Kabanata 12

60 4 0
                                    

Kabanata 12

lumipas ulit ang bawat minuto at bawat oras, tulala lang kami at may sariling iniisip. huminto ang tawanan at kwentuhan.

bumalik ulit ang lahat sa takot. nakatingin lang sa naka sarang bintana. mabilis lumipas ang oras. ang kulay pulang kurtina, na nasisinagan ng araw ay nawala na.

nakatulog ang lahat, maliban sa aming dalawa ni Charles. hindi ako makatulog o makapikit, ganoon din siguro s'ya.

walang liwanag ang buwan, hindi katulad sa mga nagdaan na araw. madilim ang room. nakakatakot pero sapat na katabi ko s'ya ngayon para mabawasan 'yon. nakakatuwa.

"siguro, tapos na 'yung full moon..." saad ko sa kaniya, mahina.

"siguro nga, wala ng full moon. wala ng liwanag..." bulong n'ya rin.

tumango ako, naramdaman kong bumaling s'ya sa akin. hindi ako tumingin sa kaniya, wala naman akong makikita. kahit papaano ay komportable ako dahil doon.

"bakit 'di ka pa natutulog?" tanong n'ya sa akin

"hindi ako makatulog..."

huminga s'ya ng malalim. tumingin ako sa kaibigan ng naramdamang gumalaw sila. mahimbing sila, buti naman.

"natatakot ka ba?"

natigil ako at hindi ka agad naka sagot sa tanong n'yang iyon. yumuko ako at nanginginig na huminga. tumango ako. ilang beses ko bang dapat sabihin iyon? sa kaniya at sa sarili.

"uh-huh..." sagot ko at tumikhim.

ayaw ko sa katahimikan. ayaw ko na paghinga lang namin ang naririnig ko. gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung ano ang magandang sasabihin ko. wala ako sa sarili para kumalma sa nangyayari. bumaling ako kay ma'am.

natatakot ako. sa bawat oras. sa bawat minuto. sa bawat bawat segundo. tuwing iniisip kong may kung ano sa likod ng pintong 'yon...ayaw kong umatras.

hindi ako aatras.

pupuntahan ko 'yon at...

pumikit ako ng mariin.

ang nararamdaman ko ay sigurong maliit lang, kaysa sa nararamdaman ni ma'am ngayon.

"hindi ka ba...nagaalala sa tita..mo?" tanong ko pagkatapos huminga ng malalim.

"malakas ang suntok sa'kin ni tito. malakas ang mga sampal sa'kin ni tita..." tumawa s'ya.

"alam kong makakaligtas sila, malakas sila."

tumawa s'ya pero wala akong makitang katatawanan sa sinabi n'ya. hindi ako natawa. tumigil s'ya sa pagsasalita at huminga din ng malalim. sakit ang naramdaman ko sa mga 'yon.

kinagat ko ang labi, at tumingin sa kaniya. kinakabahan at natatakot pa rin, s'ya lang ang dahilan kung bakit kalmado ako ngayon. ramdam ko ang hapdi ng mata, dahil sa luhang nandoon. hindi umaalis. hindi tumutulo.

"sa tingin mo ba...ganito rin sa labas?" tanong ko.

"sa labas ng gate?"

hindi s'ya sumagot. alam ko na ang sagot. nakita 'yon ng mismong dalawang mata ko. hindi iyon ang tanong na gusto kong ilabas. hindi lang alam kung paano iyon sasabihin.

"nakita na'tin..." saad n'ya.

tumigil ako sa paghinga. parang gusto kong sumigaw sa sagot n'ya pero alam kong hindi dapat. ayaw ko lang marinig, kahit iyon ang katotohanan. hindi ako nakahinga.

"...nakita nating dalawa na bumagsak 'yung tarangkahan..."

pumikit ako. nanghina at napakurap dahil doon. sa dilim.

ESCAPE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon