Kabanata 19

44 4 0
                                    

Kabanata 19

tahimik ang lahat, ng sinabi n'ya iyon. tama s'ya, doon nga. hindi dapat namin ipahalata ang sitwasyon ngayon sa iba, dahil hindi pa nila alam ang tungkol doon. mabilis kong binago ang usapan.

"s-sinara 'yung back gate." saad 'ko, pero agad ding natigil dahil sa mga dagundong na galing sa second floor.

lahat kami, napatingin sa taas ng kisame. nakatingala sa madilim na taas. umatungal ang nasa malayong labas, kaya siguro sila gumalaw. napalunok ako at bumaling kay ma'am, pero nakatingin na s'ya sa amin. nakalagay ang daliri sa bibig. sinenyasan kaming tumahimik. tumango ako. dahan-dahan s'yang tumayo.

tumingin kami sa bintana. sapat na ang sikat ng araw na tumatama sa bintana, kaya nakita namin ang mga anino nila sa likod ng mga kurtina. napaatras ako at nanlaki ang mata.

tumama ang likod ko kay Charles, kaya nagawa n'ya akong hawakan. mabilis akong tumingin sa mga kaibigan. hawak nila ang mga bibig, pinipigilan ang sariling huminga. may ibang yumuko, dumapa at nagtago sa mga gilid.

hindi ko na maalis ang tingin ko doon, nanginginig ang kamay ko, kahit hawak na iyon ni Charles. dahan-dahang dumilim ang lahat. nakahinga ako ng tinakpan n'ya ang mga mata ko. napalunok ako, natatakot ako. pero hindi ko inalis ang kamay n'ya, hinayaan ko.

mas malakas ang tibok ng puso ko, sa pagiisip na iyon ang mga eagle seniors. pagkatapos ng ilang minuto, narinig ko ang paghinga ng malalim ng iba, takbuhan sa labas pagkatapos ng mga atungal.

dahan-dahan n'yang inalis ang mga iyon, at doon lang ako tuluyang nakahinga. zombie lang. zombie lang.
dapat natatakot ako sa mga 'yon, at hindi sa mga tao. pero pakiramdam ko mas nagdagdagan ang takot ko, kahit nagawa kong bawasan iyon, kahit nagawa kong tumayo.

tumingin ako kay charles, nag-iwas s'ya ng tingin sa akin at humakbang palayo. tinignan ko ang distansyang binigay n'ya, pero hindi na nagsalita. umalis na ang zombie sa harap ng room, pero maingay pa rin ang nasa second floor. tinakpan ng ulap ang ang sikat ng araw, at muling dumilim.

bumaling ulit ako sa kisame. dahan-dahan akong umupo. pati na rin ang mga kaibigan. tumingin ako kay ma'am ng lumapit s'ya sa pinto. dinikit n'ya ang tainga doon at pinikit ang mata, may pinakikinggan.

dinama ko rin ang paligid, pero wala na akong ibang marinig kung hindi ang sariling tibok na lang ng puso. sinenyasan n'ya ulit kaming tumahimik.

iyon ang ginawa namin sa lumipas na minuto. tahimik kaming lahat. humakbang palayo si ma'am sa pinto, at mabilis na bumalik sa pwesto. tumingin s'ya sa akin, pakiramdam ko kailangan kong i-tuloy ang sinabi, kaya iyon ang ginawa ko.

"sarado 'yung back gate." ulit ko.

tumango si ma'am. hindi ko na sinundan ang sinasabi. tumingin ako kila Benedict, sumilip sila sa kabilang bintana, nakaharang ang mga kahoy at bakal doon, kaya walang makakadaan. hindi ko magawang tumayo, kahit gusto kong tignan kung ano din ang nandoon. nanginginig ang tuhod ko dahil sa panghihina.

hindi pwedeng gan'to ako. kailangan kong ayusin ang sarili. muling tumango si ma'am sa sinasabi ko at nagsalita.

"madali tayong makakadaan sa duavit three, pero hindi pa rin tayo sigurado..." saad ni ma'am Lesondra.

nagkatinginan kaming dalawa ni Charles, hindi ko alam kung parehas pa rin kami ng iniisip. bumaling ako kay ma'am, na nakayuko at nakapikit ng mariin.

may ibang nakikinig sa usapan, pero halos lahat ay wala na sa sarili. dahan-dahan akong tumayo at napalunok. nakayuko sila ma'am, kaya tumingala sila sa akin. nakatayo pa rin si Charles, kaya hinila n'ya rin ako pataas.

nagkatinginan kami nila ni ma'am, walang nagsalita sa amin ng sandali. tumango s'ya sa akin, may lumabas na maliit na ngiti sa labi ko at tumango din. tumingin ulit ako kay Charles. huminga ako ng malalim at umalis sa kaniyang harap.

ESCAPE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon