Kabanata 2

21.2K 481 99
                                    

"Oo naman, Chairman. Magkakasundo tayo tungkol diyan. Hindi naman problema ang mga project na 'yan..." tawa ni Daddy habang nakikipag-usap sa Chairman ng Resita.

Sumang-ayon ang matanda sa pagtawa rin pabalik. "Makakaasa ako sa 'yo, Mister Buendia. Isa pa ay magandang gawing model 'yang anak mong si Yulia. Ilang taon na ba siya ulit?"

Malawak akong ngumiti dahil kailangan. Kailangan kong maging friendly kahit gusto ko ng umalis sa harap nila ngayon. Nakakangalay ngumiti lalo na kung hindi ko naman talaga gustong ngumiti.

"I'm currently in my Senior Year, Chairman. And I'm 17 years old." Malumanay at walang bahid ng kahit na anong gasgas ang aking boses.

'Yung tonong gugustuhing marinig ng lahat nang paulit-ulit. Lalo na kapag kaharap ang ama ko. Utusan niya lang naman 'tong mga 'to kaya mabait sa akin. Pare-parehas niya lang kaming kino-control.

"Saktong-sakto talaga, Mister Buendia. Bagay na bagay sila ng anak kong si Logan. Bukod sa pagiging business minded no'n ay nagte-take pa ngayon ng Engineering." Tumatawa pa siya habang akala niya ay masayang suhestiyon 'yon.

"Si Logan, tama ba? Nako napakagwapong bata no'n. Bagay na bagay nga sila ni Yulia. Nakita ko rin na nagkakausap sila sa school noong hindi pa college si Logan. Mukhang mag kaibigan sila." Nagtinginan pa sila nang makahulugan bago nagtawanan.

I pity these two. Wala akong karapatan kaawaan ang tatay ko, sabi nila. Pero nakakaawa siya sa edad niyang 'yan... ganiyan pa rin ang mindset niya. Ni hindi niya naisip maging mabuting tao para sa pamilya niya. He only cares about himself and his power. Maybe his wealth, but more on his power. His title. That's what only matters to him.

Sila ni Mommy. Parehas silang walang pakialam sa akin. Nakikita nila ako bilang isang pang-trade lang at walang kakayahan. Si Henry ang mas pinagtutuunan nila ng pansin dahil lalaki. Dahil kaya raw mag-lead ng isang pamilya sa hinaharap.

Ang akala nila ay sang-ayon si Henry sa lahat ng mga bilin nila. Pero sinisira na rin pala niya 'yung pamilya namin lalo. 'Yung apilyido namin— 'yung tatay ko. Hindi niya man lang naisip iligtas o isama ako. Ang akala niya gusto ko 'tong nangyayari sa akin kasi natatrato ako nang maayos ng tatay ko at palaging binibida sa lahat. But he never asked... not even once.

"Dad may pasok pa ako. So, I need to prepare. I hate to leave you two here but I must go." I stood up with elegance trying to portray the princess Yulia of Buendia.

Just like what Logan said before. I'm the princess of this family. I have to portray it, at least. Because as if I have a choice. I have to keep serving my father to live. May pag-asa pa akong mabago 'tong buhay ko kapag nakapagtapos na ako at siguro'y nakapag-asawa.

There's this little hope inside me that I will find someone better in the future. The right man for me. 'Yung lalaking makikita 'yung kalakasan ko at hindi kung saan ako mahina. Tatanggapin ang flaws ko at titingnan 'yon bilang isang parte ko na dapat niya ring mahalin. 'Yung lalaking hindi katulad ng tatay ko. O hindi kaya ng kapatid kong makasarili.

"Excuse me, Chairman. I need to leave you two here." I smiled.

"Sure, Yulia. You may leave." He smiled back.

Pagkatalikod ko ay kusang nawala ang ngiti ko. Hindi ko masikmura ngumiti sa lalaking 'yan. Pare-pareho sila nina Logan. Mga basura. Egoistic, ignorant nut sack.

Wala akong kalakas-lakas habang naghahanda ako para sa pagpasok ko. Ni hindi ako excited maupo sa harap ng professor ko at makinig. Ang tanging nagiging motivation ko na lang mabuhay ay gusto ko pang may maabot at hindi ako pang-trade lang para pampadagdag sa ego ng mga lalaking 'to.

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon