kabanata 4

130 8 0
                                    

kabanata 4

"kailangan kong lumabas." lumipas ang ilang oras. iyon lang ang aking na isip.

sinubukan kong muli na tanggalin ang mga naka harang na upuan. pinigilan ako ni Angeline. hinawakan n'ya ako sa braso at sinisigawan na tumigil na. hindi ko alam ang gagawin. nasa bahay si mama. kailangan ko s'yang puntahan. kailangan kong umuwi.

umiiyak si Alexandra. nasa sahig s'ya at wala rin magawa. tinignan ko silang lahat bago muling tanggalin ang mga naka harang. naka tingin silang lahat sa akin. tinutulak at sinisigawan ako ni Angeline pero wala akong pake doon. nang hawakan ng lalaki ang braso ko at sinubukan din akong pigilan ay nawala ako sa sarili.

"sino ka ba ha?!" sigaw ko sa kaniya. nakakatuwa dahil kahit interisado man ako sa lalaking ito, hindi ko alam ang pangalan n'ya. na iinis ako. bakit ba kailangan n'yang makialam. hindi s'ya sumagot at hinawakan lang ako sa braso. pinipigilan na lumabas ulit.

hindi ko napansin ang luha na muling tumulo galing sa aking mata. kaming tatlo ngayon ay umiiyak na. sinubukan kong tanggalin din ang pagkakahawak sa akin ng lalaki. mabilis natanggal ang kamay n'ya sa akin. ng naka wala ay agad ko siyang pinagtutulak ulit. hinampas ko s'ya sa dibdib at mariin na hinawakan ang kanyang uniporme. hindi ko s'ya magawang sampalin kahit gusto ko man.

wala akong alam sa mga nangyayari. sana may mag sabi man lang sa akin kung ano ito. natatakot ako. tama at nagpapasalamat ako na tinulungan n'ya kami kanina. kung hindi dahil sa kaniya, baka na saktan na kaming tatlo. pero sino ba s'ya para makialam? sino s'ya para pigilan din ako? kung sana ay na kinig ako kay mama na hindi muna pumasok. hindi sana nangyayari 'to. sana ay kasama ko si mama ngayon..

"sino ka ba ha!? 'wag kang makelam!" muling sigaw ko sa kaniya. hinampas ko s'yang muli sa dibdib. habang tumatagal ay mas humihina iyon. wala s'yang ginawa. tumayo s'ya doon at tinignan lang ako. hindi iniinda ang sakit. dahan-dahan akong na pa luhod.

kung na kinig sana ako kay mama, wala sana ako dito. tinakpan ko ang mukha gamit ang kamay. inalu ako ni Angeline kahit s'ya ay umiiyak din. lumapit sa amin si Alexandra. ano ba kasi 'yon? anong cannibalism?

"Z-zombie 'y-yon." na uutal na sabi ni David. nag angat akong muli ng tingin kahit may luha sa mata. lahat kami ay naka tingin naman sa kaniya. lumapit si Andrei sa kaniya at binatukan s'ya nito. pumagitna sa kanila si palma.

"tanga, nasa movies lang ang mga zombies. wala dapat sila sa school!" saad ni Levi. namumula ang mata at halatang na iiyak na rin.

"bobo, nasa series din ang mga zombies 'no! sinong nakapa-nood sa inyo ng All of us are dead?!" sabat naman ni Christian.

malakas na hinampas ni King ang lamesa at sumigaw.

"tangina naman! akala n'yo ba biro 'to ha?! mag seryoso naman kayo!" tumingin s'ya sa aming lahat at muling umupo. hinawakan n'ya ang buhok at sinabunutan ang sarili.

may biglang umiyak sa dulo. lahat kami ay napa tingin doon at natahimik. may mga yumuko at ang iba naman ay pinigil din ang sariling umiyak. kahit lalaki man.

"tumahimik ka nga Syrah!!" sigaw ni san jose. kahit s'ya ay naiiyak din. pinigilan lang ma piyok ang boses at nilakihan ang boses.

napa hinga ako ng malakas at malalim. muli akong tumayo at sinubukan na buksan ulit ang pintuan. wala akong balak ma kinig sa mga baklang 'to.

"tabi." saad ko sa lalaking nasa harap ko. hinarangan na naman n'ya ako. masama ko s'yang tinignan sa mata. mas matangkad s'ya sa akin. hanggang balikat n'ya lang ako pero kung iisipin, mas maliksi ako sa kaniya.

muli n'yang binalik ang naka harang na upuan. pinatong n'ya ulit ito sa taas. hindi na magawa ni Angeline na pigilan pa ako sa pag labas. umiiyak na n'yang hawak ang cellphone at sinusubukan ulit na may tawagan. naka upo s'ya sa sahig, ka tulad ni Alexandra.

ESCAPE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon