kabanata 6
nagkatinginan kaming apat bago nag simulang tumakbo ng mabagal. tahimik at maingat ang bawat hakbang.
madilim ang buong paligid, hirap akong makita ang buong lugar. may mga nakita kaming zombie. agad kaming nagtago sa gilid ng pader.
nasa dulo na kami ng building. kaunting lakad na lang ay makakarating na agad kami sa faculty room. sinubukan ko na tignan ng maiigi ang lugar. wala talaga akong makita sa dadaanan.
tinignan ko si jerra sa aking tabi. hindi siya sumama sa kanila, ano bang iniisip niya? ano ba talagang ginagawa niya?
kahit hindi ko gusto na sumama siya rito ay ginawa niya pa rin. pero sa totoo lang..ang pagsama niya sa amin ay binigyan ako ng lakas. hindi ko alam kung bakit. siguro ay dahil kung mamatay ka ng may kasama..hindi gano'n kasakit ang mararamdaman mo.
katulad lang sa exam, kung may kasama ka na bumagsak din at hindi pumasa sa test. pakiramdam mo, ayos lang ang lahat at magiging maayos din..
pinilig ko ang ulo, nagkatinginan kami ng lalaki. bakit ko ba na isip na parehas ang test sa ginagawa namin? buhay ang nakasalalay dito..
hinawakan ko ang aking buhok at tinali iyon. kailangan namin tumakbo ng mabilis.
sumilip ako. naka tago kami sa gilid ng CR. talagang hindi ko na gusto ang naaamoy. hindi ko na matiis.
"hoy, anong ginagawa mo?"
tanong sa akin ni Benedict. sinubukan ko na lumabas.
"titignan ko, saglit lang."
sumilip ulit ako. wala talagang kahit isang ilaw ang bukas. kung sana ay may ilaw man kahit papaano ang buwan ay mas maganda. natatakpan kasi iyon ng ulap. tinatabunan ang liwanag. umiihip ang hangin ng malakas. malamig ang buong paaralan sa gabing ito.
lumabas kami doon ng walang nakitang kahit ano. wala naman kasi talaga kaming makita ,e.
hinawakan ko ang kamay ni jerra. nagtaka siya sa ginawa ko. hindi naman kami ganoon ka close kaya bakit ko ginawa 'to? hindi niya inalis ang aking hawak.
nagpatuloy kami sa paglalakad. tahimik at maingat. sinubukan ko na kapain ang bakod sa gilid. nasa hagdan na kami. dahan-dahan kaming humakbang.
na tigil lang dahil sa atungal na narinig sa likod. mabilis kaming tumakbo. hindi na lumingon sa likod at mabilis na lang tumakbo.
wala kaming makita pero alam namin ang mga posisyon nang mga building. hinila ako ng nakasalamin na lalaki. hawak ko si jerra kaya siya ay nahila ko rin.
huminto si Benedict. narinig namin na may kung ano ang tumunog. may hinampas siya na isang zombie. tumigil kami at sinubukan na hintayin siya.
huli na ang lahat, kung magiintay pa kami dito ay mamatay kami. mabilis akong pumunta kay Benedict at sinipa ang zombie na hinahampas niya. hindi kasi matinag ito kahit ilang beses ng hinampas. parang hindi nasasaktan at naka tayo lang.
ng sinipa ko siya ay nakatayo pa rin. napa atras lang. ginawa namin iyong chance para tumakbo.
umingay ang buong paligid. narinig namin ang takbuhan ng maraming tao. mga zombie sila at papunta sa amin. nakababa kami ng hagdan at pumunta sa PPP building.
sa first floor, unang room. iyon ang teachers room para sa year namin. malakas kaming kumatok doon. sumigaw si Benedict ngunit walang sumagot mula sa loob.
muli kong hinampas ang pintuan. ngayon ay mas malakas na.
"ma'am! 'yung pinto po!" malakas ko na sigaw. walang sumagot. patay ang ilaw sa loob. naka lock ang room.
BINABASA MO ANG
ESCAPE [COMPLETED]
Mystery / Thriller-A high school becomes dangerous zone because of a zombie outbreak. trapped students must fight their way out--or turn into one rapid infected. this is the first story of the ZOMBIE SERIES ESCAPE, THE CRISIS. See you again, don't say goodbye... Stat...