Kabanata 18
hindi sila magkamaganak. hindi sila magpinsan, pero tinanggi din nilang magkaibigan sila. hindi na kami nagtanong pa, dahil mukhang hindi sila nagkakasundo sa dapat sabihin. pagkatapos naming malaman na matagal ng magka-kilala si Benedict at Jerra, naging tahimik ulit ang lahat, kinabukasan.
dahan-dahan akong tumayo at sumilip sa bintana. lumipas ulit ang oras. lumipas ulit ang isang araw. ayaw kong bilangin kung ilang araw na kami dito sa school, pero hindi ko mapigilan. nagaalala ako.
tumingin ako sa lahat. may ilang naglalaro ng games sa cellphone nila. may kuryente pa, pero hindi namin 'yon nagagamit ng maayos. ang rice cooker na nakuha ko, hindi din sapat para sa lahat.
hindi ko alam kung malinaw ba ang plano nila ma'am, pero..., kailangan ko lang magintay. kailangan ko lang sumandal sa kanila. pakiramdam ko nasa kamay ko ang buhay ko at ang buhay ng mga kaibigan ko.
nagtatakot akong hawakan iyon at baka mahulog, pero nagaalala din ako na, pag hindi ko hinawakan, baka mawala sila sa akin.
huminga ako ng malalim. tinignan ko si Charles. naka upo s'ya sa sahig, at nakatingin na din sa akin. dahan-dahan akong naglakad at umupo sa tabi n'ya. hindi kami ngumiti sa isat-isa. nakatingin lang kami sa paligid na nababalot ng kadiliman.
maliwanag na ulit sa labas, pero madilim pa rin dito sa loob dahil ang lahat ng bintana, nakasara. huminga ulit ako ng malalim. sabay kami, kaya nagkatinginan kaming dalawa. lumabas ang maliit na ngiti sa labi ko. yumuko ako, nakatingin pa rin s'ya sa akin.
"anong iniisip mo?" tanong n'ya. ngayon ay may kakaunting sigla na rin ang boses.
kahit nangyayari ang mga 'to, hindi pa rin ako makaniwala na kaya naming ngumiti, katulad nito. pero...
agad ding nawala ang ngiti ko ng sinagot ang tanong n'ya."walang pagkain." sagot ko, tumingin sa kaniya.
nakatingin kami sa isat-isa. tumango s'ya sa sinabi ko at yumuko din. huminga s'ya ng malalim at nakita ko pa rin kung paano s'ya pumikit ng mariin.
lahat alam 'yon, pero naglalaro lang ang lahat sa cellphone nila. naguusap ng tahimik at natutulog. hindi sila nagaalala at pakiramdam ko ako lang ang may pakialam do'n, kahit hindi naman iyon totoo.
ang mga kaibigan ko, alam din. kaya tahimik din sila sa gilid ko. tumingin kami kay ma'am, isa-isa. naguusap sila ni ma'am lesondra, seryoso.
kinamot ko ang buhok. tinignan ni Charles ang ginawa ko. may inilabas s'ya sa bulsa n'ya. tinignan ko iyon bago kinuha sa kaniyang kamay. hindi ko gustong magpasalamat dahil parang hindi ko gusto ang naiisip n'ya. tinali ko iyon sa buhok ko, at pasimple na inamoy ang sarili.
"hindi ka mabaho." saad n'ya sa akin, walang ngiti sa labi pero may tuwa ang boses.
"wala 'kong sinabi." saad ko pa rin sa kaniya. hindi ako mabaho, pero pasimple din akong lumayo sa kaniya. tinignan ko ang damit na suot.
"marami akong damit sa bag."
tinignan ko ulit s'ya, marahas ko agad iyong inalis at bumaling na lang kila ma'am.
"alam ko."
hindi ko gustong tumingin sa mga kaibigan dahil alam kong nakatingin sila sa amin, na naguusap. tahimik din sila kaya hindi ko na talaga ginawa at hindi na kailangan pagiisipan pa.
"ayaw mong magpalit?" tanong n'ya ulit. ngayon ay may hinog na ngiti na, pero pilit n'ya namang inaalis.
gusto ko iyong titigan, gusto kong tignan ang ngiti sa labi n'ya, pero hindi ko ginawa. pakiramdam ko kapag tuwing tumitingin ako sa kaniya pag nakangiti s'ya, ayos lang ang lahat. nakaka, kalma. kaya mas natatakot ako.
BINABASA MO ANG
ESCAPE [COMPLETED]
Mystery / Thriller-A high school becomes dangerous zone because of a zombie outbreak. trapped students must fight their way out--or turn into one rapid infected. this is the first story of the ZOMBIE SERIES ESCAPE, THE CRISIS. See you again, don't say goodbye... Stat...