Kabanata 22
"bitawan n'yo sila." ulit ni ma'am.
tumingin s'ya sa'kin at tumango, para bang sinasabi n'yang magiging maayos ang lahat. 'yon ang palaging ginagawa ni charles..
"oyy~ tignan n'yo oh!" tumawa sila.
tumingin ulit sa akin ang matabang lalaki. matalim ang tingin ko sa kan'ya, pero bumaling ako kay charles ng narinig ang inda n'ya.
gusto kong sabihin na tumayo s'ya. kailangan n'yang tumayo. Pero...
binalik ko ang tingin sa harap, pigil ko ang hininga ng nakita ang matabang lalaki na malapit na sa akin. biglaan. hinawakan n'ya ang pisngi ko. masakit. mariin ang hawak.
pilit n'ya akong pinatingin sa kan'ya. hindi ko alam ang sasabihin. galit ako at ang naisip ko na lang ay duraan s'ya sa mukha. mas humigpit ang hawak n'ya sa pisngi ko. hinarap n'ya ako sa kan'ya, para lang ipakita ang ngiting 'yon.
pinunasan n'ya ang mukha, gamit ang madumi n'yang palad. tinanggal n'ya ang pagkakahawak sa akin. gusto kong sumigaw dahil sa sakit, ng nilipat n'ya ang kamay sa buhok ko.
do'n n'ya 'ko hinawakan. tinaas n'ya ang buhok ko at tumabi sa gilid. hinarap n'ya ako kay ma'am, tumatawa s'ya.
nagkatinginan kami ni ma'am, ang nanginginig n'yang mata ang una kong nakita. takot. galit. lungkot. lahat ng 'yon, parang nakita ko na din.
gusto kong umiyak. iiyak ako, pero hindi ako humagulgol. gumilid ang tingin ko sa matabang lalaki.
"b-bitawan n'yo sila!" si ma'am.
nanginginig ang boses n'ya. hindi ko gustong tumingin, dahil alam kong may luha din s'ya. nakatingin pa rin ako sa matabang lalaki. wala akong ibang makita, kundi ang nakakatakot n'yang ngiti.
"ma'am.., bakit naman kasi kinuha n'yo 'yung pagkain..?" tanong n'ya, nakangisi.
hindi ko alam kung ano ang dapat isipin. pakiramdam ko nagtagal sa isip ko ang tawanan nila at wala na 'kong naririnig pa.
bumaling ako kay charles at paulit-ulit na sinabi sa isip na kailangan n'yang tumayo. dapat tumayo s'ya.
sa kan'ya lang ako nakatingin, kahit nagpatuloy ulit ang usapan. naramdaman ko ang mga unti-unting pagtulo ng mga luha. wala akong ingay na ginawa, kahit malakas ang iyak.
pinigilan kong umiyak ng malakas, dahil natatakot ako. si charles.., kailangan n'yang tumayo. kailangan naming makaalis dito.
"h-hindi tama ang g-ginagawa n'yo.., mag usap tayo ng m-maayos. bitawan n'yo muna sila..." kalmadong saad ni ma'am.
ang boses na kinukuhaan ko ng lakas, pakiramdam ko nanghihina na din. ang taong kinukuhaan ko ng lakas, hindi na rin makatayo. nagkatinginan kami ni charles.
"bakit naman kasi.., pumunta kayo sa.., teritoryo namin?!" tumawa ang mataba.
hinatak n'ya ulit ang buhok ko, na para bang pinapakita na 'yon lang ang hawak n'ya sa'kin.
binitawan ako ng dalawang lalaki. binitawan nila ang kamay ko. ang matabang lalaki na ang may hawak sa'kin. hawak n'ya ang buhok ko, pumunta s'ya sa likod at binulong.
"masarap ka, pero mukhang masarap ang teacher na 'to..." bulong n'ya 'yon, sa tainga ko.
nanginginig ang paningin ko ng binalik ang tingin kay charles. Bakit, hindi s'ya gumagalaw? hinawakan s'ya ng dalawang lalaki, na nakahawak sa'kin kanina. hinawakan nila ang magkabilang kamay ni charles. pinilit nila 'tong itayo. sinampal ng isa sa pisngi at tumawa.
nakatingin lang ako gamit ang nanginginig na mata. ang mga salitang sinabi sa'kin ng lalaking 'to ang nagtagal sa akin, katulad ng mga litratong nakita.
BINABASA MO ANG
ESCAPE [COMPLETED]
Mystery / Thriller-A high school becomes dangerous zone because of a zombie outbreak. trapped students must fight their way out--or turn into one rapid infected. this is the first story of the ZOMBIE SERIES ESCAPE, THE CRISIS. See you again, don't say goodbye... Stat...