Kabanata 25

28 3 0
                                    

Kabanata 25

'Mandatory precautions...'
'How to prevent getting infected...'
'serious- Requires- Recover- uncontrolled virus'

Hindi ko maintindihan, pero isa lang ang sigurado.

Walang darating. Kami na lang....
Sinukuan na kami. wala silang balak na iligtas at kunin kami, mula sa simula...

Nanginginig ang kamay ko, ng muling sumigaw.

"Bilis!!" Malakas, ang sigaw ko. Para lang bumaling silang lahat sa akin. Pero hindi lang sila, pati na rin ang zombie.

Sa isang kisap. Mabilis na lang ang nangyari. Ang luha sa mata ko, hindi ko na naramdaman. Ang malamig na hangin, mas naramdaman ko na. Namutla ako. Sinubukan kong lumabas. Hindi sapat, na hawak ko lang ang pinto para sa kanila.

Sinubukan kong lumabas, pero hindi ko nagawa iyon. Agad akong hinawakan ni michaela. Hinila ako nila Angeline at Alexandra, para pumasok pa. Hinarangan nila ako.

Ang mga bintana, agad na sinara ng mga natira sa room. Tumingin ako kila syrah at san jose. Bumaling sila sa akin, pero nanginginig din ang mata.

Wala sa oras, para mawala ako sa sarili. Pero hindi ko mapigilan na tumingin na lang sa paligid. Wala sa sarili ng, binalik ko kay charles ang tingin.

Bukas ang lahat ng bintana, dahil binuksan nila 'yon ng narinig ang ingay ng helicopter. Bukas ang pinto, bukas ang lahat. Hindi ligtas. Ang mga pulang papel, nililipad na rin sa loob ng room. Ang madilim na paligid, maliwanag na.

Hindi ko alam, na ang liwanag. Mas nakakatakot pa. Tahimik ang paligid ko. Ang paghinga lang ang naririnig, sa nanginginig na tingin. Tumayo lang ako doon, at tinignan ang mabilis na nangyayari.

Hinawakan ako ni charles sa braso. Hinila n'ya ako sa dulo, at pilit na tinago sa pagitan ng mga upuan. Sumunod ang mga kaibigan ko sa akin, pero hindi para magtago din. Tinago nila ako sa likod nila, ng umalis na si charles sa harap ko.

Nanginginig ang paningin ko sa tahimik na paligid. Nagsalita si charles, pero okupado ang isip ko sa mga bagay na hindi maintindihan.

Sumisigaw sila. Umiiyak. Pilit nilang sinasara ang pinto. Pinilit ni charles, na isara ang pinto. Sigawan, bago ang katahimikan.

Nakaupo pa rin ako sa sahig, at mukhang gano'n na din sila. Bumalik na lang ang lahat sa akin. Ang mga atungal at dagundong sa labas ang una kong narinig. Mabigat ang paghinga ko, ng tumayo. Dahan-dahan akong, tumingin sa paligid. Sarado na ulit ang bintana, pero ang pulang kurtina, mas naging madilim pa na parang nalagyan iyon ng mga dugo.

Madilim na ulit ang paligid, ang hinihingal na si charles ang lumapit sa akin. Tumingin ako sa katawan n'ya na puno ng galos, pero ang pagalala n'ya para sa akin ang mero'n lang s'ya. Walang sakit, wala na ang pagod.

Hindi ko alam, pero parang narinig ko sa gitna ng paghinga n'ya, ang tanong kung ayos lang ako. Napalunok ako, dahan-dahan na tumango.

Nanginginig ang kamay ko, ng hinawakan ang pisngi n'ya. Nawala ulit ako sa sarili, ng niyakap ko s'ya. Gusto ko s'yang yakapin. Gusto ko lang. Sa gitna ng katahimikan, may mabigat akong nararamdaman.

Walang luha. Walang sakit. Wala akong, maramdaman. Niyakap ko s'ya, sa pagiisip na baka gumaan ang nararamdaman. Ang totoo, natatakot pa din ako. Nakakatakot at nakakamanhid.

"Ayos lang..." Nanginginig ang boses n'ya. Dahan-dahan akong tumango. Muling similar ang nararamdaman.

Binitiwan namin ang isat-isa. Bumaling kami sa iba. Bumaling ako sa mga kaibigan, na okupado pa rin ng mga nangyari ngayon lang. Masyadong mabilis at nakakatakot.

ESCAPE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon