nakabalot sa plactic. bago ko pa makuha ang malapit sa akin ay agad na akong natigil.

" 'wag n'yong kunin 'yung mga corndog." saad ni Charles.

tumingin kaming lahat sa kaniya.

"bakit?" tanong ni trace. may hawak na s'yang isa.

"sabi, nasa dugo daw 'yung virus. baka nalagyan 'yan. kunin natin ang lahat ng may balot lang."

tumango ako at nagpatuloy. lumapit sa akin si niel at binigay ang napuno pang isang bag. maraming biscuits iyon. si trace naman ay parang puro candies lang ang nakuha.

"wala akong makitang gamot..." bulong ni niel. nagaalala.

tama s'ya, kailangan nga namin no'n. para kila Michaela at Alexandra. binaba ko ang bag na hawak. tinuro ko ang dulo at sinabing baka mayroon doon. tumango s'ya. sumama ako sa kaniya.

tama nga ako, marami kaming binuksan na drawer bago nakita ang box ng mga gamot. cafeteria ito pero mayroon kahit papaanong mga antibiotics. mayroon din na para sa mga allergy pero hindi ko na kinuha, sa tingin ko hindi na kailangan.

ESCAPE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon