[Warning: Slight R-18]
Pag-uwi ni Logan ay hindi nawala sa isip ko ang misteryosong tawag na hindi ko alam kung kanino galing. May nag-uudyok sa akin na sagutin 'yung tawag pero may takot din ako na baka kung sino naman 'yon.
Wala pa naman akong naka-line up sa Shopee. Wala naman akong pinagbibigyan ng number ko bukod kay Terrence at Logan. Wala naman akong kaibigan. Kung kina Daddy man galing ay naka-registered naman ang mga names nila sa phone ko. Kaya hindi ko alam kung kanino galing ang tawag.
Sinabi ko kay Logan ang nangyari. 'Wag ko na lang daw pansinin dahil baka na-wrong number lang. Napanatag naman ako ro'n kahit papaano. Bakit ba ako mag-iisip ng kung ano-ano agad dahil lang sa may tumawag. Hindi ba dapat mas nakakatakot kung nalaman ko kung bakit siya tumatawag?
Kaya tulad ng sinabi ni Logan ay hindi ko na 'yon inisip. Hindi na rin naman na siguro mahalaga 'yon.
Sa nagdaang araw ay naging abala si Logan sa inaasikaso niya sa office niya. Mas kinailangan nga siya dahil nagsisimula na rin ang construction. Hindi na daw napigilan ang kliyente niya. Kaya madalas ay ako na naman mag-isa sa bahay.
Inaabala ko na lang ang sarili ko sa panonood ng mga movies o hindi kaya ay series. Nagsimula na rin akong mag-exercise para every morning ay may routine ako. Dahil hindi ko naman na kayang kontrolin 'yung trabaho ni Logan. Kailangan niya 'yon gawin. Hindi ko na siya mapipilit na mag-stay lang sa bahay.
Pero kahit tanggap ko 'yon ay hindi ko maiwasang hindi siya hanap-hanapin. Nahihirapan din akong mag-isa sa bahay lalo na at nasanay na ako kay Logan. Hindi ko na basta binabaliwala ang presensya niya.
Kaya kapag nasa bahay siya ay talagang sinusulit ko ang oras. Kasi halos isang linggo na siyang abala sa trabaho. Naglalaan pa rin naman siya ng oras sa akin. Lumalabas kami para maggala, or hindi kaya ay mag-lunch. Tulad niya ay ayaw ko ng fancy bonding. Mas gusto namin parehas 'yung simple lang.
Naglalakad sa gabi. Sinasabayan ang malamig na hangin. O hindi kaya ay pumapasyal sa mga museum. Movie night. Cleaning day. Laundry day. Restocking day. We love that kind of dates. Ginagawa naming espesyal ang simpleng araw lang.
"I really need to go, Yulia... hinahanap na ako sa site." Tumayo na siya matapos maubos ang pancake na hinanda ko.
Tumango ako at ngumiti. "Okay."
Hinalikan niya ako sa aking labi matapos punasan ang kaniyang labi dahil sa syrup ng pancake.
"Ingat ka..." hinawakan ko siya sa braso dahil ayaw ko pa siyang umalis.
He smiled. "Alright. I will. Uuwi rin ako mamaya agad. Dito ko na lang tatapusin 'yung ibang blueprints."
Nahahalata niya sa mga mata ko na gusto ko pa siya makasama kaya hindi rin siya gumagalaw at nakatitig lang sa akin. Alam niyang hinahanap ko na agad siya kahit hindi pa siya umaalis.
Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti nang magaan. "I'll text you later. I'll call you kapag nasa break ako. I'll call you bago ako umuwi. Hmm?"
Ngumuso ako at tumango. Ayaw ko siyang nire-require gawin ang mga 'yon pero siya 'yung nagkukusang gawin 'yon. Since gusto namin parehas na mas magkaroon ng oras pa sa isa't isa ay naiintindihan niya 'yung pagiging clingy ko.
Ngayon lang din kasi kami naging ganito. Wala man lang 'yung phase ng pagiging mag-boyfriend-girlfriend. Kaya nagugutom kami sa isa't isa parati. Gusto namin magkadikit palagi.
"I love you..." he whispered.
I chuckled and expressed my respond by hugging him. Gusto ko pa siya sa tabi ko ngayong araw! Nabitin ako sa paglalaba namin kahapon. Para akong bata na gustong magbugnot sa isip ko kaso... kailangan ko na siyang papasukin.
BINABASA MO ANG
The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)
General Fiction[𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐏𝐒𝐈𝐂𝐎𝐌 𝐏𝐔𝐁 𝐈𝐍𝐂.] Prequel of the The Ravels Inception: Yulia "From her deepest hell, she thought that marrying the man of her dreams would eventually fade all the tragedy her father gave her. But then, it wa...