Kabanata 3

18.8K 477 134
                                    

Inaayos ko nang mabuti ang sarili ko sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. I need to look good today. Kailangan magandahan si Terrence sa akin. Kailangan mas presentable ako sa harap niya kumpara sa iba. Wala rin naman silang pakialam sa akin.

Ang mahalaga ngayon ay ang opinyon ni Terrence. Hindi dapat siya ma-disappoint sa akin. Hindi man ako mag mukhang perfect sa mga mata niya pero ang mahalaga ay maka-usap ko man lang siya.

"Yulia, nakapag-almusal ka ba? Bakit hindi ka ata sumabay kanina? Hindi kita nakita kanina habang kumakain sina Henry?" Napatigil ako sa paglalakad palabas ng bahay nang narinig ko si Daddy.

Nang harapin ko siya ay ngumiti agad ako. "Ipina-pack ko po kay Gina. Sa school ko na lang din po siguro kakainin at mag-aaral din po ako."

Nangunot ang noo niya at ibinaba ang binabasang dyaryo sa coffee table bago lumapit sa akin.

Pinagmasdan niya ang itsura ko. Mula sa ayos ng aking buhok na iniba ko ang ayos ngayon. Ang pagsuot ko ng hindi matingkad na makeup. Nakikita niya ba na may binago ako?

Bigla akong kinabahan dahil nakatitig lang siya sa akin. Tila parang binabasa ang gustong sabihin ng mga mata ko. As if he's trying to lure me. Hinuhuli niya ang mga mata ko kung may balak ako.

Pero siya ata nag nagturo sa akin kung paano magpanggap kaya kumurap-kurap ako na parang isang prinsesa sa palabas. "Bakit, daddy? Is there something wrong?" Matamis pa sa asukal ang aking boses.

He sighed and slowly shook his head. "Nothing. I'm just checking on you. Since kahapon ay hindi ka okay. You look pale." He smiled.

Checking? Malapit na akong mamatay, Dad. Ngayon mo lang ako iche-check dahil maputla ako sa harap ng Chairman? Baka kasi na-disappoint ko sila at nasira agad ang image ko.

Can't he lie? It's so obvious. Nagpapanggap pa siyang may pakialam sa akin. Ang hinahanap lang naman niya ay dapat maayos ako para ma-present ko ng sarili ko nang maayos.

"Thanks. I'm okay. I gotta go. Hinihintay na rin po ako ni Kuya Ernesto." Tipid akong ngumiti sa kaniya bago niya ako tuluyang pinakawalan.

Bago ako bumaba ng sasakyan ay tiningnan ko ulit ang buhok ko sa maliit na salamin na dala ko. Gano'n pa rin naman ang itsura ko. Hindi naman ako parang a-attend ng prom... mas binago ko lang sa paraang para na rin makapasa kay Terrence. Kahit hindi ko naman alam ang style na gusto niya.

Pagkarating ko sa classroom ay mga bag lang ang ando'n. Mukhang nasa gymnasium sila. Kasi nadaanan ko ang mga girls kanina sa waiting area. Maaga kasi akong pumasok ngayon kaya malamang ay wala pang klase.

Huminga ako nang malalim habang naglalakad papunta sa gymnasium. Kinakabahan ako. Parang iniipit ang sikmura ko sa hindi malamang paraan. Ni hindi ko man lang alam kung paano ko siya kakausapin. Basta kailangan ko siyang i-approach! Ito na naman ako na parang tangang naghahabol sa kaniya.

Tulad noon, pinipilit ko ang sarili ko sa kaniya. Pero mas mabuti na 'to. Mas mabuti ng ibaba ko 'tong pride ko ulit para naman 'to sa akin. Kailangan kong magkaroon ng koneksyon kay Terrence. Then 'saka na siguro 'yung sa totoong feelings. 'Yung papunta sa lovers.

Sinilip ko ang loob ng gym at nando'n nga siya pati ang iba pa naming mga kaklase. Naka-PE sila. Usually ginagawa talaga nila 'to bago magsimula ang klase— naglalaro-laro muna sila.

Dahan-dahan ang pagpasok ko sa loob pero since sila lang ang tao ro'n at wala rin namang nanonood ay mukhang nakita nila ako agad.

Kaya mas tumindi ang nararamdaman kong kaba. Baka magtaka sila kung bakit ako nandito. Parang mas bumabagal ang oras dahil nakatingin sila sa akin.

The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon