Kabanata 24

24 3 0
                                    

Kabanata 24

Nakatingin lang kami sa isat-isa. Unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi. Nanginginig kong binalik 'yon. Sinubukan kong ibalik, pero naglaho din. Napalunok ako at muling yumuko.

"Kung magkasama tayo sa past life natin, sa tingin mo natapos 'yon ng masaya?" Tanong ko. Paos ang boses.

Naramdaman kong natigil s'ya sa tanong kong iyon. Naramdaman ko din kung pa'no bumalik ang luha ko sa mata. Dahan-dahan iyong umagos sa pisngi ko, at ang nagagawa ko lang ay pumikit ng mariin. Saglit kaming tahimik. Alam kong hindi n'ya rin alam ang dapat gawin, pero bumaling ako sa kan'ya ng hinawakan n'ya ako sa kamay.

Dahan-dahan s'yang tumango, bilang sagot sa tanong ko. Do'n ko napigil ang paghinga. Muling bumuhos ang luha ko. Pinigilan 'yon ng kamay n'yang tumulo. Pinunasan n'ya ang pisngi ko. Abot ang tahip ng puso ko, sa ginagawa n'ya. Masakit. Mahirap.

Sa nakaraan kong buhay. Sa susunod kong buhay.., at sa susunod pang habang buhay. Magkikita pa rin kami nila mama. Magkikita kami ni papa. Ng mga kaibigan ko.

Magkikita ulit kami. Ni charles.

Hindi ko alam kung bakit ako biglaang naniwala sa ganito, pero umaasa ako. Inalu n'ya ako at nilagay ulit sa balikat n'ya. Doon ako umiyak. Ina-alu ko ang sarili, sa pagiisip ng ga'non. Pero masakit lang.

Buo ang puso ko ng lumabas at nag desisyon ng gawin ang mga 'to. Hindi pa rin pala nagbago 'yon. Hindi nagbago. nalaman kong, hindi pa rin ako nagsisi sa mga desisyon na ginawa.

Napangiti ako, pero sa huli ay napangiwi din ng naisip 'to. Kung maganda at natapos ng maayos ang nakaraan naming buhay, siguradong dito rin at sa susunod pang habang buhay. Sisiguraduhin ko. Magkikita ulit kami.

"Kung gano'n, umalis na tayo dito..." Saad n'ya.

Nagkatinginan kami. Saglit akong natigil, dahil 'yon din ang gusto kong sabihin. Hindi ko alam, pero parang pareho kami ng iniisip. Mukhang gano'n nga.

"Kaya m-mo ba?" Tanong ko.

Tumingin ako sa buong katawan n'ya. Puno ng dugo ang labi n'ya. May sugat ang mukha at katawan. Tinignan n'ya din ako bago tumango. Kinuha n'ya ang kamay ko, at muling binalik ang tela na nahuhulog na. Bumaling s'ya sa akin at tumango.

"Kaya ko." Sabi n'ya.

Sabay kaming tumayo. Bumaling kami sa kisame.

"D-don kaya tayo dumaan?"

Tumingin s'ya sa akin at umiling. Umalis s'ya sa tabi ko, at sinubukan ulit tignan ang bintana sa likod. Madilim ang paligid, at nagsimula ulit bumigat ang nararamdaman ko.

"Kung d'yan tayo dadaan at lalabas sa kabilang room, marami ring zombie. Sa mag kabilang room."

Namutla ako. Bumaling ako sa pinto. Ang labas, tahimik na ulit. Pero nando'n lang sila, at nakikinig. Nagaantay. Lumapit ako sa kan'ya.

"Kung s-sa bubong?" Tanong ko. Kung dadaan kami sa kisame, at sisirain ang bubong baka pwede.

Kailangan naming gawin ang lahat ng kaya, pero parang ang kaya lang namin ay ang tumakbo. Umiling ulit s'ya.

"Mapapalayo lang tayo. Magtatawag lang tayo ng zombie, dahil sa ingay. Mahirap lang, dahil bakal din ang lahat ng nandito."

Nilibot namin ng tingin ang buong paligid. Napalunok ako. Ang kwarto na 'to, ay isang storage room. Makitid at madilim. Isa lang ang pintuan, at may dalawang maliit na bintana sa dulo. Ang bawat shelves ay walang laman. Nakakulong kami dito, at walang magawa. Walang tutulong.

Binalikan ko ang isip, sa naiwang Segundo. Tinignan ko ang mga nasa sahig. Ang kutsilyo, Martilyo, gunting at mga bakal na ruler. Mabilis kong kinuha ang martilyo. Bumaling s'ya sa akin. Tumingin s'ya sa hawak ko. Nagkatinginan kami.

ESCAPE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon