Kabanata 26

34 5 0
                                    

Kabanata 26

Tahimik ang lahat. Walang nagsasalita. Mabilis ang tibok ng puso ko, kahit ang paligid, gan'to na. Lumipas ang mga segundo at minuto. Bawat sandali ng paghinga at mahinang pagkilos sa paligid, pakiramdam ko sobrang bagal. Parang nakakulong ako sa isang sitwasyon at hindi ko alam kung ano na ang dapat gawin.

Nawala ang mga anino sa likod ng mga kurtina. Ang mga atungal, lumalayo. Ang mga dagundong sa second floor, nawawala na.

Pinakikiramdaman ko ang paligid, pero hindi lang ako ang gumagawa no'n. Hindi ko maalala, kung umiyak ba 'ko. Pero, narinig ko na ulit ang mga hagulgol sa paligid. Pigil ko ang paghinga, at parang agad na bumalik sa sarili.

Gumilid ang tingin ko sa paligid, pero sa huli ay nilibot na ng tingin ang lahat. Agad hinanap ng mata ko ang nga kaibigan. Lahat sila, nakahiga sa sahig. Nanginig ang paningin ko, kahit dahan-dahan na tumayo.

Mabilis akong lumapit sa kanila. Nasa likod ko lang si charles, nararamdaman ko ang hawak n'ya sa braso ko. Agad ding dumilat si Michaela at angeline, ng tinapik ko sila. Si Alexandra, tahimik ng umiiyak sa gilid.

Nasa likod sila ng lamesa, kaya hindi ko alam kung pa'no ako napunta sa labas ng ginawa nilang maliit na bahay. Gising sila, pero hindi nakapag salita. Nawala ang ingay sa paligid, kaya napuno ng iyakan ang loob ng room. Maingay, na ulit kami.

Bumaling ako sa sahig. Nando'n pa rin ang itim dugo, ng tumingin ako. Pero wala na si david. Mabilis na nagbago ang lahat. Hindi ako nakasabay, kaya hindi ko alam ang mga nangyari.

Mabilis nagbago ang paligid, kaya hindi ko alam kung bakit na naman sila nakapaligid sa amin. May galit. May umiiyak at humahagulgol. May mga sumisigaw. May tahimik lang at nakatingin sa labas ng bintana.

Nasa loob ng banyo, si david. Saad sa akin ni niel. Pagkatapos takpan ang mukha ni david. Tumigil daw 'to sa pagwawala at pagaatungal. Tinali nila sa upuan, at sa huli ay pinasok daw nila sa banyo. Kausap nila trace, kurt, Benedict at charles ang iba. Nanghihina ang lahat, pero gusto nilang malaman ang nangyari sa hindi magandang paraan. May sumisigaw, kahit takot naman.

Hindi ko gustong maalala ang mga nangyari. Hindi ko rin gustong mag salita. Gusto kong sisihin ang sarili, sa nangyari kay ma'am. Pero, wala din ako sa sarili para gawin 'yon. Natutulala ako, pero bumabalik din sa sarili kapag hinahawakan ng mga kaibigan.

Nanginginig ang paningin ko. May lumalabas na luha, pero walang hikbi. Tahimik lang ako, pero gusto ng masuka. Bumabalik lang ako sa sarili, dahil sa mga kaibigan.

Hindi ko na din alam, kung bakit katabi na namin si jerra. Sa huli, wala kaming nagawa, kundi sabihin sa lahat ang tungkol sa eagle senior. Mas nadagdagan lang ang takot nila, na hindi na nila nagawang tumayo pa. Umiyak na lang ng tahimik at humagulgol sa gilid. Natigil sila sa sigawan. Natigil sila, sa pagsasabi na baka nahawa kami at maging zombie

Pati rin naman sila, lumabas ng nangyari ang lahat ng 'yon kahapon. Tahimik na ulit, pagkatapos ng ingay. Paulit-ulit lang ang tanong nila, na parang may lalabas na sagot kung u-ulit-ulitin nila 'yon.

"Nasa'n si maam?!"

"Kasalanan n'yo!!"

Hindi ko na gustong marinig ang mga tanong na 'yon, katulad ng mga tanong na kailan uuwi. Kailan aalis dito. Kailan sila babalik.

Nabasa ng lahat, ang nakasulat sa pulang papel na nahulog sa langit. Nagkalat sa paligid, nakasabit na sa mga puno dahil sa hangin.

Hindi ko maintindihan, kung bakit pa nila tinatanong 'yon, gayo'ng nabasa na nila ang lahat. Katulad ko. Gusto ko na ring uwuwi. Gustong i-sigaw ang sagot sa mga sinisigaw nilang tanong. Pero, hindi ko magawa.

ESCAPE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon