Kabanata 3

117 10 2
                                    

Kabanata 3

hindi ko alam, pero nag panic din ako.

nakita kong sinusubukan nilang pigilan maka pasok ang kung ano ang nasa likod ng gate pero wala kaming ginagawa at naka tayo parin.

"hoy! ano ba 'yon ha!?" tanong ni Angeline. nagpa panic na rin.

hindi maka galaw si Alexandra kung saan s'ya naka tayo. ganoon rin ako. hindi ko alam kung ano ang nandoon. hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

may mga tumatawag sa amin. siguro ay mga teacher pero hindi kami na ka galaw. gulat sa nangyayari.

tinutulak ng guard ang gate. malakas ang pag alog noon dahil sa mga tumutulak din sa likod. ang tanging naging katulong ng guard ay ang lock ng gate.

tumakbo na rin ang mga ibang teacher na kasama n'ya.

ano bang nangyayari?

gulat kaming tatlo ng biglang bumagsak ang bakal na tarangkahan.

malayo man kami mula sa gate ay nakita ko ang biglaan na pag kagat ng isang babaeng student sa leeg ng sinubukang tumakas na guard.

na pa upo si Alexandra dahil doon. gulat kaming dalawa ni Angeline at hindi maka galaw.

nakita namin kung paano umagos ang dugo sa leeg ng guard. hindi rin kami maka pag salita ng dinumog s'ya ng maraming student at pinagka kagat.

nakita ko kung paano lumabas ang siguro ay laman n'ya sa sahig.

na mutla ako at ganoon din ang dalawang kaibigan. na nginginig akong hinawakan ni Angeline at yinugyog.

hindi ko alam ang dapat gagawin. bumagal ang paligid at mas lalo akong na mutla. ang tanging nari rinig ko lang ay ang musikang galing sa speaker. musikang ginagamit tuwing flag ceremony.

nakatingin lang ako sa mga student na tumatakbo na parang halimaw at ang mga mata ay napaka itim.

bumalik lang ako sa sarili ng namatay ang musika. ang na rinig ko naman ay mga sigawan at mga kung anong umuungol sa buong paligid.

tumingin ako kay Alexandra na walang nagawa kundi umiyak dahil sa panic.

mabilis ko siyang tinayo at hinila silang dalawa. tumakbo kami at muli akong lumingon. nakita ko kung paano sila tumakbo papunta sa amin. hinahabol kami.

wala akong ibang inisip kundi ang tumakbo na lang. kung siguro ay nag tagal kami doon ay baka may nang yari na sa amin.

hinila ko ng malakas sa braso si Alexandra ng dahil hindi n'ya maalis ang tingin doon.

tinignan ko si Angeline na tumingin sa buong paligid dahil nag kalat na ang mga iyon.

nag babaan ang mga studyante sa building ng ynares 1 dahil siguro sa ingay na naririnig. sinigawan ko silang tumakbo pero hindi sila na kinig.

naunang tumakbo si Angeline at pumunta sa clinic. sinubukan n'ya iyong buksan pero sarado iyon. malakas kaming kumatok.

muli ko silang hinilang dalawa papunta sa simbahan. nasa gilid 'yon ng building at naka tapat doon ang isa pang canteen.

nag sigawan ang lahat. siguro ay naka akyat na ang mga iyon sa hagdan ng karunungan. naka tayo pa rin ang mga studyante at tila walang ma intindihan.

mas dumarami ang mga tumatakbo at nag sisigawan. pag dating sa gilid ng building ay nakita namin na maraming student ang bumibili ng pagkain sa gilid doon.

hindi ko na nagawa pa silang balaan dahil na dapa si Alexandra. mabilis ko siyang itinayo. hirap s'yang tumakbo.

nag tataka ang mga studyante sa pag takbo namin. ganoon din sa mga sigawan na naririnig.

ESCAPE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon