Kabanata 28

38 3 0
                                    

Kabanata 28

Makakaalis kami dito. Makakatakas kami, salamat naman. Bumalik kami sa loob ng bus. Tumingin ako kay charles na hindi pa rin bumabaling sa akin. Huminga ako ng malalim. Mabigat pa din, ang paghinga at pagtibok ng puso ko.

Nilagay namin ang tatlong susi, sa bawat bus. Ngayon na ayos na ang lahat, kailangan ulit namin magpatuloy. Kailangan na ulit naming bumalik.

Tahimik kaming dalawa ni charles, sa dulong bus. Nakaupo kami, magkatabi. Binuksan ni jerra ang ilaw ng bus. Tinted ang salamin kaya hindi 'yon makikita sa labas, gano'n din kami.

"Kaya ko bang i-drive 'to?" Tanong ni charles, paos ang boses.

Nakasandal kaming dalawa, sa sandalan ng upuan. Nalalakihan talaga ako sa bus na 'to, kagaya ng upuan kung saan kami nakaupo. Napalunok ako, at hindi ka agad nakasagot. Walang lumabas sa bibig ko, kaya tumingin s'ya sa'kin.

Bumaling s'ya sa'kin, at nahuli n'ya na akong nakatingin sa kan'ya. Dahan-dahan akong tumango. Malakas pa din ang pagtibok ng puso ko, dahil sa sandaling paglabas na ginawa namin. O baka iba ang dahilan.

Dahan-dahan ulit akong tumango.

S'ya lang ang nakakaalam ng sagot sa sarili n'yang tanong. Alam n'ya ang kaya n'ya. Hindi ko masabi na kaya n'ya 'yan, dahil pakiramdam ko magsisinungaling lang ako. Ang lumabas lang sa bibig ko...

"Magiging maayos lahat..." mahinahon kong saad.

Sa totoo lang, may takot akong nararamdaman tuwing iniisip ko ang mga susunod na mangyayari.

Sa ngayon, take the risk or lose the chance.

Tayo lang ang nakakaalam sa kaya natin. Walang ibang tao ang pwedeng magsabi kung ano ba ang hindi mo kaya at kung ano lang ang kaya mo.

Lumabas ang maliit na ngiti n'ya sa labi, at nagiwas ng tingin sa'kin. Bumaling s'ya, sa bintana. Tumingin din ako do'n, madilim ang labas, dahil sa itim na salamin.

Ngumuso ako, ng binalik n'ya ang tingin sa'kin.

"Galit ka ba?" Tanong ko, mahina.

Gusto kong taliman ang boses, pero mas naging malumanay pa 'yon kaysa sa iniisip ko. Napakurap s'ya. Parang nahuli ko ang kung anong dahilan n'ya sa tanong ko. Nagiwas ulit s'ya ng tingin sa'kin.

"Dahil ba sa nangyari?" Dugtong ko.

Bumigat ang boses ko, dahil sa naalala na 'yon. Sinabi n'yang magtago ako, pero hindi ko 'yon ginawa. Gusto ko lang naman maging ligtas kami. Hindi pa rin s'ya sumagot. Galit nga s'ya. Sa sandali, nakatingin lang ako sa kan'ya. Kung kailan ko inalis ang tingin, do'n lang s'ya nagsalita.

Tumingin ako kila Benedict, na patuloy pa rin inaayos ang mga upuan na nakabagsak.

"Hindi mo hinawakan ang kamay ko..." Simula n'ya.

Saglit akong natigil. Hindi makatingin sa kan'ya. Parang nag loading ang isip ko, bago nakuha kung ano ang tinutukoy n'ya sa sinasabi.

Napasinghap ako. Bumaling ako sa kan'ya na kunot ang noo. Nakatingin na s'ya sa'kin. Gamit ang pagod na mata.

Kung gano'n, hindi s'ya galit dahil sa ginawa ko na 'yon? Galit s'ya, dahil hindi ko hinawakan ang kamay n'ya? Saglit akong tulala, bago naalala ang nangyaring 'yon.

ESCAPE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon