Kabanata 11
nakilala ko s'ya eight years ago. maniniwala ba ang mga kaibigan ko kung sasabihin kong ilang taon ko na s'yang nagugustuhan?
Charles Villanueva.
iyon ang buong pangalan n'ya. ang pangalan ko naman ay...
Desiree Ortega.
sa mga letra pa lang ng pangalan namin, halatang hindi kami bagay. para akong bata kung magisip. nakakainis. hindi ako umamin sa kan'ya.
hindi ko sinabi sa kaniya na gusto ko s'ya. hindi ko alam kung bakit. baka hindi ko lang kaya o baka hindi ko lang masabi dahil...
alam kong magkaiba kami ng lugar.
grade two.
oo, tama.
sa grades school ko pa s'ya nakilala. ang totoo mag classmate na kami noong elementary. pero grade six ko lang s'ya napansin.
hindi ko alam kung bakit. hindi ko alam kung pa'no nangyari.
basta... nagustuhan ko na lang s'ya bigla.
walang dahilan. bonus na lang na gwapo s'ya. hindi ko alam kung pa'no talaga nangyari na nagustuhan ko s'ya. iyon ang nakakainis. naiinis ako sa sarili ko.
hindi ko alam kung bakit.
o baka...
naiinis ako dahil napapansin ko s'ya pero hindi n'ya man lang ako napapansin.
ilang beses ko s'yang naging ka seatmate. tuwing lipatan bawat subject, katabi ko s'ya. lumilingon at sumusulyap ako palagi sa kaniya pero hindi man lang s'ya bumabaling sa akin.
palagi akong nakatingin at ngumingiti na lang ng wala sa sarili. nakakatuwa s'yang pagmasdan. tumitingin pa lang ako sa kaniya masaya na 'ko.
pero minsan...
naiinis din.
minsan nagkakausap kami, pero parang walang kwenta at maliit na interactions lang 'yon para sa kaniya. ako na ang kusang lumalapit.
elementary pa lang siraulo na 'ko.
nanghihiram ako ng lapis sa kaniya kahit mero'n naman na ako. palagi akong nagpapahuli sa klase, nagpapanggap na cleaners kasama n'ya. kahit hindi naman.
isang araw, binigyan ako ng regalo ng pinsan ko. isang cellphone. nagsisi siguro s'yang binigay n'ya sa akin 'yon ng walang paalam sa magulang n'ya.
baliw din talaga si Michaela. pinagalitan siguro s'ya.
pero mas baliw ako dahil tinanggap ko pa rin 'yon. napangiti ako.
bumaling ako kay Michaela. nasa tabi ko s'ya. malamig at madilim ang buong gabi. lumipas ulit ang araw sa bangungot na 'to.
nakapikit s'ya at naka sandal sa akin. pagod, hindi dahil sa pagkilos. pagod na ang isip at katawan n'ya dahil sa takot.
tumingin ako sa kamay n'ya. hawak n'ya pa rin ang kulay rosas na walkie talkie. kinuha ko sa kaniya iyon.
"nagising ka ba? sorry, matulog ka ulit..." bulong ko.
umayos s'ya nang upo at kinusot ang mata. nagising s'ya dahil sa pagkilos ko.
"ayos lang..." paos n'yang sinabi.
huminga ako ng malalim. natahimik kami. tulala sa madilim na kisame. tahimik ang lahat. tulog at sumisiksik dahil sa takot.
"bakit?" tanong n'ya.
"wala lang." sagot ko ng wala sa sarili.
"ayos ka na ba?"
BINABASA MO ANG
ESCAPE [COMPLETED]
Mister / Thriller-A high school becomes dangerous zone because of a zombie outbreak. trapped students must fight their way out--or turn into one rapid infected. this is the first story of the ZOMBIE SERIES ESCAPE, THE CRISIS. See you again, don't say goodbye... Stat...