Wakas
ESCAPE
Hawak ang matulis na bakal, dahan-dahan akong tumayo. Tumingin ako kay charles. tumango s'ya sa akin.
Nakatayo na ang lahat. Hawak ang mga sandata nila, para iligtas ang sarili sa mga pwedeng mangyari. Hawak naman ni Charles, ang isang pala. Ang mga kaibigan ay katabi ko. Binalot naman ng lahat ang sarili nila, sa makakapal na tela at karton. Ngayon, handa na ang lahat. Nakatingin, sa saradong pinto.
Mabilis lumipas ang gabi. Lumabas na ang araw, at ngayon ay tanghali na. Ang araw, sa likod ng kurtina ay maliwanag, at siguradong masarap sa pakiramdam kung mararamdaman ko.
Nanginginig ang kamay at mabilis ang tibok ng puso ko. Mabilis din, ang paghinga. Ang lahat ng nararamdaman ngayon, siguradong nararamdaman din ng lahat. Hindi ko lang, nakikita.
Inulit nila, ang mga sinabi.
"Maiiwan na lang kami dito"
"Magiintay na l-lang dito sa room."
"Uuwi na lang ako..."
Halos lahat, gano'n ang gusto. Sa huling Segundo, parang gusto ko na ring umatras. Parang hindi ko na rin gustong lumabas ulit. Pero, ang pakiramdam na 'to, Alam ko na.
Ayos lang matakot. Ayos lang umiyak. Ayos lang, kahit sabihin mo na mahirap at talagang nakakapagod lang. Pero, 'wag kang aatras. Kailangan lang, magpatuloy.
Gano'n ang buhay.
Ang totoo, hindi ko alam kung pa'no tatapusin ang lahat ng 'to. Pero, kailangan lang magpatuloy. Pagkatapos ng matagal na usapan, nandito na kami ngayon. Pagkatapos ng lahat, magiging maayos na. Marami na kaming nagawa, at malayo na ang narating namin.
Hindi ko na gustong alalahanin ang lahat, pero sa tingin ko may mga alaala na dadalhin ko na at may mga maiiwan.
Gano'n ang buhay.
"May mga makikita kayo, na hindi n'yo kakayanin..." Saad ko, pilit na pinigilan ang nanginginig na boses para hindi lumabas sa akin. Para hindi nila makita.
"..may mga bagay kayo na makikita. pag nakita n'yo 'yon, mararamdaman n'yo ang isang emosyon na siguro hindi n'yo pa naramdaman..."
Tahimik ang lahat, nakatingin lang sa akin. Ang mga mata nila, may mga luha dahil sa takot. Ang emosyon na 'to, gusto kong maramdaman ulit.
At para maramdaman ko ulit 'yon, kailangan kong mabuhay. Kailangan mabuhay ng lahat. Dapat.
"..isipin n'yo lang, kung bakit kayo tumatakas. Isipin n'yo kung bakit kayo tumatakbo..."
Hindi lang ang, pagtakbo dahil sa takot.
"..may nagiintay sa'tin..." Pagpapatuloy ko.
Gusto kong gawin ang lahat, pero ito lang ang kaya ko. Ginawa ko naman ang lahat, pero bakit may mga ayaw pa rin lumabas?
Bakit, may mga kailangan maiwan? Bakit, ayaw nila?
Dahil ba, dahil din sa takot?
Mali, hindi 'yon. Nasa 'yo, kung ano at pa'no mo gagamitin ang takot. Ako, ginagamit ko 'yon para magpatuloy. Mahirap intindihin, at siguro ako lang ang nakakaintindi sa sarili ko. Pero sana, may taong mag sabi sakin na...
BINABASA MO ANG
ESCAPE [COMPLETED]
Mystery / Thriller-A high school becomes dangerous zone because of a zombie outbreak. trapped students must fight their way out--or turn into one rapid infected. this is the first story of the ZOMBIE SERIES ESCAPE, THE CRISIS. See you again, don't say goodbye... Stat...