Kabanata 2
"Niel, si Michaela?" tanong ko pag ka pasok ng room.
hinihingal ang dalawang kaibigan ko sa likod. dahil sa hagdan ng paaralan ay puro pawis kaming tatlo. para bang nag lakbay kami sa isang bundok.
"hinatid ko na sa second floor." sagot n'ya sa akin. tumango ako inikot ang mata.
"ba't hindi ba tayo dumaan sa back gate ha!?" inis na tanong ni Angeline. pa bagsak silang umupo. habang ako naman ay naka tayo pa rin.
nilapag ko ang bag at inilabas ang bimpo sa bulsa. nag punas ako ng pawis habang tinitignan sila.
"naka sara nga 'yung back gate! para kang sirang plaka ha, paulit-ulit?" sarcastic na sinabi ni Alexandra.
binatukan s'ya ni Angeline dahil doon. natawa ako at umupo na rin sa tabi nila.
ang building na ito ay nasa pinaka dulo ng paaralan, harap ay maliit na kagubatan. kaya naman marami ka munang hagdan na pag dadaanan bago ka ma ka rating.
kung alam mo lang, parang ma puputol ang hininga mo sa sobrang layo. sa totoo lang, kung may diskriminasyon nga ang school na 'to ay baka ang building na ito ang para sa mga bobo. real talk lang.
pero hindi naman gano'n kasama. medyo lang.
"first day ngayon pero ang onti lang natin ha?" saad ni Alexandra. inikot ko ang tingin sa buong kwarto. marami nga ang bakante pero halos nasa kalahati naman ang bilang namin.
"ano, labas na lang ba tayo ha?" mapanuyang tanong ni Angeline.
"huy!" banta ko sa kaniya.
"ano?" inosente n'yang tingin sa akin.
muli ay may pumasok na bagong mag aaral. tumingin kami sa kaniya at ganoon din ang lahat. hindi namin s'ya kilala.
maganda at mahaba ang buhok. maliit pero mukang siga. singkit ang mata at maliit din ang mukha. isang babae.
"transferre ba 'yan?" bulong na tanong ni Alexandra.
"siguro." sagot ko, bulong din.
ng nakitang hindi n'ya alam kung saan s'ya uupo ay tinaas ko ang kamay. tumingin s'ya sa akin at ipinakita ko ang upuang nasa tabi.
"hindi ko gusto sa harap." malamig n'yang saad at nag punta sa likod.
naiwan akong naka ngiti doon. dahil sa katahimikan ay mas lalo akong nahihiya.
"ikaw kasi ,e!" sisi sa akin ni A
"baka bobo, takot matawag ng teacher." saad ni Angeline.
"bakit tayo ba? hindi ba tayo takot matawag?" sarcastic kong tanong.
"oo nga, nasa harap lang tayo para mauna lumabas sa pinto pag break time ,e!" si Alexandra at tumawa ng malakas.
tumingin sa amin ang lahat dahil doon. yumuko ako at binatukan si Alexandra.
lahat ng tao sa room ay nag ce-cellphone. kung hindi naman ang iba ay natutulog. inilabas ni Angeline ang cellphone at ganoon din si Alexandra.
inilabas ko ang one whole na papel sa bag at sinimulang mag sulat. syempre hindi para mag aral.
"huy, ano 'yan? may gagawin ba?!" nag pa panic na tanong ni Alexandra.
"tanga, hindi. sinusulatan ko lang ng pangalan lahat ng papel 'no!"
"tangina, damot amputik." si Angeline at tumawa.
"bakit kasali ba kayo sa budget ng nanay ko?" bulong ko habang nag susulat.
BINABASA MO ANG
ESCAPE [COMPLETED]
Mister / Thriller-A high school becomes dangerous zone because of a zombie outbreak. trapped students must fight their way out--or turn into one rapid infected. this is the first story of the ZOMBIE SERIES ESCAPE, THE CRISIS. See you again, don't say goodbye... Stat...