Kabanata 14

49 5 2
                                    

Kabanata 14

ilang beses namin binuksan ang tv, paulit-ulit, pero walang ibang lumalabas.

no signal pa rin ang nakalagay.

huminga ako ng malalim.

bakit may pakiramdam akong...

walang darating.

hindi ko masabi ang nasa isip. natatakot akong maramdaman nila ang nararamdaman ko.

tumingin ako sa labas ng bintana. sumilip ang iba doon, habang kami ng mga kaibigan ay naka upo. huminga ako ng malalim.

kanina, huminto ang ulan. sumikat ang araw, pero malamig pa rin ang hangin. hindi ako makahinga ng maayos dahil sa darating na minuto.

lalabas ulit kami.

huminga ulit ako ng malalim. bumaling ako kay Charles. tumingin s'ya sa akin. pagod akong ngumiti.

ilang beses kong sinabi, ilang beses kong pinilit si Angeline na 'wag na s'yang sumama. kami na lang. gusto kong umiyak sa harap n'ya para ipakita na tutol ako, pero hindi ko magawa.

hindi n'ya ako pinapansin. kay ma'am lang s'ya nakatingin.

tumango sa akin si Charles. parang sinasabi n'ya na magiging maayos ang lahat. lumabas ang maliit na ngiti sa labi ko. pagod.

muli akong tumingin sa labas ng bintana. may araw naman...

pero bakit natatakot pa rin ako? bakit ang hangin na 'yon ang mas lalong nagpapakaba sa'kin? bakit pakiramdam ko, sa akin papunta ang hangin?

pagkatapos ng matagal na katahimikan. pagkatapos lumipas ng oras...

sinabi ni ma'am, na kung kaya, importante ang gagawin namin. hindi lang ang pagpunta sa labas para hanapin ang kapatid ni carmelo.

hihingi kami ng tulong. titignan namin ang magagawa namin. siguro, may mga teachers pa sa labas.

hindi.

mali.

may mga teachers pa sa labas. tama. makakahingi kami ng tulong. kukuha kami ng makakatulong sa amin.

mas maganda sana kung, isasabay sa paglabas ang pagkuha ng pagkain. lalo na dahil malapit lang ang nilo building sa isang cafeteria.

pero ang sabi ni ma'am ay iyon. titignan daw kung may ibang teacher pa sa faculty room. sa kahit anong teachers room.

tahimik ang lahat ng pinatay ang tv. muli akong tumingin kay Charles. naka yuko s'ya at malalim din ang iniisip. bumaling ako kay ma'am na tulala sa sahig.

tumayo ako. tumingin sila sa aking lahat.

ang totoo, sa sandaling segundo ng pagtayo ko...

nag dalawang isip ako kung aatras ba 'ko, kung tutuloy ba 'ko...

may parte sa isip ko, o sa loob ko na nagsasabing hindi na dapat ako tumuloy. na dapat umatras na lang ako para sa kaibigan pero...

hindi ko magawa.

hindi ko magawang umatras. gusto kong lumabas at gawin ang kaya ko. ang kaya kong magawa para sa kanila.

gusto kong isipin ang kapakanan ng kaibigan, may parte sa puso ko na nagsasabi na hindi dapat ako tumuloy para ligtas ang lahat. ako, si charles. kundi na rin si Angeline...

pero imbes na isipin 'yon. na isip ko na, po-protektahan ko naman s'ya. magagawa ko 'yon.

nakakatakot lang. nakakatawa lang.

takot pa rin ako hanggang ngayon at paulit-ulit lang mangyayari 'yon...
kaya bakit?

bakit ko hahayaan lang na gano'n. na niniwala akong matatapos ang lahat. mawawala ang takot ko, kung tatayo ako.

ESCAPE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon