Kabanata 1

220 11 6
                                    


Kabanata 1

"anong section mo?" tanong ni michaela. nag patuloy kami sa paglalakad. hindi mawala sa isip ko ang nakita namin kanina. dapat pala na kuhanan ko man lang ng litrato o kaya naman na videohan.

"apalit." sagot ko.

"oh talaga? ang pangit naman ng classroom mo. nasa dulo 'yon 'di ba?"

tumango ako. napa tigil s'ya sa pag lalakad at ganoon din ako. akala ko'y may kung ano nanaman sa langit kaya tumingala ako.

nagulat ako sa biglaan nyang pag tili. hinawakan n'ya ako sa mag kabila na braso at yinugyog.

"classmate mo 'yung may crush sa'yo!" aniya at nag patuloy sa pagtili.

"sino ba 'yon ha?"

"yung ben!"

"ah..si Benedict, 'yung parang tanga tumawa?" bagot kong tanong at nag patuloy sa pag lalakad. nang makita ng kaibigan ang reaksyon ko ay kumalma s'ya at tinignan ako sa mata. nang aasar.

"alam kong classmate 'ko 'yon mula first quarter pa, wag kang ano!"

"guwapo naman 'yon ha...kung ayaw mo akin na lang?" hindi ko sinagot ang walang kuwentang tanong ng kaibigan.

"nasa taas ako ng room n'yo, sa second floor." aniya pag ka tapos ng matagal na pa ngungulit sa akin.

"alam ko na rin 'yan..."

"mauna ka na sa overpass." sabi niya ng nasa harap na kami nang mga hagdan. gulat ako at nilingon s'ya.

"bakit?" tanong ko.

"mag kikita kami ni niel"

"hoy! classmate ko 'yon ah! tsaka akala ko wala kang boyfriend!? hinihingi mo nga si Benedict ,e!"

hindi n'ya ako sinagot at dinilaan lang bilang pangaasar.

"sasabihin ko 'yan kay Benedict para layuan ka n'ya." sabi ko, nag babanta. hindi s'ya na tinag at tinawanan lang ako.

"tara na kasi! sige ka, baka masarahan ka ng gate." pilit ko.

"tanga mag si-six pa nga lang ,e!"

busangot ang mukha ko ng tumalikod. inis akong nag martsa at nilingon s'ya. akala ko'y susunod pero paglingon ay naka badfinger sa akin ang mga kamay, naka ngiti.

ha! ang galing ah!

muli akong tumalikod at inakyat ang mga hagdan. iniwan ko s'ya doon at tumawid na.

akala ko ay tapos na ang kakaiba namin na nakita. hindi lang pala ibon na marami ang makikita ko.

binalot ng ingay nang mga airplanes ang buong paligid. ganoon din ang mga hindi mabilang na helicopters. sobrang dami at sabay-sabay na lumilipad. mababa ang lipad at tila nagmamadali. binilang ko ang mga iyon gamit ang daliri.

"isa." bigkas ko habang turo ang isa. naka taas ang kamay.

"dalawa."

"tatlo." pag papatuloy ko.

"apat." saad ko at na putol ang pagbi-bilang dahil may bumangga sa akin. hawak ang braso, isang matandang tumatakbo.

"sorry po!" sigaw ko.

tumingin ako sa kabilang direksyon. may humahabol ba sa kanya? ano ba 'yon.

muli akong lumingon sa kabila at tumingala. ngayon ay malayo na ang mga iyon. nasa himpapawid tila mga tumatakas. wala ng mas i-iba sa araw na 'to.

hay nako, muli akong nagpatuloy sa paglalakad. binaba ang napaka taas na hagdan. 'yon ang daanan papunta na sa school. kung saan maraming tao at maraming nagbe-benta ng kung ano-ano.

ESCAPE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon