Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang nakaririnig na ako ng kalansing ng kaldero. Huminga ako nang malalim at dahan-dahan pa ang pagkurap dahil sa nararamdamang antok.
Nakasarado ang kurtina ng veranda kaya hindi gano'n kaliwanag ang living room. Masyado pa akong inaantok para bumangon pero patuloy ko lang naririnig ang pagkilos ni Logan sa kusina. Nasa sala nga pala ako natutulog.
I groaned. Napabangon na ako at nilingon si Logan na ngayon ay may hinihiwang kung ano.
Nagtama agad ang mga mata namin kaya napangiti siya, "Nagising ba kita? Ang hirap hindi kumilos ng walang ingay..." He chuckled.
Umiling ako. "Okay lang. Anong oras na ba?"
"It's 11 a.m."
Tumango-tango lang ako at kinusot ang mga mata ko habang tina-try nang mawala ang antok. Tanghali na pala kailangan ko ng bumangon.
Biglang sumanggi sa isip ko ang nakita ko kagabi. Kaya unti-unting nagising ang diwa ko dahil sa kabang naramdaman kagabi. Sino 'yon? Sino naman ang sisilip sa bahay namin ng gano'ng oras? Para pang may tinatangka kaso hindi na tinuloy.
"Logan..." I called him.
"Hmm?" Masiya ang kaniyang ekspresyon pero unti-unti 'yon nagbago nang nakita ang aking mukha.
"Wala namang unusual na nangyari ngayong umaga? Wala namang naghanap sa atin? Sa akin o sa 'yo?"
He shook his head. "Wala... naman. Bakit?" He looked concerned and even stopped what he's doing.
Ako naman ang umiling. "Wala naman. May nakita lang kasi ako no'ng madaling araw. Isasarado ko sana 'yung kurtina ng veranda at mismo 'yung sliding door. Kaso may nakita akong dumudungaw sa labas ng gate natin na nakasumbrero. Parang may sinisilip dito."
Nangunot ang noo niya at hininaan ang nakasalang sa kalan. Pinunasan niya ang kamay niya at saka naglakad palapit sa akin.
Umupo siya sa tabi ko. "Shall we install CCTV?"
Suminghap ako at dahan-dahan napatango. "I think we should. Nakakabahala 'yung nakita ko kagabi. Nakahubad pa nga ako kagabi pero nagtakip naman ako ng kurtina. Kaya bumalik agad ako sa tabi mo after ko masara 'yung door."
"Baka narinig ka niya kaya umalis? Kasi mula sa labas ay kita naman 'yung sliding door na sumasara..." Hinawakan niya ang braso ko at mabilis na hinalikan ang balikat ko.
"I think so. Pero buti na lang umalis siya... natakot kasi ako talaga." I bit my lower lip.
Napasinghap siya at saka mas lumapit para mayakap ako. Sumandal ako sa balikat niya habang nakayakap siya sa akin.
"Magkakabit ako ng CCTV dito. And papa-secure ko 'yung gate natin. Mas papataasan ko." Hinimas niya ang braso ko.
Tumango ako. "Baka magnanakaw sana siya?"
"'Wag na muna natin isipin 'yon for now. 'Wag kana masyado mag-alaala ro'n. Baka ma-paranoid ka." He sounded worried.
Muli akong tumango at huminga nang malalim. Sa tingin ko nga tamang 'yon na lang ang gawin ko. Mabuti naman ang Diyos. Hindi Niya hahayaan na may mangyaring masama sa amin. Hindi Niya hahayaan na manakawan kami o kung anuman. Pinagkakatiwalaan ko naman Siya sa mga mangyayari sa amin.
I think that's also my another way to develop myself. And that is to entrust my life to the Lord— our lives. Our safety. Our financial. Our family. I'm letting Him to take over this life of mine.
Napag-isip-isip ko rin no'ng mga nakaraang araw na kung gusto ko talaga ng pagbabago sa buhay ko, bakit hindi ako lumapit kay Lord at hayaan Siyang baguhin ang mga bagay na gusto kong mabago sa buhay ko. It's never too late naman. Habang buhay pa ay may chance pa.
BINABASA MO ANG
The Ravels (Published under PSICOM Publishing Inc.)
General Fiction[𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐏𝐒𝐈𝐂𝐎𝐌 𝐏𝐔𝐁 𝐈𝐍𝐂.] Prequel of the The Ravels Inception: Yulia "From her deepest hell, she thought that marrying the man of her dreams would eventually fade all the tragedy her father gave her. But then, it wa...